Naalala muba nung masaya mong binalita samin na sinagot muna yung nanliligaw sayo, sobrang saya mo non ni hindi mo nga napansin na nasaktan ako. Simula nung una palang kita nakita sarah hinangaan na Kita, akala ko hanggang doon lang yon pero mali pala ako habang tumatagal palalim ng palalim ang nararamdaman ko sayo. Habang masaya ka sa iba patago naman akong nasasaktan sa tuwing nakikita kitang masaya sa piling ng iba. Binabalak kong umamin sayo bago tayo gumraduate pero napangunahan ako ng kaba, sobrang nasaktan ako nung nalaman kong umalis kana. Pinilit ko naman Sarah ea, pinilit kong kalimutan ka pinilit kong ibaling sa iba ang nararamdaman ko, pero wala ea ikaw parin talaga. Ngayon handa nakong humarap sayo at aminin na mahal kita sarah, tama nayong ilang taon na sinayang ko, magiging matapang nako sa pagkakataong to. Kaya sarah pwede bakong manligaw sayo?
Nagulat ako sa mga sinabi sakin ni Jerome, bakit ngayon pa? Bakit hindi pa noon? Bakit kung kelan may mahal nako saka pa niya inamin na mahal ako ni jerome? Papayagan koba? O wag nalang? Pero ayokong saktan si Jerome. Bigyan ko kaya sya ng chance? Baka hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kay tanch, baka masyado lang akong nadadala sa mga ginagawa nya sakin. Tama dito ko talaga malalaman kung tama o mali ang nararamdaman ko, wala namang masama kung bibigyan ko ng chance si jerome. Tinignan ko naman ang mga mata ni Jerome at mapapansin mo kung gaano sya kasincere sa sinabi nya.
A-ahm? Pwede naman jerome, pero sure kaba sa nararamdaman mo?
Ta-talaga Sarah? Yesss, yess ,yess... Sigaw nito na rinig sa buong bahay ko
Pipigilan kopa sana sya pero huli nako nakasigaw na sya, nakita ko namang lumabas si lommy ng kwarto at lumabas din sina tanch at yana ng kusina..
May nangyari ba? May sunog? - Yana
Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw jerome? -lommy
Pi-pinayagan akong manligaw ni Sarah!! Halata mo ang saya sa kanya
Talaga baby? -lommy
Wow, kung makasigaw ka naman jerome kala mo sinagot kana! - Yana
Tinignan ko naman si tanch naka poker face lang sya, hindi ko alam kung galit ba sya o masaya sa nalaman nya. Bakit parang ang lungkot ng mga mata nya? Hindi ba sya masaya sakin? Pakiramdam ko tuloy mali yung desisyon kong bigyan si jerome ng chance na manligaw sakin.
"A-ah, excuse me kailangan kona umuwi may photoshoot pa kase ako. By the way congrats Jerome"... Pagpapaalam nito tsaka pilit na ngumiti
Ihahatid na kita tanch.. pag aaya ni yana
Sinundan ko lang ng tingin si tanch, parang may mali sa kanya kani kanina lang ang saya nya. May nangyari kaya? Hindi ko maiwasang isipin kung ano bang nangyari kay tanch, may ginawa bakong mali? Lumapit naman sakin si lommy, bakas mo sa kanya ang saya sa nalaman nya.
Naku baby, hindi ka nagkamali na bigyan ng chance si jerome na ligawan ka. I'm happy for you baby. Pero jerome wag na wag mong sasaktan ang baby ko ah, ako makakalaban mo oras na malaman kong sinaktan mo ang baby ko. - lommy
Wag po kayong mag alala lommy, hinding hindi kopo sasaktan si sarah. Kahit nasa malayo po ako ipaparamdam kopo sa kanya kung gaano ko sya kamahal, magtiwala po Kayo sakin lommy. - Jerome
Hinayaan ko lang sila mag usap ni lommy, hindi parin kasi mawala sa isip ko si tanch. Ano kayang problema nya? Okay lang kaya sya? Bumalik naman ang isip ko sa katinuan nung hinila ako ni yana papunta sa kwarto ko. Ano ba naman tong babaeng to bigla biglang sumusulpot, may lahi bang multo to? Sabi ko sa isip ko..

BINABASA MO ANG
Unconditional love
FanfictionGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...