Chapter 12

1.3K 55 2
                                        

Oo tanch hindi na mauulit to, sorry kung pinag alala kita. Sincere kong pagkasabi sa kanya. Hindi ito nagsalita at tumalikod sakin papalabas ng kwarto ko pinilit kong tumayo para habulin sya pero hindi pa ako ganon kalakas para makatayo naout of balance ako buti nalang at agad akong nasalo ni tanch.

"Ano kaba Sarah magpahinga ka muna, wag mo muna pilitin ang katawan mo na maglakad"

Hindi ko ininda ang sakit ng ulo ko, tinignan ko sa mga mata si tanch bakas parin doon ang matindi nitong pag aalala. Pinunasan ko ang mga luha na lumabas sa mga mata nya, ayokong nakikita syang nagkakaganon nasasaktan din ako pagnakikita kong malungkot ang babaeng gusto ko.

Sorry kung hindi ko sinabi agad, sorry tanch sorry. Paulit ulit akong humingi ng tawad sa kanya naiyak narin ako habang yakap yakap sya, ayokong nakikita syang nag aalala.

"Halika na nga at ipagluluto na kita ng pagkain mo, wag kang mag alala dito muna ako para alagaan ka, siguro uuwi muna ako sandali para maligo at magpaalam kay davi."

Hindi okay nako tanch medyo kaya ko naman na, asikasuhin mo nalang muna si Davi.

"No Sarah I will take care of you! Hindi mopa nga kayang tumayo mag Isa ea." Maautoridad na sabi nito

A-ah tanch.... Hindi nya manlang ako pinatapos magsalita nang bigla na itong lumabas ng kwarto ko matapos nya akong ibalik sa higaan ko. Aba nag umpisa nanaman yung babaeng yon sa pagiging seryoso nya, tsaka bakit ganon nalang ang pag aalala nya sakin? Tanchellie lobete ano ba talagang nangyayare sayo? Gusto moba ako o sadyang caring ka lang? Arghhh! Pero alam kona ang mga sagot sa nararamdaman kong ito, Mahal kona si tanch, mahal kona sya hindi ko alam kung anong nangyare sakin straight naman kase talaga ako ea pero pagdating sa isang tanchellie lobete nagiging baliko ako. Nahiga na lamang ako ulit sa kama ko at pilit kong iwinawaksi sa utak ko yung mga nangyare kanina.

"Sarah, sarahh kainin mo muna to para makainom kana ng gamot mo, sarah gising na."

Nagising ako sa mga salitang yon. Umayos ako ng upo at ibinigay naman sakin ni tanch yung niluto nyang lugaw, pasensya na nakatulog pala ako.. paghingi ko ng paumanhin sa kanya..

"Ano kaba okay lang yon para mabilis ang paggaling mo. Ako na magsusubo sayo para maipon yang lakas mo."

Alam kong wala akong magagawa kundi sundin na lamang si tanch, hinayaan kona lamang syang subuan ako.

Ikaw ba kumain kana? Tanong ko sa kanya

"Hindi pa, wag mokong alalahanin hindi pa naman ako gutom ea."

Kinuha ko naman ang kutsara sa kamay nya at sumandok sa lugaw hinipan ko muna ito bago ko itinapat sa bibig nya.

Hindi ako kakain paghindi ka kumain. Seryosong sabi ko sa kanya

"Sarah Garcia!!!"

Tanchellie lobete!!

Seryoso naming tinignan ang isat Isa, walang gusto magpatalo sa mga titig na yon.

"Oo na, kakain na." Sabay subo ng lugaw

Oh tama na yan akin nato kumuha ka dun.

"Aba akala koba gusto mokong kumain?"

Oo, pero hindi itong pagkain ko baka mahawa kapa.

"Andamot naman makikihati lang ea" sabay irap nito sakin

Papayag lamang akong makihati ng pagkain sayo pagmagaling nako.

"Oo na eto na kukuha na"

Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon