Tanch's PO'V
Maaga akong nagising dahil plano ko talaga na umpisahan ngayon ang panliligaw kay sarah, nagmuni muni lang ako saglit tinitignan ko lang si Sarah na mahimbing pang natutulog napakaamo ng mukha nya. Ginayuma kaya ako ng babaing to? Natatawang bulong ko sa sarili, dahan dahan akong umalis ng higaan saka hinalikan sya sa noo at pagkatapos ay dahan dahang lumabas ng kwarto. Ipagluluto ko sya ng paborito nyang spam, nakita ko naman si ate may sa kusina na naghahanda ng iluluto nya.
Ah ate may tulungan napo kita Jan.
Sigi po ma'am ano pobang iluluto natin ngayon?
Spam po tsaka egg. Nakangiting sabi ko sa kanya
Uyy si ma'am iba yung ngiti nya.
Ha? Ah, pano pong iba ate?
Ngayon ko nalang po ulit kayo nakitang ngumiti ng ganyan ea tsaka halata pong masaya kayo ni davi. Kayo napo ba ni Ms. Sarah?
Ganon naba ako kaobvious sa ngiti ko? Ea masaya lang naman kase ako sa mga nangyayari, Lalo na nung malaman kong mahal pala ako ni Sarah.
Ah eh hindi papo ate may ea, ngayon ko palang po uumpisahan ang panliligaw ko sa kanya. Nahihiyang sabi ko kay ate may
Yieee, Sabi na sa inyo ma'am ea may chance po kayo kay Ms. Sarah. Kinikilig na sabi nito
Habang nagluluto kami kinekwento ko naman kay ate may yung mga nangyari simula nung nagkabungguan kami hanggang ngayon. Kilig na kilig naman sya samin well pati din naman ako ea, pag naaalala ko nga yon bigla nalang akong napapangiti, natapos na kami ni ate may sa pagluluto ngayon naman gigisingin kona yung anak at asawa ko HAHAHA pagbigyan nyo na ulit akin naman kase talaga sya ea. Pumasok ako sa kwarto ko para gisingin si sarah pero bago yon pano koba sya gigisingin? Yugyugin ko kaya sya? Ay hindi pangit yon ea kung mag ingay kaya ako? Ampangit, hay bahala na. Nilapitan kona si sarah para gisingin, hindi ko alam kung may sariling utak ang mga kamay ko bigla nalang kase silang yumakap sa bewang ni sarah pero ganon pa man hinayaan ko lang ang sarili ko. Hinalikan ko si Sarah sa pisngi, noo ng paulit ulit.
Love gising na, kakain napo tayo. Paglalambing ko
Nakita ko namang nagising sya kaya kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. Tinignan ko lang syang umupo sa kama nakapikit pa ang mga mata nya, napapangiti nalang ako sa kanya. Unti unti nyang minulat ang mga mata nya saka tumingin sakin. Papungay pungay pa ang mga ito halata mong nabitin sa kanyang pagtulog.
Pwede bang mamaya nalang ako kumain? Antok pako ea. Nakapout na sabi nya
Lumawak naman ang ngiti ko sa sinabi nya, gusto ko sana syang pagbigyan kaso masama ang magpalipas ng gutom.
Love hindi pwede baka magkaulcer ka nyan ea. Malambing na pagkasabi ko sa kanya
Hindi naman ito umimik kaya nagpasya nakong hilain sya papunta sa cr.
Maghilamos kana jan, gigisingin ko lang si davi.
Tanchellie!!
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sigaw ni Sarah, agad naman akong humarap sa kanya para tignan kung anong nangyare.
Ano yon? May nangyari ba? May masakit ba sayo? Bakit ka sumisigaw? Sunod sunod na tanong ko sa kanya
Nakita ko namang nagpipigil ito ng tawa nya, ano bang nakakatawa don? Kung makasigaw to kala mo naman may sunog.
Ako nalang gigising kay davi, hintayin moko jan maghihilamos lang ako saglit. Natatawang sabi nya
Pft, yun lang pala ang sasabihin nya sinigaw nya pa talaga.

BINABASA MO ANG
Unconditional love
FanfictionGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...