Chapter 2

1.9K 53 2
                                    

*Kinaumagahan

Tanch's PO'V

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi parin nawawaglit sa isip ko yung nangyare kahapon sa mall. Bakit naging ganon yung action ko? Bakit iba yung pakiramdam ko. Tanong ko sa sarili ko

Hay, buti nalang at day off ko ngayon makakapagpahinga ako. Agad akong tumayo para maligo at mapaghanda ko ng breakfast si davi, binabalak ko ding mag jogging dito sa village after kong magluto. Ihahabilin ko muna si davi kay ate may.

Hay sa wakas tapos narin tong niluluto ko. Agad naman akong umakyat para magpalit ng damit pangjogging, nang matapos akong magbihis ay agad naman akong nagpaalam kay ate may na magjojogging.

Nasa tapat ako ng gate at akmang tatakbo na nang may nakita akong isang pamilyar na mukha sakin, teka parang nagkita na kami. Bulong ko sa sarili ko pero hindi ko nalang pinansin yon at baka guni guni ko lang sabi ko sa sarili at nag umpisa ng tumakbo.

Nakailang ikot ako sa village nang makakita ako ng isang playground don at nagpasyang magpahinga muna. Bumili ako ng tubig dahil kanina pa ako uhaw na uhaw at saka naman ako umupo sa damuhang bahagi ng playground. Bakit ngayon ko lang nakita ito? Sabi ko sa sarili. Madala ko nga minsan dito si davi para magbonding kami at hindi nalang sya laging nasa bahay lang.

Tinitignan ko lang ang mga batang naglalaro, ansaya nila ang kukulit pa. Napangiti ako bigla perfect to para sa bonding namin ni davi. Napatingin ako sa isang bata na nasa slide at wala yung bantay nya, biglang nahulog ang bata at nagulat ako sa pangyayare. Kasalukuyang umiiyak ngayon ang bata nashookt ako sa pangyayare kaya hindi ako agad nakatayo. Tatayo na sana ako ng makita na tinayo na sya ng isang babae.

Napatahan nya agad ang bata at namangha ako don, wow parang walang nangyare, tumigil agad sa pag iyak ang bata. Bulong ko sa sarili

Teka teka, bakit parang nakita kona yung babaeng tumulong sa bata? Hindi ko makita yung buong mukha nya kase nakatagilid sila sakin, kaya naman nagpasya akong lumapit sa kanila para malaman kung sya nga yong nakita ko kahapon.

Bawat hakbang papalapit sa kanila ay sya namang pagbilis ng tibok ng puso ko. Teka bat ganito? Bakit ako kinakabahan? Bakit iba nararamdaman ko? Tanong ko sa isip ko.

Nang makalapit nako sa kanila ay pasimple kong tinanong kung ayos lang ba ang bata, may galos ng kaunti sa kanyang tuhod kaya minabuti naming hugasan muna ito. Pero ang totoo ay pasimple din akong tumingin sa mukha na at hindi nga ako nagkamali sya nga yon, yung babaeng nakabanggaan ko sa mall kahapon.

Yung tibok ng puso ko kanina ay mas lalong bumilis nang makumpirma kong sya nga yon. Tinignan nya rin ako at nagulat nang makita nya kung Sino nasa harap nya.

Tapos na naming mahugasan ang sugat ng bata at naibalik na namin sya sa nanay nya.

Habang nagpapaalam ako sa bata ay bigla namang nagsalita si Sarah.

"Diba ikaw yung babae sa mall kahapon?" Tanong nya

Oo, buti naalala mopa ako? Tanong ko sa kanya

"Sino ba naman makakalimot sa napakagandang katulad mo." Sabi nya sakin.

Nagulat ako na kinilig sa sinabi nya. Nagandahan sya sakin, at ano nga ulit sabi nya? Hindi madaling kalimutan kagandahan ko? Ihhh, bakit ganyan ka Sarah? Bakit nakuha mo kiliti ko? Bulong ko sa isip ko.

Aysus, nambola kapa ea mas maganda ka nga sakin ea tapos mas sexy pa, ikaw yung mahirap kalimutan no. Sabi ko naman sa kanya

"Huyy, hindi ako nambobola no. Oo nga pala ano ginagawa mo dito? tanong nya sakin

Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon