Chapter 16

1.2K 52 5
                                    

Ma'am eto po ang number ni ma'am tanch.

Salamat ate may. Pasensya napo ulit sa abala, uuwi napo ako. Pagpapaalam ko dito

Umuwi muna ako saglit para tawagan si tanch, agad kong dinaial ang number na binigay ni ate may sakin.

*Ring ring ring

Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit. Hindi sinasagot ni tanch yung tawag ko, hay yung babaing yon talaga. Inulit ulit kong kinontact si tanch, nakulitan yata sakin kaya sinagot na nya ito.

Hello tanch? Nasan ka? Pumunta ako... Hindi pa man ako tapos magsalita ng marinig kong may nagsalita sa kabilang linya, ibang boses yon at alam kong hindi si tanch.

Hello? Naririnig moba ako? Hello?

Bakit ang ingay sa lugar nila? Nasa bar ba si tanch? Tsaka Sino tong kausap ko ngayon? Tanong ko sa sarili

A-ah, hello si-sino to?

Kaibigan to ni tanch, pwede kabang pumunta dito para iuwi sya? Hindi kona kase sya mahahatid ea, please pakidalian lang..

Nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nung malaman kong kaibigan lang pala sya ni tanch.

Sigi sigi papunta nako. Nasan ba kayo?

Itetext ko nalang sayo, masyadong maingay dito baka hindi mo marinig.

Dali dali ko namang kinuha ang susi ng sasakyan ko, pagkasakay ko sa sasakyan ay bigla namang tumunog ang phone ko. May isang message tinignan ko ito, nakalagay sa mensahing yon kung san ko matatagpuan ang bar na kinaroroonan nila tanch. Agad kong pinaandar ang sasakyan, hindi naman kalayuan ang bar na pinuntahan nila tanch. Ano bang nasa isip ng babaing yon? bakit nasa bar sya? May problema kaya sya? Bakit di manlang nya sinabi sakin? Madaming tanong sa utak ko, naiinis ako masyado akong pinag aalala ng babaing yon. Nang makarating ako sa bar agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob, hinanap agad ng mga mata ko kung saang table si tanch. Agad ko naman syang nakita, halata kona agad na lasing ito naiinis ako sa nakita ko may kasama syang dalawang lalaki at masaya itong nakikipagkwentuhan. Nakita ko naman sa gilid nya yung isang babae, sya siguro yung kausap ko kanina. Agad ko naman silang pinuntahan.

Tanch halikana iuuwi na kita.

"Saglit lang nag eenjoy pako ea"

Ahh, ikaw ba yung kausap ko kanina? Tanong ng kasama ni tanch

Ah, oo by the way I'm Sarah

Oh, ikaw pala si Sarah. I'm rein bestfriend ni tanch, pasensya kana ha hindi kuna kase mahahatid si tanch buti nalang at dumating ka. Pwede bang iuwi muna sya? Madami na Kasi syang nainom ea hindi narin nya alam ginagawa nya.

Nice to meet you rein, okay lang yon wala naman problema. Bakit nga pala nagpakalasing to?

Ahm? Mas maganda kung sya nalang tanungin mo, I have to go may meeting pa kasi ako ea. Take care of her ah, by the way eto number ko text mo nalang ako pagnakauwi na kayo, thankyou Sarah!

Ngumiti nalang ako at kinuha ang binigay nyang calling card. Tinignan ko naman si tanch, nag oorder pa ito ng isang baso ng alak.

Tanch tama na yan halika na umuwi na tayo..

"Ano ba hayaan mo nga lang ako"

Lasing kana, masyado ng dilikado pag mag isa kalang uuwi.

"Bitawan mo nga ako, bakit kaba nandito?"

Naiinis nako sa babaing to dinagdagan pa ng mga tingin ng mga lalaking nakapaligid sa kanya. Grrrr! Kahit na ayaw pa umuwi ni tanch pinilit ko parin syang hilain papalabas ng bar.

Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon