Namumula ang pisngi ko ng pumasok ako sa cr. Nakakahiya ka talaga tanch buti sana kung iba nakakita sayo ea pero si Sarah pa talaga? Sa harap kapa talaga ni Sarah natulala. Hayst! Nagpatuloy nalang ako sa paghahalfbath at hindi na pinansin ang inis ko. Natapos nako maghalfbath at nagbihis agad, baka tulog na si Sarah dahan dahan akong lumabas ng pinto para hindi sya magising. Pagkalabas ko ng banyo dahan dahan ko itong isinara para hindi maingay.
"Bakit ambagal mo naman isara yang pinto?"
Ay anak ng tipaklong halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Sarah. Pambihira naman tong babaeng to akala ko tulog na yun pala gising pa. Narinig ko naman syang natawa sa reaction ko.
Hi-hindi kapa tulog?
"Magsasalita bako ng ganon kung tulog nako? Hahahahahaha" Sabi nito habang tawang tawa sa nangyare
Grrr! Nakakainis tong babaeng to pasalamat sya nagiging marupok ako pagnakikita ko yung ngiti nya at naririnig ko yung tawa nya.
Inirapan ko nalang ito. Bakit nga ba hindi kapa tulog?
"Hinihintay kase kita." Seryoso nitong sagot sakin
Feel ko namumula nanaman yung pisngi ko, nakakainis naman sarah ea pwede bang hinay hinay ka naman sa pagpapakilig? Namumuro kana ah.
Ha-ha? Bakit mo naman ako hinihintay? Pwede ka namang matulog kahit wala ako. Bigla naman ako nakaisip ng kalokohan. Hindi kaya.... Sabay tingin kay Sarah na nang iinis
"Hoy Ms. Lobete, ano yang tingin na yan ha? Ano bang iniisip mo? Hindi lang kase ako sanay na makitulog sa iba."
Natawa naman ako sa naging reaction nya at tumabi sa kanya. Oh ayan ha nandito nako, pwede kana matulog..
Umayos naman ito ng upo at nag goodnight na saka humiga. Naggood night narin ako sa kanya para makapagpahinga na. Nang masiguro kong tulog na si Sarah dahan dahan naman akong umupo para titigan sya. Ang ganda nya parin kahit tulog, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na magkatabi kami sa iisang higaan, naalala ko nanaman tuloy yung panaginip ni davi bahagya akong napangiti. Magkalapit lang ang mukha namin ni sarah habang tinititigan ko sya para bang may kung ano na humihigit sakin papalapit pa lalo sa mukha nya. Magkalapit na ang aming mga labi isang maling galaw lang ay mahahalikan kona si Sarah, amoy na amoy ko narin ang hininga nya. Tama bato? Tama batong ginagawa ko? Hindi kona maikakaila sa sarili ko na nahuhulog nako paunti unti kay Sarah, sino bang hindi mahuhulog sa babaeng to ea halos nasa kanya na ang lahat. Nagtataka na ngalang ako minsan kung bakit nagagawa pa syang lokohin nung mga past nya ea. Inangat ko ang mukha ko papunta sa noo nya at hinalikan ko ito, I respect Sarah hindi ko gagamitin ang pagkakataon nato para lang makaisa ako ng halik sa kanya. Ibang iba sya gusto ko syang ingatan, alagaan at mahalin. Pagkatapos ko syang halikan sa noo nahiga naman ako para matulog nakatalikod ako sa kanya ngayon ipipikit kona sana ang mga mata ko ng biglang naramdaman kong may yumakap sakin.
Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Niyakap ako ni Sarah, halo halo ang nararamdaman ko, may part sakin na kinikilig meron ding pagtataka at meron ding kaba. Hinayaan ko nalang syang yakapin ako hinawakan ko nalang ang kamay nya na nasa bewang ko, ganito pala ang feeling kapag kayakap ang isang Sarah Garcia, natulog ako ng may ngiti sa labi ko.
Sarah's PO'V
Nauna nakong natulog kay tanch, sa totoo lang naninibago ako pero dala narin ng sobrang pagod ko agad rin naman akong nakatulog.
*Kinaumagahan
6:30 palang ng umaga pero nagising na ako, bigla ko namang naalala na nasa bahay nga pala ako ni tanch. Laking gulat ko naman ng makitang yakap yakap ko ang likod nya, bumilis ang tibok ng puso ko buong gabi kong yakap yakap si tanch hindi naman ako nakagalaw agad sinusulit ko muna ang natitirang oras na yakap ko sya, saya at kilig ang nararamdaman ko sa mga oras nayon, ilang ora din ang lumipas ng napagpasyahan kong bawiin na ang kamay ko baka kase biglang magising si tanch. Dahan dahan kong hinuhugot ang kamay ko para hindi sya magising. Nang mabawi ko na ang kabuuan ng kamay ko nang bigla namang gumalaw si tanch at bumukas ang mga mata nito. Halla nagising ko ata, nakakahiya ka sarah nakakaistorbo ka sa natutulog. Agad naman akong umayos ng upo at nag good morning sa kanya. Papungay pungay pa ang mga mata nito ang ganda parin nya kahit bagong gising. Umupo rin sya at binati ako ng good morning, nahiya naman ako agad sa itsura ko, agad naman akong tumalikod sa kanya at baka makita nya ang itsura ko. Napangisi naman ito sa ginawa ko.

BINABASA MO ANG
Unconditional love
FanfictionGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...