Chapter 4

1.6K 50 0
                                    

Natutuwa akong makita na masayang sinalubong si tanch ni toby at tiby napakafriendly din kase nila at mababait pa.

"Ah, sila pala sina toby at tiby."

Sila lang ang kasama ko dito sa bahay. Pumupunta naman si mommy dito para bantayan sila pagumaalis ako ng bansa. Sabi ko

"Ano nga pala work mo?"

I'm a flight attendant for almost 7 years. Ikaw ba anong work mo?

"Wow, FA ka pala, kaya siguro hindi kita nakikita madalas dito sa village. Isa naman akong model sa isang sikat na company dito sa manila."

Napasarap ang kwentuhan namin at inabot na kami ng 5 sa pagkwekwentuhan. Marami din akong nalaman sa kanya at syempre ganon din ako.

Nagpaalam na si tanch sakin baka daw kanina pa sya hinahanap ni Davi, nagpaalam na din sya kila toby at tiby.

Halika ihahatid na kita sa labas, pag aaya ko..

"Sarah okay nako dito balik kana sa loob" Sabi nya..

Okay sigi, dalaw ka ulit dito ha, at sama mo narin si Davi para makapaglaro sya dito kasama nila toby at tiby. Sabi ko

"Sure, no problem. Bye!"

Tinitignan ko lang ang likod nya.

Pumasok narin ako sa loob para ligpitin ang mga nagamit namin ni tanch.

Tanch's PO'V

Hindi ko alam pero masaya ako. Masaya ako kase nalaman ko na walang jowa si Sarah para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng malaman ko yon.

Natutulog si davi ng makabalik ako sa bahay. Napag isipan kong magluto na nang makakain para paggising ni Davi ea kakain na agad sya.

Pagkatapos kong nagluto ay nag ayos muna ako ng higaan at maligo pagkatapos. Bigla ko nanaman naalala si Sarah. Naguguluhan nako sa nararamdaman ko, straight naman ako pero bakit pagdating kay sarah nagiging iba? Tama paba to? O masyado ko lang napapansin yung kagandahan ni Sarah? Oo tama namamangha lang ako sa kagandahan nya, straight ka tanch okay? At ganon din si Sarah kaya wag mo masyado isipin yang kakaibang nararamdaman mo. Sabi ko sa sarili

Nang matapos ako maglinis ng kwarto ko agad ko namang kinuha ang tuwalya para makaligo nako at baka magising na si Davi.

Sakto namang pagkatapos kong maligo narinig ko naman ang boses ng anak ko at hinahanap nya ako.

Mommy, where are you?..

I'm here anak, nagbibihis lang saglit si mommy

Oh, okay. After mopo jan mommy can you please help me to finish my homework please?

Yes po baby, after po nito mommy will help you to finish your homework.

Thankyou mommy, iloveyou...

Iloveyoutoo baby...

Napangiti naman ako sa anak ko, sobrang sweet nya at masasabi kong napalaki ko sya na isang mabuting bata. Nasabi ko narin kay Davi kung bakit hindi namin kasama ang father nya, naiintindihan nya ito kahit 8 years old palang sya. Hindi sya nagtanim ng sama ng loob sa daddy nya. Napakalawak ng pang unawa nya para maintindihan yon. Walang duda sakin nga talaga mana si Davi, napatawa naman ako sa sinabi ko.

Pagkatapos kong maligo ay agad naman akong bumaba para makakain na kami at magawa na namin ni davi yung homework nya.

Davi baby come here napo let's eat na..

Yes mommy I'm coming..

Pagkatapos namin kumain ay agad namang tumayo si davi at kinuha ang mga homework nya habang ako naman at si ate may ay naiwan para magligpit ng pinagkainan. Sakto namang pagkababa ni davi ay natapos na kami magligpit.

Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon