Tanch's PO'V
Mga 8:30 nako nagising medyo late na kaya naisipan kong ipaghanda ng pagkain si davi, sabado kase ngayon kaya wala syang pasok, nag ayos lang ako ng higaan tsaka naghilamos pagkatapos ay bumaba nako para magluto ng pang umagahan, naalala ko naman na pupunta pala si lommy naisipan ko namang dalhan sya, tulog pa naman si davi ea. Nang marinig ko ang pagbukas ng gate sa bahay ni Sarah, agad akong nagsalin ng niluto kong tinola don nalang din ako kakain para sabayan si lommy pinakain ko naman saglit sina toby at tiby ayokong nagugutuman ang mga anak ng asawa ko. Ay Ang advance tanch ha! Pagbigyan nyo na akin rin naman sya soon ea HAHAHA. Nagtungo ako agad sa bahay ni sarah dala dala ang ulam at kanin na niluto ko, nagdoorbell ako lumabas naman si lommy para papasukin ako.
Hello po lommy good morning po.
Good morning din hija, ano yang dala mo?
Ah, pagkain po natin lommy niluto kopo ito at dinalhan po kita sabay napo tayo kumain. Nakangiting sabi ko sa kanya
Talaga? Mukhang masarap yan hija, tara sa loob at nang makain na natin yan. Excited na hinila ako ako sa loob
Agad akong pinaupo ni lommy sa lamesa, napaka alaga nya sakin ayaw na ayaw nya akong napapagod, nag alok akong tulungan sya pero sabi nya sya nalang daw. Natutuwa ako sa mother in law ko, feeling ko pag naging kami ni sarah magiging masaya kami ang sarap naman maging mommy si lommy.
Tanch ito ang pagkain mo..
Sinandukan ako ni lommy ng pagkain medyo nahihiya ako, masyado nya akong binibaby hindi nako magtataka kung san nagmana si Sarah.
Naku lommy, kaya ko naman po pero salamat po. Nakangiti kong sabi sa kanya
Ano kaba hija, hayaan mo lang si lommy para narin kase kitang baby ea magaan ang loob ko sayo. Ganito lang talaga si lommy.
Napangiti nalang ako sa ginagawa ni lommy sakin napakasarap nya maging ina. Nang matapos na kaming kumain, nagpahinga lang kami saglit ni lommy saka inumpisahang maglinis sa bahay ni Sarah. Konte lang naman ang kelangang linisin sa bahay ni Sarah ea kaya agad kaming natapos ni lommy, pinapasok nya muna ako sa loob para makapagpahinga, ikukuha nya daw ako ng tubig nakakahiya man pero wala nakong nagagawa ayaw kase ni lommy na tanggihan ko sya, nakaupo lang ako sa sala at nililibot ang mga mata ko nang mapansin kong unti unting bumubukas ang pinto. Iniluwa non ang isang napakagandang dilag bumagay pa sa kanya ang suot nyang uniporme at yung scarf na nakalagay sa leeg nya natulala ako sa kagandahang taglay nya.
Sarah's PO'V
Maaga akong nagising, maaga rin kase ang flight namin pabalik ng pinas, kumain muna kami saka nagbihis at dumeretso sa airport another 3 hours and 45 mins. ang gugugulin namin para makabalik, nang makalapag kami sa NAIA agad naman nagbooked ng taxi pauwi. Nandito nako ngayon sa tapat ng bahay ko ng mapansing may tao sa loob baka si lommy. Unti unti kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob nang tignan ko kung sino ang nakaupo sa sofa laking gulat ko ng makita ang napakaganda nyang mukha. Ba-bakit sya nandito? Anong ginagawa mo dito tanch? Tanong ko sa isip ko nakita ko namang lumabas si lommy mula sa kusina may hawak itong tubig.
Hello baby, nakalimutan ko ngayon pala ang uwi mo.
Ngumiti lang ako kay lommy sabay yakap sa kanya at beso namiss ko si lommy medyo nagiging busy nanaman kase ako namimiss kona yung mga bonding namin dati. Niyakap naman ako pabalik ni lommy saka inakyat sa taas ang mga gamit ko, napakaswerte ko kay lommy wala nakong hihilingin pa. Bigla ko namang naalala na nandito pala si tanch mabilis ang pagtibok ng puso ko, hindi ko nalang sya pinansin bagkus ay hinanap ko sina toby at tiby.

BINABASA MO ANG
Unconditional love
FanfictionGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...