Sarah's PO'V
Nagising nalang ako sa mga tahol nila toby at tiby, gutom na siguro tong mga to. Nag ayos lang ako ng higaan tsaka pumasok ng cr para maghilamos, agad naman akong natapos at nagtungo sa baba para pakainin ang dalawa. Nang matapos ko silang bigyan ng pagkain nagtungo naman ako sa kusina para Sana magtimpla ng kape ng maalala ko si tanch, parang kelan lang nandito pa sya nagluluto ng pagkain ko. Naalala ko nanaman yung pag amin nya kagabi at yung mga mata nya na malungkot ng dahil sakin, hindi ko maiwasang hindi mag alala sa kanya. Kamusta na kaya sya? Okay na kaya sya?
*Tuut tuuut* 1 new message
Bumalik ang isip ko sa katinuan ng may nagnotif sa phone ko, agad ko namang tinignan iyon. Message pala ni jerome pupunta daw sila mamaya ni yana dito, agad naman ako nagluto ng makakain nila gusto ko lang sana mapag isa pero I have no choice minsan lang sila bumisita dito ea. Pagkatapos kong nagluto naglinis muna ako ng bahay at pagkatapos naligo narin, hindi parin mawala sa isip ko si tanch. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Kumain na kaya sya? May hang over pa kaya sya?
*Ding dong*
Hay, ano ba yan pangalawang beses nato ha. Iniisip ko lang naman yung taong mahal ko ea, hasyt! Naiinis man ako mas minabuti ko nalang buksan ang pintuan.
Good morning my beautiful bestfriend.. bungad sakin ni yana
Good morning din yana, anong meron bakit ang sigla mo ata ngayon?
Wala naman, I'm just happy to see you!
Aww, ang sweet naman.
Pero mas sweet yung manliligaw mo, hintayin mo lang may kinuha lang sya saglit.
Nginitian ko lang si yana, ang totoo kase nyan balak ko ng sabihin na tumigil na si jerome sa panliligaw nya sakin. Ayokong umasa sya sakin kase may mahal nakong iba, ayokong masaktan pa sya lalo.
Oh ayan na pala sya ea..
Tumalikod naman ako para makita si Jerome, may dala itong flowers and chocolates.
Good morning Sarah, this is for you. Sabay abot ng dala nya
A-ah, thankyou jerome pero hindi naman kailangan ng ganito ea, but I appreciate your effort.
Ano kaba I just want you to feel how much I admire and love you.
Ehem ehem, baka langgamin na kayo Jan. Hindi paba tayo kakain? Nagugutom nako ea, may niluto kaba jan Sarah? Singit ni yana
Tumawa naman kami ng bahagya ni Jerome, kahit kailan talaga napaka isip bata parin ng babaing to. Nagtungo naman kaming tatlo sa kusina para kumain na. Pinanghila naman ako ni Jerome ng upuan.
Dimo manlang ba ako ipanghihila ng upuan? Sabi ni yana
Tumawa naman si Jerome saka nya hinila ang upuan ni yana at saka Ito umupo sa tabi ko.
Sinandukan naman ako ni jerome ng makakain.
Ano kaba kaya ko naman magsandok ea, tsaka hindi mo naman kelangan gawin yon. Sabi ko sa kanya
Sorry Sarah, gusto ko lang kase talaga iparamdam sayo ea.
Hayaan muna yon kain nalang tayo.
Pagkatapos naming kumain, naisipan naman nilang maglaro ng video games. Wala naman akong hilig dito ea, kaya pinanood ko lang sila. Iniisip ko parin si tanch, umiiyak pa kaya sya? Hay, bakit kase hindi kopa sinabi na mahal ko rin sya.
Ah, wait lang ah maghahanda lang ako ng meryenda natin. Pagpapaalam ko sa dalawa, gusto ko lang silipin yung bahay ni tanch nagbabakasakali na makita ko sya. Wala akong nakitang tanch sa labas ng bahay niya, pati si ate may at Davi wala rin. Nagtungo nalang ako sa kusina para maghanda ng meryenda, ayokong mapansin nila na may problema ako. Bumalik naman ako kaagad sa sala baka hanapin nila ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/229887266-288-k581613.jpg)
BINABASA MO ANG
Unconditional love
FanficGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...