Ilang oras din ang tinagal ng byahe namin papunta dito sa Saudi. Wala akong kasama sa room ko ngayon ako lang mag isa, medyo nakakaboring nga ea kaya naisipan ko munang itext si tanch na nakarating nako dito, nagpaalam din ako sa kanya na matutulog lang ako saglit medyo pagod kase ako sa ilang oras na byahe. Pagkatapos kong itext si tanch agad ko naman binaba ang phone ko para magpahinga ilang saglit lang at nakatulog narin ako. Sa loob ng anim na araw halos hindi ako lumalabas ng hotel ewan koba pero mas gusto kong mag stay nalang sa kama ko at kausapin si tanch kesa maglibot libot sa labas, namimiss kona sila ni davi sa ngayon kase hanggang sa screen ko nalang sila nakikita at nakakausap, hinahanap hanap ko yung mga yakap ni tanch wala akong ibang mayakap dito kundi ang unan ko kaya naman pinangalanan ko ang unan na yakap yakap ko. Simula ngayon ikaw na si piwwy, natawa naman ako sa mga pinaggagagawa ko, haynako buti nalang talaga wala akong kasama dito sa kwarto. Naisip ko namang surpresahin sina tanch at davi bukas last day kona kase dito sa saudi, naisipan ko namang bilhan ng pasalubong si davi mahilig kase yon sa chocolate ea manang mana talaga sa mama nya. Nagpunta muna ako sa sa supermarket para bumili ng mga pasalubong, nakakawala lang kase ng pagod at lungkot pagsinalubong kana ng anak at asawa mo. Wow sarah ah asawa agad ea girlfriend mo palang si tanch, natawa naman ako sa sinabi ng utak ko. Nang matapos akong bumili ng pasalubong dumeretso naman ako sa hotel ko para makapagpahinga nag order nalang ako ng pagkain ko tinatamad narin kase akong bumaba ea. Sinadya ko talagang hindi buksan ang mga social media accounts ko alam ko kasing hindi ko matitiis si tanch na hindi mareplyan ea, hindi naman nagtagal at dumating narin ang order ko kumain lang ako saglit saka nagpahinga na dahil maaga pa ang flight ko bukas pauwi ng pinas.
Tanch's PO'V
Isang linggo akong excited umuwi, hindi kase kumpleto ang araw ko paghindi ko nakakausap si sarah, bahay office lang ang pinupuntahan ko. Medyo naninibago lang ako ngayon kase hindi manlang sya nagrereply sakin tinatawagan ko sya pero di rin sumagot naka offline lahat ng accounts nya pinag aalala nya ako, hay love ano bang nangyari sayo? Hindi ako sanay na hindi ko sya nakakausap, sa sobrang pagod at pag aalala ko nakatulog ako kaagad.
*Kinaumagahan*
Nagising ako na may katabi dito sa kwarto ko bigla akong kinabahan dahil sa pagkakaalam ko wala akong kasama dito sa kwarto ko, naisip ko naman kaagad si sarah baka nagreply nayon sakin kaya chineck ko muna ang phone ko ngunit wala parin akong natatanggap na mensahe mula sa kanya, ibinalin ko naman ang paningin ko sa katabi ko medyo malabo pa kase ang naaaninag ng mata ko kaya hindi ko makilala kung sino ito. Nakatalikod sya saakin kaya hindi ko makita ang mukha nya sa sobrang takot at kaba napasigaw nalang ako.
Magnanakaw, ate may tulong may magnanakaw.
Naramdaman ko namang nagising ang katabi ko kaya naman agad akong umalis sa kama ko.
Magnanakaw? Asan love asan? -sarah
Love? Tinawag nya ba akong love? Nakaramdam ako ng inis sa mga oras nayon si Sarah lang ang pwedeng tumawag sakin ng love.
Si-sino ka? Bakit ka nandito sa kwarto ko? Bakit tinawag mokong love? *Sunod sunod na tanong ko sa kanya*
Ano ba yan love inaantok pako ea, wala namang magnanakaw dito. -sarah
Kinusot kusot ko ang mga mata ko para makita ang taong tumatawag sakin ng love. Nang maaninag ko ang mukha nya nanlaki ang aking mga mata tumayo ako kaagad para yakapin sya.
Nakakainis ka naman love naputol tuloy panaginip ko. *Sabay pout*-sarah
Hinarap ko naman sya, at hinalikan sa labi nya. Namiss ko sya ng sobra hindi nya alam kung gaano nya ako pinag alala kagabi kaya naman tinulak ko ito ng bahagya.

BINABASA MO ANG
Unconditional love
FanfictionGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...