🖋️One🖋️

3.6K 89 3
                                    

BALLPEN

One: Boyfriend

Patakbo kong tinawid ang kalsada at saka nagmadaling magpunta sa 4th floor kung nasaan ang room namin.

Umagang-umaga, hulas na agad ang make up ko at sobrang haggard ko na.

Paano na ako nito haharap kay Dylan? Katabi ko pa naman ang crush ko.

Nagpunas muna ako ng pawis at saka at saka nagpatuloy sa pag-akyat.

Agad din naman akong natigilan ng may mabangga ako. Nang mag-angat ako ng tingin ay agad na nanlaki ang mata ko.

Si crush kasi nasa harap ko.

Owemji! Ang puso ko!

Agad akong yumuko at umarteng nasaktan sa pagkakabangga.

"Aray, ang sakit." Agad naman siyang humakbang paibaba.

"Tss, stupid. Ikaw kaya ang bumangga sa'kin," masungit na sabi niya. Napahiya naman ako at saka napasimangot.

Ang sungit!

Umakyat na lang ako at agad na naupo sa upuan ko habang hinihingal.

Mabuti na lang at hindi pa ako late.

Pinaypayan ko na lang ang sarili ko habang wala pang teacher. Agad ko ring inayos ang sarili ko ng pumasok si Dylan sa pinto at walang imik na naupo.

Agad kong inayos ang buhok ko at saka ko siya kinalbit. Hindi niya naman ako pinansin.

Muli ko siyang kinalabit kaya agad akong nakatanggap ng matalim na tingin. Napakagat tuloy ako sa labi ko at saka nag-iwas ng tingin.

Agad naman akong napatuwid ng upo ng pumasok na ang teacher namin. Agad naman kaming tumayo para bumati at pagkatapos ay naupo na rin.

Ngumiti naman sa'min si Mrs. Vanness.

"Okay class, bring out one whole shirt of paper." Pagkasabi ni ma'am ng bring out one whole shirt of paper ay agad na nagkagulo ang mga kaklase ko.

"Teka lang ma'am!"

"Pahingi kami, ang damot naman neto,"

"Pabili na nga lang ako,"

"Teka! Akin 'yan eh, manghingi ka nga ng sa'yo!"

"Class, go back to your proper seat, now!" Agad namang bumalik 'yong iba na nakahingi na ng one whole sheet.

Samantalang 'yong iba ay hindi nakinig at nanghihingi pa rin.

Napailing na lang ako at saka kumuha ng isang papel sa loob ng bag ko. Ayokong maglabas ng isang pad ng one whole dahil paniguradong ubos agad 'to. Hindi naman sila kasali sa budget ng nanay ko.

Agad na nangunot ang noo ko ng wala akong makitang ballpen.

Nagsimula ng magdikta si ma'am kaya kinabahan na ako.

Nasaan na 'yong ballpen ko?

Hindi na ako mapakali sa upuan ko ng matapos si ma'am sa question 1 pero wala pa rin akong ballpen.

Halos maiyak na ako ng matapos na ang question 5 ay wala pa rin akong nahahanap.

Nakakainis! Bakit ang malas ko naman?

Napayuko na lang ako sa desk ko at agad na nangunot ang noo ko ng nay maglapag ng ballpen sa harap ko.

Agad kong nilingon kung sino 'yon at agad akong napangiti ng makita kong si crush pala 'yon.

Magsasalita na sana ako ng ilapag niya sa desk ko ang kapirasong papel. Agad ko namang binuklat 'yon at nanlaki ang mata ko ng makitang sagot 'yon sa question 1-6.

Agad naman akong napangiti at saka nagsimulang magsulat.

Oh my heart! I'm so kilig. Crush niya na rin kaya ako?

Napangiti na lang ako habang kagat-kagat ko ang labi ko at pasimpleng nagnanakaw ng tingin.

Mabait rin naman pala siya.

Nang matapos kaming magquiz ay agad na kinolekta ni ma'am ang mga papel namin. Umalis na rin siya pagkatapos.

Hindi ko muna ibinalik ang ballpen niya hindi dahil sa ayokong ibalik kundi dahil wala akong gagamiting ballpen.

Nang mag-ingay ang bell ay agad na tumayo si Dylan kaya napatayo na rin ako at sumunod sa kanya.

Ibabalik ko na ang ballpen niya at saka bibili sa school supplies.

Agad naman akong napahinto ng huminto siya at dahan-dahan akong nilingon. Hindi agad ako nakakilos at saka alanganing napangiti.

Huminga naman ako ng malalim. Napahigpit rin ang pagkakahawak ko sa ballpen niya bago ako naglakad papalit sa kanya at nakangiting iniabot ang ballpen niya.

"Salamat sa pagpapahiran sa'kin nito," nakangiting sabi niya. Tiningnan niya lang ako at saka nagtaas ng kilay.

"Anong gagawin ko diyan?" masungit na sabi niya. Napaisip naman ako.

"Ipansusulat?" Agad naman siyang natawa sa sinabi ko at agad na nanlaki ang mata ko ng humakbang sa palapit sa'kin at marahan akong isinandal ako sa pader.

Agad na kumabog ang puso ko  ngayong nakakulong na ako sa mga bisig niya.

OH MY GHOD! HAHALIKAN NIYA BA AKO?

"Ayoko na ng ballpen na 'yan." Alanganin naman akong ngumiti.

"Edi papalitan ko na, anong klaseng ballpen ba ang--bakit mo ako tinititigan?" naiilang na sabi ko.

Hindi na rin ako makahinga.

For the first time, tinitigan ako ni crush. Hindi ako makapaniwala.

Mas lalo naman niyang inilapit ang mukha niya kaya mas lalo kong ipinagdiinan ang sarili ko sa pader.

"Sa'yo na 'yang ballpen ko, basta sa'kin ka na," nakangising sabi niya. Napakurap-kurap naman ako.

"H-Huh?" Napangisi naman siya at muntik ng tumigil ang paghinga ko ng ilapit niya pa lalo ang mukha niya at saka bumulong.

"The ballpen is yours, but starting today, you are mine," malambing na sabi niya. Agad namang nangunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Agad naman siyang napailing.

"What I am saying is, you can keep the ballpen because you're my girlfriend," nakangising sabi niya bago ako iniwang tulala.

Agad kong nasapo ang dibdib ko tsaka sunod-sunod humugot ng hininga.

Wala sa sariling napatingin ako sa ballpen na hawak ko at agad na nanlaki ang mata ko ng marealize ko ang sinabi ni Dylan.

OH MY GOSH! BOYFRIEND KO NA SI CRUSH!

____________________________________________________________________________

Kindly vote and comment. Kamsa :)

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon