🖋️Twenty One🖋️

368 27 0
                                    

BALLPEN PART 21

                                 🍂

   My heart keeps beating for you.

                                 🍂

                      SAMMIE'S POV

"Wala kang balak tumayo?" Agad naman akong napatayo nang bigla siyang masungit. Nakasandal pa siya sa gate habang magkakrus ang braso. Palihim naman akong napairap tsaka pinagpagan ang sarili. Inayos ko na rin ang nagusot kong damit. 

Nang lumapit ako sa kanya ay napangisi pa siya pero hindi ko na lang siya pinansin, dumiretso na lang agad ako sa loob.

"Follow me," utos niya. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nasa likod lang ako at lumilinga-linga sa paligid. Infairness, hindi lang pala sa labas maganda tingnan ang bahay niya, mukha ring mamahalin ang mga gamit niya. Sa bagay, mayaman nga pala siya.

"Wait me here, may kukunin lang ako sa taas," anas niya. Hindi na ako nakaangal ng umakyat siya sa taas. Napabuntong hininga na lang ako at saka pinaglaruan ang daliri ko para hindi mainip.

"Who are you? Magnanakaw ka ba?" Agad naman akong napalingon sa biglang nagsalita, napaawang pa ang labi ko ng bumungad sa'kin ang isang dyosa. Napakamot tuloy ako sa batok tsaka umiling ng ilang beses.

"Hindi po ako magnanakaw, magtatrabaho po ako rito," nahihiyang sabi ko. Pinagmasdan niya naman ako mula hanggang paa. Nagtaka pa ako nang biglang umangat ang kilay niya habang naniningkit ang mata.


"Wait, you look familiar. Ex ka ba ni Dylan?" diretsong tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko at hindi kaagad nakasagot dahil sa pagkataranta. Napairap naman siya tsaka humakbang palapit sa'kin.

"I'm asking you, ex ka ba ni Dylan?" masungit na wika niya. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko tsaka ngumiti ng alanganin.

"H-Hindi n-niya ako ex," putol-putol na sabi ko. Nangunot naman ang noo niya.

"Sigurado kang hindi ka niya naging ex?" Mabilis naman akong umiling at nag-iwas ng tingin.

"Honey, sinong kausap mo?" Napalingon naman ako ni Dylan na kabababa lang. Ngumiti naman 'yong babae tsaka agad na lumingkis sa braso niya.

"I was talking to that girl, new maid ba natin siya?" malumanay na tanong nito, sinulyapan naman ako ni Dylan tsaka tumango.

"Really? Hindi ba siya 'yong---" Hindi na natuloy pa nung babae ang sasabihin niya ng bigla siyang yakapin ni Dylan. Napansin ko ring napailing 'yong babae tsaka umalis.

Nag-iwas na lang ako ng tingin ng magsimulang maglakad si Dylan palapit sa'kin. Tumungo na lang ako at tinitigan ang sahig nang biglang may nagbato ng mga damit.



Napaangat tuloy ako ng tingin at inis na nilingon si Dylan ngunit nginisian niya lang ako tsaka yumuko para magpantay ang paningin namin.

"Bakit ka naiinis? Nakalimutan mo na bang alipin lang kita?" nang-aasar na sabi niya. Gusto pa sana siyang patulan pero hindi na lang ako nagsalita at mabilis na dinampot ang mga damit. Medyo marami kaya nahirapan akong yakapin.

Nang masiguro kong nakuha ko na ang lahat ng damit ay tumayo na ako.

"Nasaan ba ang washing area niyo?" walang ganang tanong ko. Napangiti tuloy siya na tila naaaliw sa ekspresyon ko.

"Hindi ka ba marunong gumalang sa amo mo?" Napapikit na lang ako sa sobrang inis tsaka nagpilit ng ngiti.

"Master, nasaan po ba ang washing area niyo?" kalmadong tanong ko pero deep inside ay kumukulo na ang dugo ko. Napatitig naman siya sa'kin at bahagya pang pinaikot ang dila sa labi bago itinuro ang direksyon.

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon