🖋️Sixteen🖋️

275 20 0
                                    

BALLPEN PART 16

            SAMMIE POINT OF VIEW



Nagpangalumbaba na lang ako sa tuhod ko habang nanonood sa Netflix. Hindi ako pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko.

Kaninang umaga pa kasi ako hindi makahinga ng maayos kaya mas minabuti kong manatili na lang sa bahay. Baka kasi mamaya doon pa ako sa school mahimatay. Kapag nangyari 'yon, paniguradong maghihinala na si Dylan.



Napabuntong hininga na lang ako. Miss na miss ko na siya pero kailangan ko ng simulan ang paglayo sa kanya para mas madali para sa kanya ang magmove on.




Nagfocus na lang ako sa pinapanood ko at nang mabored ay umakyat na lang ako sa kwarto.



Tinanong pa ako ni mommy kung ayos lang ba ako dahil napansin niya atang matamlay ako. Sinabi ko na lang na ayos lang ang pakiramdam ko kahit ang totoo ay hirap pa rin ako sa paghinga.



Hindi ko na lang pinaalam sa kanya na nitong mga nakaraang araw ay mas lalong humina ang pagtibok ng puso ko kumpara noon. Mabilis na rin akong mapagod at manlata. Tinatamad na rin akong gumalaw minsan dahil napapagod ako kaagad.


Hindi ko sinasabi sa kanya dahil ayokong mag-alala pa siya sa'kin. Alam kong marami pa siyang problema.

Nagtungo na lang ako sa kwarto at doon nagpahinga. Bumangon lang ako ulit nang bumukas ang pinto at bumungad sa'kin si mommy na may dala-dalang tray.

Pagkapasok pa lang niya ay agad na sumama ang timpla ng mukha ko. Bigla kasi akong nakaamoy ng malansa.

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at ngumiti kay mommy. Naupo naman siya sa tabi ko at saka inilapag ang tray.

Agad na bumaliktad ang sikmura ko nang maamoy ang carbonara.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko upang pigilan ang sariling masuka.

"Are you okay baby? Ayaw mo ba nito?" Mabilis naman akong umiling kaya agad naman siyang napangiti.

"Kumain ka na para gumaan na ang pakiramdam mo. Nagluto pa naman ako ng paborito mong carbonara."


Nagpeke na lang ako ng ngiti at pinigilan ang sariling maduwal.

"Kumain ka na anak, masarap 'yan." Saglit ko namang sinulyapan ang carbonara at saka napangiwi nang mas lalong tumindi ang malansang amoy. Pakiramdam ko ay bigla akong nahilo.


Nginitian ko na lang si mommy at saka kinuha ang tinidor at pinaikot sa pasta. Nanginig pa ang kamay ko habang unti-unti kong inaangat palapit sa bibig ko.

Pinigil ko na lang ang sarili kong makaamoy at saka mabilis na sinubo ang carbonara. Tumingin pa ako kay mommy habang nakangiti.

Lulunukin ko na sana nang mas lalong bumaliktad ang sikmura ko dahilan para mapatakbo ako sa banyo.

Agad akong napahawak sa pader bilang suporta. Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina.

"What happened baby? Ayos ka lang ba?"

Nilingon ko naman si mommy at saka ngumiti ng pagkatamis-tamis kahit nanlalata ako.

"Opo, ayos lang ako. Baka nabigla lang po ako sa kinain ko," pagpapalusot ko.


"Sigurado kang ayos ka lang? Ayaw mo bang magpunta sa ospital?" Mabilis naman akong umiling. Mahirap na at baka malaman niyang buntis ako.

"Ayos lang po talaga ako mommy. Hindi ko na po kailangang magpunta ng ospital."

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon