🖋️Thirteen🖋️

336 17 0
                                    

LEI POINT OF VIEW

Pagkatapos kong ihatid si Sammie sa kanila ay bumalik na rin ako kaagad sa school. Gustuhin ko mang manatili sa tabi niya pero wala akong magawa. Ayaw pa naman nun na nagkacut ako ng klase.

Muntik pa akong may mabangga sa hallway dahil masyado akong preoccupied. Iniisip ko kasi 'yong kondisyon ni Sammie.

Palala ng palala ang sakit niya sa paglipas ng mga araw. Kahit hindi niya sabihin ay napapansin ko iyon.

Hindi lang talaga halata kasi masyado siyang jolly at palangiting tao na akala mo walang dinadalang problema.

She always take everything lightly, kahit sobrang bigat na.

Napabuntong hininga na lang ako at dire-diretsong naupo sa upuan ko. Tulala pa rin ako pero agad din akong natauhan ng may tumapik sa balikat ko.

Agad ko namang nilingon ang taong 'yon.

"Where's Sammie?" Napakamot naman ako sa batok at hindi alam ang sasabihin. Napabuntong hininga na lang ako.

"Umuwi na," casual na sabi ko.

Ingat na ingat na huwag madulas at masabi ang sikreto ng kaibigan ko. Hindi naman ata halatang nagsisinungaling lang ako.


Kinunotan niya naman ako ng noo.


"Why? May nangyari ba sa kanya?"  Napaiwas naman ako ng tingin at saka napabuntong hininga.

"S-She is fine," nahihirapang sabi ko. Palihim kong sinabunutan ang sarili ko.

Bakit kailangan ko pang mautal? Damn! Mahahalata ako nito eh.

Huminga muna ako ng malalim bago muling nag-isip ng palusot.

"Nagkaemergency lang sa kanila so kinailangan niyang umuwi," maingat na sabi ko. Nakahinga naman siya ng maluwag.

Kinuha ko na lang ang notebook ko sa bag at nagpanggap na may sinusulat.

"Hey, may gusto ka pa rin ba kay Sammie?" Agad ko naman siyang nilingon.

"Ano bang sinasabi mo diyan?" Sumandal naman siya sa upuan at seryosong tumitig sa'kin.

"Ang sabi ko, may gusto ka pa rin ba kay Sammie?" Natigilan naman ako at hindi kaagad nakapagsalita.

Bigla kasi akong napaisip. Nakalimutan kong balak ko nga palang bawiin si Sammie kay Dylan pero iba ang nangyari. Parang tinanggap ko na lang talaga na bestfriend lang kami forever.

Agad ko namang ipinilig ang ulo ko at saka napangisi.

"Bakit? Natatakot ka na ba?" Tinaliman niya naman ako ng tingin kaya mas lalo akong napangisi.

Ang satisfying talaga kapag nakikita kong napipikon si Dylan. Namumula kasi 'yong tenga.

"Why would I be afraid? She loves me, not you." Hindi naman ako nagpaapekto sa sinabi niya at hindi inalis ang ngisi sa labi ko.

But deep inside, nasaktan ako. Kung hindi ko lang sana siya niloko noon, edi sana ako pa rin ang mahal niya ngayon.

"Sigurado ka bang ikaw ang mahal ni Sammie?" Mas lalo siyang nabadtrip kaya nakagat ko na lang ang ibabang labi ko para magpigil ng tawa.

"What are you trying to say?" Nagkibit balikat naman ako.

"Baka lang kasi masyado kang kampante at hindi mo namamalayan na naagaw na pala ng iba ang girlfriend mo." Napangisi na lang ako ng kwelyuhan niya ako.

"Subukan mo lang talaga at babasagin ko 'yang mukha mo!" Napailing naman ako habang tumatawa.

"Edi basagin mo. Basta gagawin ko ang gusto ko." Nandilim naman ang paningin niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa polo ko.

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon