BALLPENFour: Rival
SAMMIE POINT OF VIEW
"Hindi ka pa rin tapos?" naiinip na tanong ni Dylan. Napabuntong hininga na lang at saka nagpatuloy sa pagsusulat. Nandito lang kami ngayon sa cafeteria dahil ayokong tumambay sa library.
"Aish, huwag mo nga siyang istorbohin," pagpapatahimik ni Lei. Napairap na lang ako at hindi na sila pinansin. Kanina pa kasi sila nagbabangayan sa hindi ko malamang dahilan.
"Baby, umusog ka nga rito. Huwag kang dumikit diyan sa palakang 'yan. Baka magkakulogo ka pa," parang batang sabi ni Dylan tsaka marahang hinila ang upuan ko palapit sa kanya.
Kinunotan ko naman siya ng noo at saka napailing.
"Huwag ka ngang tumabi diyan sa mukhang paa na 'yan." At nagulat na lang ako hilahin naman ni Lei ang upuan ko.
Napapikit na lang ako at pilit pinakalma ang sarili ko. Kanina pa ako nagtitimpi sa kanilang dalawa. Konting-konti na lang at talagang pag-uuntugin ko na sila.
"Pwede ba? Tumigil na kayo. Hindi na ako makapagconcentrate ng dahil sa inyo," inis na sabi ko. Natahimik naman sila kaya nakahinga ako ng maluwag.
Ngunit hindi pa nakakalipas ang ilang minuto ay muli na naman silang nagsimulang dalawa.
"Ikaw kasi, sinabi ng manahimik." Narinig kong sabi ni Dylan.
"Bakit ako? Ikaw kaya 'yong nagsimula," inis namang ganti ni Lei kaya napahilot na lang ako sa sentido ko at saka ko sila nginitiang dalawa.
Ayokong makagawa ng kasalanan kaya pipilitin kong kumalma.
"Aalis lang muna ako ha? At pwede bang tigil-tigilan niyo na nga ang pag-aaway niyo. Hindi na kayo mga bata," naiiling na sabi ko. Natahimik naman sila kaya umalis na rin ako.
Aish! Naiistress ako!
THIRD PERSON POV [AUTHOR]
PAGKAALIS ni Sammie ay agad na nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaking naiwan. Kapwa ayaw magpaawat at tila ba nais ng magkasuntukan.
Nang mapagod ay sabay silang nag-iwas ng tingin na may masamang tingin.
"Tigilan mo na si Sammie," seryosong sabi ni Dylan. Ngumisi naman si Lei.
"At bakit ko naman gagawin 'yon?" Sinamaan naman siya ng tingin ni Dylan.
"Dahil ayokong dumidikit ka sa kanya. Hindi mo na siya girlfriend kaya matuto kang lumugar," inis na sabi nito. Natawa naman ang kausap niya.
"Asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya?" nakangising sabi ni Lei na nagpakulo sa dugo ni Dylan.
"Anong sabi mo?!" Napangisi naman si Lei
"I still love her at babawiin ko siya sa'yo." Natigilan naman si Dylan at saka napayukom ng kamao. At akmang sasakmalin na niya ang kaaway ng may biglang umakbay sa kanilang dalawa.
Sabay silang nag-angat ng tingin sa taong umakbay sa kanila at kapwa napangiti ng mapagtantong si Sammie iyon.
"Tada! Bumili ako ng pagkain. Teka, nag-aaway na naman ba kayo kanina?" nagtatakang tanong ni Sammie. Kapwa nag-iwas ng tingin ang dalawa kaya nangunot ang noo ng babae.
"Aish! Oh ayan, kumain muna kayo," naiiling na sabi ni Sammie tsaka inilapag ang burger at drinks sa lamesa.
Nagsimula na rin siyang kumain ngunit agad ding napahinto ng mapansin niyang parehong nakatitig sa kanya si Dylan at Lei. Agad na nagsalubong ang kilay niya.

BINABASA MO ANG
BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?
Teen FictionKabadong-kabado si Sammie dahil magsisimula ng magdikta ang teacher nila ay wala pa rin siyang nahahanap na ballpen. Mabuti na lang at to the rescue ang crush niya. May ballpen na siya, instant boyfriend pa!