🖋️Eighteen🖋️

299 23 2
                                    

BALLPEN PART 18

                                 🍂

Gustuhin man kitang kalimutan, paulit-ulit ka namang pumapasok sa aking isipan.

                                  🍂

           SAMMIE POINT OF VIEW

Ilang araw na ang nakalipas simula ng lumipat kami rito sa probinsya, nagleave muna si mommy sa trabaho niya para alagaan at bantayan ako.

Napangiti na lang ako at saka tumingala sa asul na langit, ang mga ibon ay sabay-sabay na lumipad sa himpapawid, habang sumasabay sa saliw ng hangin ang bawat pagaspas ng kanilang mga pakpak.

Niyakap ko na lang ang aking sarili at pinagmasdan ang mapayapang bukirin, wala akong ibang makita kundi luntian, matataas ang puno ng mangga na hitik sa bunga, at sa kabilang dulo ay ang lupain kung saan nag-aararo ang mga magsasaka.

Nang makaramdam ng pagod ay agad akong naupo at bahagyang minasahe ang puso ko, wala sa sariling napangiti ako habang marahan kong hinahaplos ang tiyan ko.

Alam kong walang kasiguraduhan na mabubuhay pa ako pero hindi ako papayag na hindi niya masilayan ang mundong kinagisnan ko. Gusto ko siyang makitang lumaki, matutong maglakad, bumasa at sumulat ngunit alam kong may limitasyon ang lahat.  Kung pagbibigyan man ako ng pagkakataon na mabuhay pa ng mas matagal, mananatili ako sa tabi ng anak ko hanggang sa aking huling hininga, gusto ko rin sana sa piling ni Dylan pero alam kong kinamumuhiam na niya ako ngayon dahil sa ginawa ko.

Ni hindi ko man lang pinaalam sa kanya ang pag-alis ko, nakokonsyensya man ako pero ayoko namang sirain ang pangarap niya, alam kong kaya niyang isuko ang lahat para sa amin ng anak niya, ngunit hindi ko kakayanin kung masisira ang buhay niya sapagkat ako ang pinili niya.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko, pilit pinipigil ang pagbagsak ng luha ngunit patuloy pa rin sa pag-agos kaya ng tubig sa talon na malayang bumabagsak mula sa itaas na bundok, o di kaya'y kagaya ng ulan na basta na lang babagsak mula sa kalangitan, kapag hindi na kinaya ng ulap ang bigat.


Agad kong nasapo ang dibdib ko ng magsimula na namang sumakit ang puso ko, bigla akong nakaramdam ng kapaguran na para bang hinang-hina ang aking katawan. Huminga na lang ako ng malalim, ilang beses akong humugot ng hininga bago muling bumalik sa normal ang paghinga ko.

Ipinikit ko na lamang ang mata ko at hinayaan ang sariling magpahinga kahit sandali. Sa paglipas ng mga araw ay mas natatakot ako, araw-araw ay lumalala ang kondisyon ko, paano na lang ang baby ko? Ayoko siyang lumaking walang ina, kung kailangan kong makipagpatintero kay kamatayan ay gagawin ko mabuhay lang ako ng ilang taon pa.


Nagmulat naman kaagad ako ng mata ng marinig kong tumunog ang cellphone ko, huminga muna ako ng malalim bago naglakad papunta sa kama at saka kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Agad kong sinagot ang tawag at nahiga sa kama.

"Hey, how are you babe?" pabirong tanong ni Lei. Napailing naman ako, kahit kailan talaga hindi pa rin siya nagbabago, palabiro pa rin kagaya ng dati, kaya palagi kaming nag-aaway. Akala niya kasi biro lang ang lahat para sa kanya, maski noong nakipagbreak ako sa kanya ay tinawanan niya pa ako at sinabihang nababaliw. Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at saka bahagyang minasahe ang dibdib.

"Ayos lang," mahinang sabi ko. Narinig ko naman siyang marahas na napabuntong hininga.


"Ang tagal kong naghintay ng sagot tapos isasagot mo lang, ayos lang? Ayos ka lang ba talaga?" Napairap naman ako, nagsisimula na naman siyang mag-asal bata.


BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon