🖋️Five🖋️

583 30 0
                                    


BALLPEN

Five: Boybest

Agad akong naalimpungatan ng may maramdaman akong tumutusok sa pisngi ko. Hindi ko na lang 'yon pinansin at saka nagpatuloy sa pagtulog ng maulit na naman.

Mahina akong napaungot saka dahan-dahang iminulat ang mata ko. Napapikit-pikit pa ako dahil nag-aadjust pa ang mata ko.

Napahikab pa ako at agad na nanlaki ang mata ko ng bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Lei. Agad akong napabangon sa kama at saka kinapa ang gilid ng labi ko.

Nang matiyak kong wala akong panis na laway ay nakakunot noong niingon siya.

"Anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga?" inis na tanong ko. Nagkibit balikat naman siya at saka ngumisi.

"Anong maaga? Alas diyes na kaya mahal na prinsesa." Agad ko namang inabot ang alarm at saka napabalikwas ng tayo ng makita kong 10:25 na.

Muntik pa akong mahulog sa kama kaya narinig kong pinagtawanan pa ako ni Lei. Inirapan ko na lang siya at saka nagmamadaling kumuha ng damit sa closet.

Dinala ko na rin ang uniform ko sa c.r. dahil alam ko namang hindi ko mapapaalis ang kumag na 'yon sa kwarto ko.

Napailing na lang ako at saka nagmadaling maligo. Nang matapos ako ay agad akong nagbihis at saka nagsepilyo. Pagkatapos ay lumabas na rin ako ng banyo habang pinupunsan ko ang basa kong buhok.

Naabutan ko naman si Lei na prenteng nakahiga sa kama ko kaya hindi ko napigilang magpameywang sa harap niya.

"Aba! Aba! Ang galing! Umalis ka nga sa kama ko!" inis na sabi ko. Hindi naman siya umimik kaya sinipa ko na lang ang paa niya. Mahina naman siyang napadaing pero napairap na lang ako.

"Anong oras ka ba kasi nagpunta rito at parang antok na antok ka pa?" tanong ko at saka sinimulang suklayin ang buhok ko.

Nakita ko naman siyang napabangon dahil nakaharap ako sa salamin. Sumandal naman siya sa pader.

"Nagpunta ako rito ng ala singko. Ang himbing ng tulog mo. Tumutulo pa 'yong laway mo," natatawang sabi niya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Eh bakit ka naman nagpunta rito ng ganun kaaga?" masungit na sabi ko. Nginitian niya naman ako.

"Kasi miss na kita," nakangiting sabi niya. Natigilan naman ako ng dahil sa sinabi ngunit agad ko ring ipinilig ang ulo ko.

"Lei, hindi na kita boyfriend ngayon kaya please lang, huwag kang umasta na parang merong tayo. Ayokong magselos na naman 'yong boyfriend ko." Mabilis naman siyang umiling tsaka ngumisi.

"Ayoko nga. Ituturing pa rin kitang prinsesa kagaya ng dati. Ikaw pa rin 'yong baby ko." Inis ko naman siyang nilingon pero nginitian niya lang ako.

Napabuga na lang ako ng hangin at saka nagpulbos.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Basta nandito lang ako bilang bestfriend mo na lang." Natahimik naman siya at maya-maya ay bumulalas ng tawa.

"Naniwala ka naman? Hindi na kita gusto 'no! Haha." Napangiti naman ako ng dahil sa sinabi niya.

"Good. At least alam kong wala ng magiging problema," nakangiting sabi ko pero agad ko ring napansin ang pagbalatay ng lungkot sa kanyang mga mata kahit na tumatawa siya.

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at hindi na pinagtuonan ang emosyon na nakita ko sa kanyang mga mata.

Imposibleng mahal niya pa rin ako dahil noong kami pa, puro panloloko lang ang ginawa niya pero kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. Kaya masaya ako na naging magkaibigan ulit kami.

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon