🖋️Twelve🖋️

512 25 0
                                    

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata ng maalimpungatan ako sa liwanag ng araw. Impit akong napamura ng maramdaman kong masakit ang katawan ko.

Agad kong niyakap ang sarili ko ng yumakap sa akin ang malamig na hangin. Napapikit na lang ako at mahinang napahikbi habang yakap-yakap ang tuhod ko.

Narinig ko namang bumukas ang pinto, kasunod naman ay ang paglundo ng kama.

"Hey, why are you crying?" Agad ko namang pinunasan ang luha ko at saka ngumiti.

"I'm not crying, napuwing lang." I lied. 

"Are you sure?" Tumango naman ako. Niyakap niya lang ako kaya bahagyang napanatag ang loob ko.

"You should take a shower," nang-aasar na sabi niya kaya agad ko siyang nahampas sa balikat.

"Nakakainis ka!" Tinawanan niya lang ako.

"Nagbibiro lang naman," malambing na sabi niya kaya napanguso na lang, hindi magawang magalit sa kanya.

Napakapit na lang ako sa leeg niya ng buhatin niya ako papunta sa shower room. Dahan-dahan niya akong inilapag sa bathtub at saka binuksan ang gripo.

"I'll stay outside. I love you." He kissed my forehead before he close the door.

Agad kong nasapo ang puso ko at mariin na napapikit ng kumirot na naman iyon.

Nang mabawasan ang sakit ay nagshower na ako. Pagkatapos kong magshower ay lumabas na rin ako. Pilit na ngumiti upang hindi mahalata na nanghihina ako.

Agad na napaayos ng tayo si Dylan ng makita ako at mabilis akong dinaluhan, inalalayan papuntang kwarto niya.

"Sigurado kang ayos ka lang? You look pale. Do you want to go to hospital?" Mabilis naman akong umiling at saka nagpeke ng tawa.

"Ang OA ha! Wala naman akong sakit," natatawang sabi ko pero mukhang hindi siya kumbinsido.

Biglang lumungkot ang mukha niya at agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng yakapin niya ako. Napayakap na rin ako sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Don't worry, I'm fine." Narinig ko naman siyang napabuntong hininga bago kumalas sa pagkakayakap ko at pinatakan ang halik ang labi ko.

"Even if you are telling a lie or not. I will still believe you no matter what." Napangiti na lang ako at pilit pinigilan ang nagbabadyang luha ko.

"Hindi ako nagsisinungaling 'no! Okay lang talaga ako." Napabuntong hininga na lang siya at saka nagpilit ng ngiti.

"Okay. Lalabas na lang muna ako para makapagbihis ka na." Nginitian ko naman siya. Tumalikod na rin siya at saka lumabas ng kwarto.

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay agad akong napaupo sa kama habang naghahabol ng hininga. Mariin akong pumikit habang minamasahe ang dibdib ko.

These past few days ay bumalik na naman ang kinatatakutan ko. Huminga na lang ako ng malalim bago nagbihis at itinali ang buhok.

Nang masiguro kong okay na ang itsura ko ay lumabas na rin ako.

Agad akong napangiti ng makita si Dylan na prenteng nakasandal. Nakasukbit na rin sa kabilang balikat niya ang bag ko habang ang kanya ay hawak niya lang.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti bago lumakad palapit sa'kin para gawaran ako ng halik sa pisngi.

"Good morning baby." Natawa na lang ako dahil late niya ng sinabi. Inakbayan niya naman ako bago kami naglakad palabas ng bahay nila.

Nauna akong pumasok sa loob ng kotse niya at sumunod naman siya. Sumandal na lang ako upang ipahinga ang sarili. Nanghihina talaga ako.

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon