🖋️Seventeen🖋️

296 19 0
                                    

BALLPEN PART 17

                                   🍂

I want to cherish every moment with you, for the last time.

                                 🍂

                     SAMMIE'S POV


"Wake up, sleepy head." Agad naman akong napakamot sa ulo at saka dahan-dahang nagmulat ng mata.

"Bakit ka ba nambubulabog? Ang aga aga eh," inis na sabi ko at saka muling sumubsob sa unan.

"Sorry naman. Dinalhan lang naman kita ng paborito mong cupcakes. Kainin mo na lang kapag gutom ka na." Agad naman akong napamulat at bumangon sa kama.

"Nasaan 'yong cup cake?" Napangisi naman siya at saka bumulalas ng tawa. Agad na naglaho ang ngiti ko nang mapansing wala naman siyang dalang box ng cupcakes.

"Sabi na eh, babangon ka talaga kapag nakarinig ka ng cupcakes," tawa-tawang sabi niya. Binato ko na lang siya ng unan. Bwisit! Ang aga aga lakas mantrip.

"Joke lang! Iniwan ko dun sa baba. Magpapaalam lang talaga ako kaya kita ginising. Ang sweet ko di'ba?" Napangiwi na lang ako kasabay ng pag-irap ko.

"Ano tayo? Mag-asawa? Pwede ka namang umalis nang hindi ako iniistorbo!" Nginisian niya naman ako, halatang nang-aasar.

"Pwede rin naman kung gugustuhin mo akong maging asawa mo."

Agad na nagsalubong ang kilay ko.

Malakas kong naihampas sa kanya ang unan na hawak ko kaya bahagya siyang napaatras sa lakas ng impact

"Ang aga namang magsungit ng buntis." Tinaasan ko naman siya ng kilay at agad na hinawakan ang lamp shade. Nanlaki naman ang mata niya nang iangat ko 'yon.

"Ano? Hindi ka pa aalis?" masungit na tanong ko at umaktong ibabato ang bagay na hawak ko.


"Oo na! Eto na! Aalis na! Parang nagbibiro lang eh!" natatarantang sabi niya. Napairap na lang ako ng marinig ko ang pagsara ng pinto.

Inilapag ko na lang ulit ang lamp shade sa gilid ko tsaka nahiga sa kama at pinilit ang sariling bumalik sa pagtulog.

Hindi na ako pinayagan ni mommy na pumasok sa school. Mas kailangan ko raw kasing magpahinga dahil sa kondisyon ko.

At sa susunod na araw, baka lumipat na rin kami ng bahay. Doon sa probinsya para malayo sa polusyon.

Inaayos na rin ni mommy ang papeles at ang visa ko kung sakaling kailanganin ko nang maoperahan. Gusto kasi ni mommy na sa ibang bansa ako ipagamot. Pabor din naman sa'kin dahil nga ayoko na ring manatili dito.

Nagtalukbong na lang ako ng kumot at saka bumalik sa pagtulog.

Pasado alas tres na nang magising ako. Bumaba na lang ako sa kusina at saka kinuha 'yong cupcake na bigay ni Lei.

Wala si mommy dahil may trabaho siya. Nanood na lang ako ng palabas sa Netflix.

Naglagay pa ako ng unan sa lap ko habang kumakain ng cupcake. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo sa sofa. Namalayan ko na lang na madilim na pala.

Pinatay ko na ang tv at saka umakyat sa kwarto ko. Mayamaya ay darating na rin si mommy. Nahiga na lang ulit ako sa kama at saka tumitig sa kisame.

Agad na lumungkot ang mukha ko nang biglang pumasok sa isip ko si Dylan. Tumagilid na lang ako at saka kinagat ang ibabang labi ko.

Miss na miss ko na siya. Mukhang hindi ko ata magagawang makapagpaalam sa kanya. Hindi ko kasi alam kung kaya ko pang bang magsinungaling sa kanya.

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon