BALLPENThree: Jealous
Napairap na lang ako ng makita ko si Dylan na kakapasok lang. Ilang minuto na lang ay magsisimula na rin ang klase.
Hindi naman ako umimik ng maupo na siya sa tabi ko. Hindi rin naman niya ako kinausap kaya hindi ko na rin siya kinulit.
Wala ako sa mood ngayon para kulitin siya dahil naiinis ako sa kanya.
Nanatili na lang akong nakatitig sa green board habang nakacross arm at nakataas ang kilay.
Napansin niya ata ang hilatsa ng mukha ko kaya nagtanong na siya.
"Ayos ka lang ba? Bakit ganyan 'yang mukha mo?" Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Nagtanong ka pa talaga? Parang hindi mo naman alam," inis na sabi ko pero kinunotan niya lang ako ng noo.
Ano? Magpapanggap siyang walang alam?
Hindi ko na lang siya pinansin at muling ibinalik ang tingin sa board. Agad namang tumayo ang mga kaklase ko pagkapasok ng teacher samantalang ako ay nanatiling nakaupo. Tinatamad akong tumayo.
Hindi naman ako napansin ni ma'am dahil malaki naman ang nasa unahan ko.
Nilingon naman ako ni Dylan na may mukhang nagtataka.
Wala ba talaga siyang alam? Psh! Nakakainis!
"Okay class. We have a new transferee. Come inside, introduce yourself," nakangiting sabi ni ma'am.
Agad na natuon ang atensyon ng lahat sa isang lalaking pumasok sa classroom namin. Agad naman akong napaayos ng tayo ng mapansin kong familiar sa'kin ang mukha niya.
Agad na naningkit ang mata ko at agad na umangat ang gilid ng labi ko ng mapagtanto kong siya nga ang taong 'yon.
Pumwesto naman siya sa harap at saka ngumiti sa'ming lahat. Agad na nagtilian ang mga girls at sari-saring reklamo ang narinig ko mula sa boys.
"Tsk, may bago na naman tayong karibal,"
"May feeling pogi na naman,"
"Oh my gosh! Ang pogi ni kuya!"
"Crush na kita kyah!"
"Mukhang may bago na naman tayong bebe bukod kay Dylan my loves!"
Agad namang umangat ang kilay ko at saka sinamaan ang babaeng nagsabi nun. Ang kapal ng mukha niya.
Akin lang si Dylan.
Napairap na lang ako at saka muling itinuon ang atensyon sa lalaking nakatayo ngayon sa harap.
Huminga naman siya ng malalim pagkatapos ay ngumiti at saka nagpakilala.
"Hi everyone. My name is Lei Jhulliane Pascual." Muli na namang nagtilian ang mga girls habang ako ay tahimik lang na nakangisi habang nakatitig sa kanya ngunit agad din akong nagtaka ng biglang dumilim ang paligid.
Agad ko namang tinanggal sa pagkakatakip sa mata ko ang kamay ni Dylan.
"Ano ba! Wala akong makita," inis na sabi ko. Napasimangot naman siya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Ayokong nakikita siyang sumisimangot. Nagiging cute kasi siya sa paningin ko at baka makalimutan kong galit pa rin ako sa kanya.
"Huwag ka kasing tumingin sa lalaking 'yon. Ako lang dapat ang tinitingnan mo." Nagtaas naman ako ng kilay at saka napairap.
"Bakit? Ikaw ba may-ari ng mata ko para diktahan ako kung ano lang ang dapat kong tingnan?" Natigilan naman siya at maya-maya pa ay nangunot na rin ang noo niya.
BINABASA MO ANG
BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?
Genç KurguKabadong-kabado si Sammie dahil magsisimula ng magdikta ang teacher nila ay wala pa rin siyang nahahanap na ballpen. Mabuti na lang at to the rescue ang crush niya. May ballpen na siya, instant boyfriend pa!