🖋️Nineteen🖋️

306 21 1
                                    

BALLPEN: PART 19

                                   🍂

Leaves may fall, my love for you will never go.

                                   🍂
       
                     SAMMIE'S POV


Five years later...



"Omma! Wake up! I want to play outside!"

Agad ko namang naimulat ang mata ko ng maalimpungatan sa pag-alog sa'kin ng anak ko. Napahikab pa ako at kinusot-kusot ang mata ko tsaka marahang ginulo ang buhok niya.

"Go and ask your tito Lei to play with you. Mommy is still sleepy," inaantok na sabi ko. Napasimangot naman siya kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Sabihan mo si Tito Lei mo na pumunta rito. Pwede kayong maglaro sa park, susunod na lang ako." Tumango naman ang anak ko at mahigpit akong niyakap.

"Thank you, omma," malambing na sabi niya, kagat-kagat niya pa ang ibabang labi niya kaya mas lalo siyang naging cute. Kinurot ko na lang ang pisngi niya, nginitian niya pa ako bago kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag at marahang minasahe ang ulo ko. Nahihilo pa rin ako dahil kauuwi lang namin kahapon galing sa flight from Canada.

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at saka tuluyang bumangon. Pagkatapos kong maghilamos at magtootbrush ay bumababa na ako. Naabutan ko pa si mommy na nagtitimpla ng gatas. Nang makita niya ako ay agad siyang napangiti, ngumiti na lang din ako pabalik.

"Dumating si Lei, gusto raw maglaro ni South," aniya habang nagtitimpla.

Naupo na lang ako at saka nagpangalumbaba sa lamesa. Inaantok pa ako pero hindi ko na magawang bumalik sa pagtulog.

"Uminom ka muna ng gatas, anak." Nginitian ko na lang si mommy at saka tinaggap ang baso. Tinitigan ko lang iyon habang pinapaikot ang kutsara. Narinig ko namang napabuntong hininga si mama.

"Anak, ngayong nandito na tayo ulit sa Pilipinas. Wala ka bang balak gawin?"  Nangunot naman ang noo ko at nagtatakang napatitig kay mama.

"Ano naman pong gagawin ko?" Napailing naman siya at saka nagkibit balikat.

"Mahigit limang taon na ang nakakalipas, anak. Wala ka pa ring balak sabihin kay Dylan?" Agad ko namang nabitawan ang kutsarang hawak ko.

"Ma, napag-usapan na natin 'to di'ba?"  kalmadong wika ko ngunit hindi ko alam kung bakit naiinis ako.

"Anak, panahon na siguro upang malaman ni Dylan ang totoo. Hanggang kailan mo ba balak itago ang anak mo?" Napabuntong hininga naman ako.

"Ma, limang taon na ang nakalipas. Siguradong nakalimutan na ako ni Dylan." Napailing-iling naman si mama.

"Sammie, hahayaan mo na lang ba na mabuhay sa kasinungalingan ang anak mo?" Napayukom na lang ako ng kamao at pilit pinakalma ang sarili.

"Ma, hindi na ako nagsisinungaling sa anak ko!" Hindi ko na napigilang mapasigaw kaya bahagya siyang napaatras, mukhang hindi inasahan ang biglang pagtaas ng boses ko.

"Hindi ka nagsisinungaling pero pinapaasa mo siya. Huwag mong paasahin ang bata kung wala ka namang balak ipakilala siya sa kanyang ama." Napapikit na lang ako, hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Anak, kahit para na lang sa anak mo. Matuto ka namang lunukin 'yang pride mo. Maiwan na kita at may trabaho pa ako." Hindi ko naman sinagot si mama. Naramdaman ko na lang ang mahina niyang pagtapik sa balikat ko. Mabilis ko namang pinahid ang luhang tumakas mula sa mga mata ko at pilit na inubos ang gatas.

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon