🖋️Two🖋️

1.5K 70 2
                                    


BALLPEN

Two: Crush

Nang dahil sa nangyari noong nakaraang araw ay natuto na ako. Kaya kanina umaga bago ako pumasok ay bumili na agad ako ng tatlong ballpen para I love you. Charot!

Pang reserba lang 'yong dalawa kapag nawala 'yong isa.

Isinarado ko na ang notebook ko ng matapos akong magsulat at saka nilingon si crush na boyfriend ko na.

Nagpangalumbaba na lang ako at saka tumitig sa kanya. Hindi niya naman ako nilingon at diretsong nakatingin sa board.

Napangiti na lang ako. Ang sipag talaga masyado ng boyfriend ko.

Tinitigan ko na lang siya at nakita ko pang napataas ang kilay niya.

"Huwag mo akong titigan, baka mahalikan kita diyan," seryosong sabi niya. Mas lalo naman akong napangiti at inilapit ang mukha sa kanya.

"Edi mas dapat pala kitang titigan," nakangiting sabi ko. Napailing na lang siya kaya lumayo na rin ako at tsaka dumukdok sa desk.

Inaantok na ako. Humikab pa ako at saka pumikit. Plano ko na sanang umidlip ng may biglang kumalabit sa'kin. Hindi ko na lang 'yon pinansin ngunit ng pumangalawa ay hindi na ako nakatiis. Inis akong nag-angat ng tingin.

"Bakit ba?" inis na sabi ko. Nagpeace sign naman si Daren sa'kin. Psh!

"May ballpen ka pa?" tanong niya. Napatanga naman ako.

"Ginising mo ako para manghiram ng ballpen?" seryosong tanong ko. Tumango naman siya kaya napapikit na lang ako.

Gosh! Mukhang makakapatay ata ako.

Napairap na lang ako at saka kinuha ang isang ballpen sa bag ko. Akmang iaabot ko na sana sa kanya 'yong ballen ng may umagaw nun.

Nang lingunin ko naman kung sino 'yon ay agad na nangunot ang noo ko.

Pinangningkitan ko naman siya ng mata at painosente naman siyang tumingin sa'kin.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ni  Dylan kaya napabuntong hininga na lang ako at saka muling kumuha ng ballpen sa bag. Iaabot ko na sana ulit 'yon ng kunin niya na naman.

Napapikit na lang ako dahil naiinis na ako.

Last na talaga. Kapag hindi pa siya tumigil, edi wag siyang tumigil.

As if naman kaya kong magalit sa kanya. Pasalamat siya at crush ko siya. Aish! Kainis!

Kinapa ko na lang sa bulsa ko ang gamit kong ballpen kanina at saka inabot kay Daren. Nakangiting kinuha niya naman 'yon ngunit agad ding inagaw ni Dylan at pinalitan ng ibang ballpen.

"Itong ballpen na lang ang gamitin mo," aniya. Nangunot naman ang noo ni Daren ngunit hindi na siya muling nagsalita. Nagpasalamat na lang siya.

Nang tumalikod na siya ay agad kong sinipa ang paa ni Dylan. Napaaray naman siya at kinunotan ako ng noo.

"Ano bang problema mo? Bakit mo ako sinipa?" painosenteng sabi niya. Inirapan ko naman siya at saka naglahad ng kamay.

"Akin na," masungit na sabi ko. Napatanga naman siya kaya agad kong kinapa ang ballpen ko sa bulsa niya.

"Teka-Teka lang, ito na lang muna ang gamitin mo." May inabot siya sa'king ballpen. Ito ata 'yong gamit niya kanina. Nangunot naman ang noo ko.

"Bakit binibigay mo sa'kin 'to? May sarili na akong ballpen 'no," nagtatakang sabi ko pero umiling naman siya.

"Ayoko nga. Baka mamaya ipahiram mo na naman sa iba," parang batang sabi niya. Nagtaka naman ako. Parang kanina lang napakaseryoso niya ngayon umaasta siyang parang bata na aagawan ng kendi.

"Eh ano naman kung ipahiram ko sa iba?" Inis naman niya akong tinapunan ng tingin.

"So, ipapahiram mo nga?" galit na sabi niya. Nagsalubong naman ang kilay ko.

"Ano bang problema mo?" nalilitong tanong ko. Nag-iwas naman siya ng tingin.

"Nang dahil sa pinahiram kita ng ballpen, nagkaroon ng tayo. Ayokong mapunta ka pa sa iba kaya hindi ko ibibigay sa'yo 'to." Natawa na lang ako ng dahil sa sinabi niya.

"Nagseselos ka ba?" Agad naman niya akong nilingon at saka sinamaan ng tingin.

"Malamang! Boyfriend mo kaya--I mean, hindi ako nagseselos!" inis na sabi niya at medyo hininaan niya pa.

Nagkibit balikat na lang ako at saka sumandal sa arm chair.

"Okay. Sa'yo na 'yong ballpen ko. Basta akin na 'to," nakangiting sabi ko. Muli ko siyang nilingon at naabutan ko pa siyang nakatitig sa'kin.

"Nagtataka lang ako, bakit tatlo 'yong ballpen mo?" tanong niya. Mas lalo tuloy akong napangiti. Tinitigan ko naman siya sa mata.

"Kasi I love you." Agad naman siyang napangiti at saka nag-iwas ng tingin. Napansin ko pang namula ang pisngi niya kaya agad kong kinagat ang ibabang labi ko para hindi matawa.

"Stop laughing, hahalikan na talaga kita," inis na sabi niya. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko para hindi ako matawa ng tuluyan pero hindi ko pa rin napigilan. Agad na kumabog ang puso ko ng mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

Hindi agad ako nakagalaw habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kawalan.

Hinalikan niya ba ako?

Oh my gosh! Hinalikan niya ako!

Agad kong pinakalma ang sarili ko at saka ko siya nilingon. Kinindatan niya naman ako.

"Sabi ko sa'yo huwag kang tatawa eh," nagbibirong sabi niya kaya napangiti na lang ako.

"Should I laugh again so you will kiss me one more time?" pabirong sabi ko. Napangisi naman siya at saka pinitik ang noo ko.

"Siraulo ka talaga," natatawang sabi niya at saka muling nagpatuloy sa pagsusulat.

Nagpangalumbaba na lang ulit ako at saka tumitig sa kanya. Mabuti na lang at tulog ang teacher namin kaya hindi kami napapagalitan.

Agad akong napahawak sa pisngi ko ng bigla akong kiligin. Dumukdok na lang ako sa mesa at saka napangiti.

Muntik ng tumalon ang puso ko ng maramdaman kong pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa. Palihim akong napangiti.

Hindi ko inakalang darating ang araw na ito. At hinihiling ko na sana ay hindi na matapos pa.

Nang dahil sa ballpen, naging kaming dalawa.

____________________________________________________________________________

Kindly vote and comment. Kamsa :)

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon