BALLPEN PART 22
SAMMIE POINT OF VIEW"Oh? Anong nangyari sa'yo? Umulan ba sa labas?" nagtatakang tanong ni Lei ng makita ako.
Hindi ko na lang siya sinagot at dumiretso na sa itaas para makapagshower. Nang matapos ako ay tinuyo ko na lang ang buhok ko tsaka bumaba sa sala.
Naabutan ko pa si Lei na nagtitimpla ng gatas para kay South. Nagbukas na lang ako ng ref tsaka nagsalin ng tubig sa baso. Pagkatapos ay inilapag ko na lang iyon sa lababo tsaka nagpunta ng sala. Sumunod naman si Lei at ibinigay kay South ang gatas.
"Drink your milk, kiddo para makatulog ka na." Tumango naman ang anak ko tsaka agad na ininom ang gatas, bahagya namang nangunot ang noo ko ng hinarap ako ni Lei habang naniningkit ang mata.
"Nagtataka talaga ako kung anong nangyari sa'yo eh. May nambully na naman ba sa'yo?" Napairap na lang ako tsaka pinagpatuloy ang pagpapatuyo sa buhok ko.
"Huwag ka ngang chismoso," inis na sabi ko, mas lalo namang nanikit ang mata niya habang pinagmamasdan ako.
"Ah, nahulog ka sa pool 'no?" Natigilan naman ako at magkasalubong ang kilay na nilingon siya.
"Paano mo naman nalaman?" Napatitig naman siya sa'kin kasabay ng pagkunot ng noo niya.
"H-Huh? Nanghula lang naman ako," naguguluhang sambit niya. Napaiwas naman ako ng tingin at saka tumayo para bumalik sa kwarto ko.
"Teka lang!" Rinig kong sigaw niya pero hindi ko na lang pinansin si Lei. Isasara ko na sana ang pinto ng kwarto nang biglang may pumigil sa pagsara. Agad na nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kong naipit ang kamay niya.
"Aray ko po!" biglang daing niya at agad na napahawak sa braso niyang napaluruhan. Nataranta naman ako at agad na niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
"Sorry," hinging paumanhin ko habang iniihipan niya ang braso niya. Hindi ko na lang din siya sinita ng
pumasok siya sa loob ng kwarto ko at naupo sa kama.Isinara ko na rin ang pinto tsaka nahiga sa kama. Plano ko na sanang matulog nang bigla siyang magsalita.
"Hoy! Huwag mo akong tulugan! May atraso ka pa sa'kin!" inis na sabi niya. Tumagilid na lang ako at nagtakip ng tenga.
"Hoy! Ang sama mo talaga! Inipit mo na nga ako tapos tutulugan mo lang ako!" Inis naman akong napabangon ng kama tsaka siya binato ng unan.
"Ang ingay ingay! Ano bang itatanong mo?" Nginitian niya naman ako.
"Sino ba 'yong amo mo?" Agad namang sumama ang timpla ko at bahagyang napairap. Akmang hihiga na ulit sana ako ng mabilis niya akong napigilan.
"Hep! Hep! Hindi ka pwedeng matulog hanggat hindi mo sinasagot lahat ng tanong ko." Napairap naman ako tsaka sumandal sa headboard at niyakap ang tuhod.
"Gusto mo talagang malaman kung sino?" Tumango-tango naman siya kaya napairap na lang ako.
"Iniisip ko pa lang 'yong pangalan niya, nabubwisit na ako eh," wala sa sariling sambit ko. Agad naman akong napalingon kay Lei nang bigla siyang naupo sa tabi ko. Nagsalubong din ang kilay ko ng ngumisi siya habang nakatingin sa'kin.
"Problema mo? Kamukha mo na 'yong aso ng kapitbahay natin," masungit na sabi ko. Tinitigan niya naman ako tsaka nagpangalumbaba.
"Sabihin mo nga, iyong boss mo bang tinutukoy mo eh minsan ng naging parte ng buhay mo?" Kinunotan ko naman siya ng noo.
"Anong bang pinagsasabi mo?" napipikon na sabi ko pero mas lalo lang siyang napangisi. Napabuntong hininga na lang tuloy.
"Alam mo? Itulog mo na lang 'yan." Mabilis naman siyang umiling tsaka unti-unting inilapit ang mukha dahilan para mapaatras ako.
BINABASA MO ANG
BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?
Ficção AdolescenteKabadong-kabado si Sammie dahil magsisimula ng magdikta ang teacher nila ay wala pa rin siyang nahahanap na ballpen. Mabuti na lang at to the rescue ang crush niya. May ballpen na siya, instant boyfriend pa!