🖋️Seven🖋️

489 29 1
                                    

BALLPEN

Seven: Never let you go

SAMMIE POINT OF VIEW

Pagkatapos kong maglinis ay agad kong inilagay ang walis sa likod at saka niligpit ang gamit ko.

Nagmadali na akong lumabas ng classroom ng mapahinto ako. Bigla na lang kasing sumulpot si Dylan at inakbayan ako.

"Saan ka pupunta? May balak ka pa atang tumakas," nakangising sabi niya. Mabilis naman akong umiling at saka nagpilit ng ngiti.

Tatakas naman talaga sana ako kaso may lahi kang multo, bigla-bigla ka ja lang sumusulpot.

"Hindi kaya ako tatakas. Hinihintay nga kita eh." Napahimas naman siya sa baba niya.

"Kung ganoon, bakit ka nagmamadali?" Hindi naman ako nakasagot kaya agad siyang napangisi. Nasapo ko naman ang noo ko ng pitikin niya 'yon.

"Tss, tara na. Gumagabi na oh," aniya. Nataranta naman ako hindi dahil hindi pa ako nakakapagpaalam kay mama. Kinakabahan lang ako kasi baka kung anong mangyari mamaya.

Sigurado naman akong hindi ako hahanapin ni mama dahil nasa trabaho 'yon. Only child lang naman ako kaya wala namang makakaalam na hindi ako umuwi sa bahay.

Agad akong napatalon ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Kinunotan niya naman ako ng noo.

"You look nervous. Chill, I won't eat you," nakangising sabi niya pero mas lalo lang akong kinabahan. Nakakainis naman!

Hinila na niya ako kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya. Nauna ng nauwi si Lei kanina dahil may emergency sa bahay nila. Wala tuloy akong mahingan ng tulong.

Sana lang talaga wala siyang gawin sa'kin dahil sasapakin ko talaga kahit na gwapo siya. Wala na akong pakialam kung mabangasan ang mukha niya. Pero joke lang! Ayokong saktan 'yong love ko.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad niya akong hinila at sabay kaming tumakbo papunta sa kotse niya.

Binuksan niya naman ako kaagad ng pinto kaya pumasok na ako. Pumasok na rin siya at saka sinimulang paandarin ang makina.

"Are you okay?" Napatanga naman ako dahil sa biglang tanong niya. Napangiti na lang ako ng alanganin ng marealize ko ang sinabi niya.

"Yes, I'm okay. Hindi mo na kailangang mag-alala," nakangiting sabi ko. Napabuntong hininga naman siya at saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Agad kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa at tinext na lang si mama na magoover night ako sa kaklase ko dahil may tatapusin na project.

Well, half of it, totoo naman dahil kaklase ko naman si Dylan. Niyakap ko na lang ang sarili ko ng makaramdam ako ng lamig. Napansin siguro ni Dylan na nilalamig ako kaya agad niyang pinatay ang aircon. Medyo nabawasan na rin ang panlalamig ko.

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa gilid ng bintana at saka pinanuod ang mga bahay na nadadaanan namin. Ilang minuto pa ang lumipas ng tuluyan ng huminto ang sasakyan.

Umayos naman ako ng upo at agad akong napayakap sa sarili ko habang nanlalaki ang mata nang mapansin kong isa-isa niyang tinatanggal sa pagkakabutones ang polo niya.

"T-Teka! A-Ano b-bang g-ginagawa mo?!" nagkandautal-utal na sabi ko. Kinunotan niya naman ako ng noo at saka tuluyang hinubad ang polo niya. Ngayon ay nakasando na lang siya.

"Chill, I can't promise that I won't do anything but I'll try. Just relax," kalmadong sabi niya at saka ipinatong sa dibdib ko ang polo niya na hindi naman gaanong nabasa.

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon