BALLPEN
Ten: Deal
SAMMIE'S POV
Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang bumabyahe kami papuntang school. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang itsura nung dalawa sa EK. Tinakpan ko na lang bibig ko upang walang makarinig ng tawa ko.
Naalala ko na naman kung paano sila maglambingan sa harap ko.
"Ano ba?! Lumayo ka nga kay Sammie!" iritableng sigaw ni Dylan at inilayo pa ako kay Lei. Napanguso naman ito at maya-maya ay bigla na lang ngumiti.
"Kung ayaw mong dumidikit ako kay Sammie. Edi sa'yo na lang," malanding sabi ni Lei. Agad na napaatras si Dylan ng haplusin ni Lei ang braso niya.
"The fuck! Kadiri ka!" Tinawanan na lang siya ng kaibigan ko habang ako ay nagpipigil ng tawa. Ang cute kasi niya magalit. Ganito siguro ang mangyayari kapag hinawakan siya ng bakla.
Nauna na akong omorder ng makakain ko dahil hindi pa rin sila tapos magbangayan. I mean, maglambingan. Inubos ko na lang ang footlong na kinakain ko bago ko sila nilapitan. Natawa pa ako nang mapansing nakalingkis si Lei sa braso niya.
"Can you fucking take away your hands? It's so fucking iritating. I'm gonna punch you, fuck you!" Napailing na lang ako dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang binigkas ang salitang f*ck you.
"Punch lang? Kiss mo na lang pisngi ko pagkatapos," maharot na sabi Lei. Malakas naman siyang tinulak ni Dylan.
"Ulol! Nakakahiya ka!" inis na inis na sabi ni Dylan. Nang makita niya ako ay agad siyang nagtago sa likod ko. Para talaga siyang may pinagtataguang bakla.
"Baby, nilalandi ako ng kaibigan mo," nagsusumbong na sabi niya. Napakagat labi na lang ako dahil naiimagine ko na ang itsura niya ngayon. Nakapout at namumula ang pisngi. Ang cute lang.
"Edi magpalandi ka. Siya naman ang jowa mo hindi ako," nakangising sabi ko. Hinarap niya naman ako. Nakakunot ang noo at halatang nagtitimpi.
"Baby naman, huwag na akong pagtripan," bigla siyang ngumuso pero umiling lang ako.
"Ayoko nga. Hindi mo ako mapipilit. Ang cute niyo kayang tingnan. Para kayong mga baklang naglalampungan." Sumeryoso naman ang mukha niya. Agad akong kinabahan dahil mukhang may nasabi ata akong hindi maganda. Muntik ng malaglag ang puso ko nang hapitin niya ako.
"Hoy, ano 'yan! Bawal ang PDA rito ha? Ako na lang ikiss mo bebe Dylan." Tinalimaan naman siya ng tingin ng boyfriend ko kaya napangisi na lang ang kumag. Tuwang-tuwang asarin si Dylan.
Sinalubong ko naman ang tingin ni Dylan kahit na walang tigil sa pagtibok ang puso ko. Mas lalo pa niya akong hinapit palapit sa kanya. Napalunok na lang ako ng unti-unti niyang inilapit ang mukha niya at umaktong hahalikan ako.
"Stop making fun on me or I'll kiss you nonstop baby," nakangising sabi niya. Matapang ko naman siyang nilingon.
"Then kissed me. I don't care--" He cupped my face and lean closer before he kiss me. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko at hindi agad nakagalaw.
Nanlaki pa ang mata ko ng gumalaw ang labi niya.
He's kissing me in public! Shit!
Agad kong nasapo ang dibdib ko ng kapusin ako ng hininga. Inis ko siyang tiningnan pero nginisian niya lang ako.
"Bakit mo ako hinalikan?" Agad na kumabog ang puso ko ng muli niyang hinigit ang palapulsuan ko at dinampian ng halik ang gilid ng labi ko.
Damn! Muntik na akong malagutan ng hininga ng dahil sa ginawa niya. Ngumisi lang siya at pinitik ang noo ko.
BINABASA MO ANG
BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?
Teen FictionKabadong-kabado si Sammie dahil magsisimula ng magdikta ang teacher nila ay wala pa rin siyang nahahanap na ballpen. Mabuti na lang at to the rescue ang crush niya. May ballpen na siya, instant boyfriend pa!