BALLPEN PART 20
🍂
Even if I wish to forget you, still my heart doesn't want to.
Even if I pray that our paths will never cross again, we still meet by fate.
🍂
SAMMIE'S POV
Napatulala naman ako, tila hindi makapaniwala. Hindi ko kasi inasahan na muli ko siyang makikita.
Ilang beses ko rin hiniling noon na sana'y huwag ng magtagpo pa ang landas naming dalawa ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.
Ilang taon din kaming hindi nagkita, ang dami ng nagbago sa kanya, pero 'yong epekto niya sa'kin hindi man lang nagbago, palagi pa rin akong kinakabahan kapag malapit siya.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala dahil sa sobrang pagkalutang ko, ni hindi ko nga rin namalayang nasa tabi ko na pala si Lei.
"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi naman ako kaagad nakapagsalita dahil masyadong okupado ang isip ko.
"Uy! Anong nangyari sa'yo?" untag niya dahilan para lumundag ang puso ko sa gulat. Agad na nagsalubong ang kilay ko at inis na nilingon si Lei.
"Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat?" singhal ko sa kanya. Agad namang nangunot ang noo niya. Nagtaka pa ko ng sipatin niya ang noo ko.
"May sakit ka ba?" Sinamaan ko na lang siya ng tingin at pabalang na tinabig ang kamay niya.
"Ewan ko sa'yo!" iritadong singhal ko. Napailing-iling na lang siya dahil sa pagsusungit ko, tinulungan niya pa akong makatayo at marahang pinagpagan ang damit ko.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakangising aso na si Lei. Tinaasan ko na lang siya ng kilay tsaka hinawakan ang kamay ng anak ko at nagsimula ng maglakad palayo, agad namang siyang humabol at pasimpleng umakbay.
"Ang aga-aga, ang sungit mo. Nga pala, si Dylan ba 'yon?" biglang tanong niya sabay turo sa lalaking naglalakad papasok ng mall. Napatigil tuloy ako sa paglalakad at nanatiling nakatitig doon hanggang sa makita ko siyang lumabas.
Agad naman akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad, may kasama kasi siyang babae. Siguro iyon 'yong girlfriend niya na sinasabi sa'kin ni Lei.
"Uy, nagseselos!" pang-aasar pa ng unggoy sa tabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin, binilisan ko na lang ang lakad ko dahil baka mas lalo lang akong mabwisit dahil kay Lei. Kahit kailan talaga, hindi siya pumapalyang sirain ang araw ko. Konting-konti na lang, mukha na niya sisirain ko.
"Mommy, slow down! Masakit na po ang paa ko!" Rinig kong reklamo ni South kaya agad akong huminto para buhatin siya. Nginitian naman ako ng anak ko at masayang yumakap sa leeg ko.
"Ako rin mommy, pabuhat," parang batang sabi ni Lei kaya agad ko siyang inambahan ng suntok. Tinawanan niya lang ako. Napairap na lang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad, palagi naman siyang hindi apektado sa pagsusungit ko.
Umuwi na lang kami dahil baka kung ano pa ang mangyari kay South. Hindi ko na rin binanggit kay mama ang nangyari dahil paniguradong magtatanong iyon kung sinong nagligtas sa anak ko, mas lalo pa kapag nalaman niyang si Dylan ang taong 'yon.
Pinatulog ko na lang muna si South, kanina pa kasi siya inaantok ng bumyahe kami. Nahiga na lang ako sa kama at saka hinihilot ang sentido ko.
Plano ko na sanang matulog nang bigla na lang bumukas ang pinto at inuluwa nun ang isang demonyo. Napairap na lang ako at saka dumapa sa kama.
BINABASA MO ANG
BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?
Teen FictionKabadong-kabado si Sammie dahil magsisimula ng magdikta ang teacher nila ay wala pa rin siyang nahahanap na ballpen. Mabuti na lang at to the rescue ang crush niya. May ballpen na siya, instant boyfriend pa!