🖋️Eleven🖋️

388 25 0
                                    

[R+18]

"Anong nangyari sa mukha mo? Mukha kang natatae." Sinamaan ko naman ng tingin si Lei.

"Ano na namang kasalanan ko? Kanina ko pa napapansin na sinasamaan mo ako tingin. Matatampo na talaga ako," pagpapaawa pa niya kaya napairap na lang ako.

Naghihintay na tumunog ang bell para makatakbo agad ako ng mabilis. Plano kong takasan si Dylan dahil cleaners siya ngayon at ako naman ay hindi.

Napahigpit ang kapit ko sa bag ko ng magpaalam ang teacher at lumabas ng classroom.

Agad akong tumayo at tumakbo pero dahil sa katangahan ko ay natapilok ako at bumangga sa matigas na dibdib ni Dylan. Napaatras tuloy ako. Tinaasan niya naman ako ng kilay kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at tumabi.

Sumandal na lang ako sa hamba ng upuan habang hinihintay siya. Pareho kasi silang cleaners. Agad ayong napaayos ng tayo ng lumabas na si Dylan sa room. Nakasukbit lang ang bag niya sa kaliwang balikat niya habang nakapamulsa.

Nginitian niya naman ako ng makita ako at saka inakbayan. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko at parang gusto ko na lang lamunin ng lupa. Baka sakaling makatakas ako sa kanya.

"Are you okay? You're trembling." Inirapan ko na lang siya dahil nang-aasar pa siya.

"Tara na nga!" pikon na sabi ko kaya napalakad naman siya nang maglakad na ako. Tinawanan niya lang ako kaya mas lalo akong nairita.

Kanina pa ako nakapagtext kay mama na hindi ako makakauwi. Mabuti na lang at hindi pa naghinala si mama dahil kung hindi, paniguradong kukurutin ako nun sa singit.

"Bakit ka galit?" Hindi ko naman siya pinansin. Gumaganti ata sa'kin dahil sa ginawa ko nung nakaraan. Parang nagbibiro lang.

"Uy, ang cute magalit ng bata. Namumula." Inis ko naman siyang nilingon.

"Huwag mo nga akong kausapin!" Nginisian niya naman ako.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Nagtaas naman ako ng kilay.

"Really? Eh bakit ka nagsasalita diyan? Baliw ka na?" Mas lalong lumawak ang ngisi niya. Agad akong nataranta ng bigla siyang yumuko para magpantay ang mukha namin.

"Oo, baliw na baliw sa'yo." Nag-iwas na lang ako ng tingin. Pilit itinago ang kilig na nararamdaman ko. Leche! Kanina napipikon ako sa kanya pero ngayon wala na. Ang unfair talaga.


Naramdaman ko na lang na inakbayan niya ulit ako pero hindi na ako nagreklamo.

"Huwag ka ng magalit. Cute ka naman eh," natatawang sabi niya bago ako hinalikan sa pisngi.

"Hoy! PDA kayo masyado!" Nagulat naman ako ng bigla na lang sumulpot si Lei sa kung saan. Kabute ata 'to eh. Pwede ring dolphin. Lulubog, lilitaw. Parang tanga lang.


Inirapan ko na lang siya. Napatingin naman siya sa kamay ni Dylan na nakaakbay sa'kin. Agad na nagsalubong ang kilay niya at muntik pa akong matumba ng marahan niya akong itinulak sabay lingkis kay Dylan.

Imbis na magalit ay natawa pa ako sa itsura ni Dylan. Mukha siyang matatae na ewan.

"The fuck! Lumayo ka nga!" Hindi naman sumunod si Lei at mas hinigpitan pa ang pagkakakapit sa braso niya. Umakto pa itong hahalikan siya kaya nakatikim kaagad ng suntok ang kaibigan ko.

Agad siyang napaatras at napahawak sa ilong niya na sinuntok ni Dylan.

"Nagbibiro lang naman ako, pre! Wala namang basagan ng mukha oh," natatawang sabi nito pero mukhang pikon pa rin ang bebe ko sa kumag na 'to.

BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon