BALLPENSix: First Kiss
Agad kong inilabas ang libro ko maging ang notebook ko. Mabilis kong binuklat ang pahina at saka tahimik na nagsulat ng mga important details sa notebook.
Hindi ko alam kung nasaan si Lei ngayon dahil hindi siya pumasok sa first subject. Ganun din si Dylan. Ewan ko ba kung anong nangyari sa dalawang 'yon.
Baka nagdate lang ang dalawa 'yon kaya parehong wala. Napailing na lang ako dahil sa naisip kong kalokohan habang may sinusupil na ngiti sa labi at saka nagpatuloy sa pagsusulat. Agad naman akong natigilan nang may umupo sa kaharap kong upuan. Agad na umangat ang kilay ko ng ipatong niya ang paa niya sa lamesa.
Naipailing na lang ako at saka nagpatuloy sa pagsusulat.
"Bakit hindi ka pumasok kanina?" tanong ko habang nagsusulat pa rin. Napansin ko naman sa gilid ng mata ko na ginawa niyang unan ang magkabilang braso niya at saka ngumisi.
"Bakit? Namiss mo ako?" Napairap naman ako.
"Bakit naman kita mamimiss? At saka, ano na naman bang ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko. Mas lalo naman siyang napangisi.
"Bakit? Huwag mong sabihing pati itong library ay pag-aari ng Dylan na 'yon?" Napailing na lang ako ng dahil sa sinabi niya.
"Ayoko lang na mag-away na naman kayo kapag nakita niyang magkasama tayo." Agad naman siyang napatawa ng mahina.
"Psh, masyado kasing seloso 'yang boyfriend mo." Agad ko naman siyang tiningnan ng seryoso at saka pinangningkitan ng mata.
"Hindi naman magseselos 'yon kung wala kang ginagawa eh. Walang ng tayo kaya huwag kang umastang boyfriend ko pa rin," kalmadong sabi ko pero nginisian niya lang ako.
"Ayoko nga. Gustong-gusto ko pa naman 'yong mukha ng boyfriend mo pag nagagalit," nakangiting sabi niya kaya napailing na lang ako.
Hindi ko na ulit siya pinansin at nagfocus na lang sa ginagawa ko. Agad na nangunot ang noo ko ng magpangalumbaba siya at saka ako tinitigan. Inis ko siyang tinapunan ng tingin pero nginitian niya lang ako.
"Tuloy mo lang, tititigan lang kita," nakangiting sabi niya kaya napailing na lang ako. Magsusulat na sana ulit ako ng may biglang huminto sa gilid ko.
Nang mag-angat naman ako ng tingin ay agad na nanlaki ang mata ko ng marealize kong si Dylan pala 'yon.
"D-Dylan," kinakabahang sabi ko at nagkadan-utal utal pa. Hindi niya naman ako pinansin at kaagad na pinukulan ng matalim na tingin si Lei.
"Ano na naman bang kailan mo sa girlfriend ko?" seryosong tanong niya. Agad namang tumayo si Lei at saka inayos ang nagulo niyang polo.
"Wala akong kailangan sa'yo. Si Sammie ang kausap ko," nakangising sabi ni Lei kaya agad na yumukom ang kamao ni Dylan.
"Ilang beses ko bang dapat ulitin sa'yo na layuan mo ang girlfriend ko?" Nagkibit balikat naman si Lei at saka paisonteng ngumiti.
"Ilang beses ko rin bang dapat ipaalala sa'yo na bestfriend niya ako. Huwag mong sabihing natatakot ka na baka maagaw ko siya?" nakangising sabi nito dahilan para mas lalong mainis ang boyfriend ko. Akmang susuntukin na siya ni Dylan ng mabilis kong hinawakan ang kamay niya dahilan para matigilan siya.
Agad niya naman akong tinapunan ng nagtatakang tingin. Umiling naman ako.
"Please, tama na. Huwag mo na siyang patulan," pakiusap ko. Saglit niya pa akong tinitigan bago napabuntong hininga. Naramdaman ko namang dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya kaya napanatag na rin ako.
BINABASA MO ANG
BALLPEN: Who Will Be My Boyfriend?
Teen FictionKabadong-kabado si Sammie dahil magsisimula ng magdikta ang teacher nila ay wala pa rin siyang nahahanap na ballpen. Mabuti na lang at to the rescue ang crush niya. May ballpen na siya, instant boyfriend pa!