THIS IS A WORK OF FICTION.
Names, places, events and organizations are all product of author's imagination. Any resemblance to actual events, person, living or dead are all purely coincedental.
PLAGIRISM IS A CRIME!
*
*
*"Sis si Jeric paparating" bigla akong napalingon sa direksyon na tinitignan ni Jin ng sabihin niya yon. Nandito kami ngayon sa paborito naming tambayan sa school ground.
And like O.M.G! My future hubby is walking in the hallway like a model in a ramp show. Full of confidence,in a good way ofcourse. Sculpture like body, perfect face, perfect smile, perfect jaw, perfect fierce eyes and perfect to be mine.
"Sis, kurap din pag may time" diko pinansin si Jin dahil busy ako sa pag-iisip king paano mapansin ni Baby Labs ko. "Tsk! itikom ang bibig, papasok ang langaw. Tsaka punasan mo nga yang laway mo! T--" agad akong napasapo sa bibig ko only to find out na niloloko lang ako ng magaling kung kaibigan.
Tinignan ko siya ng masama.
"Oh! Relax lang." Natatawa niya oag itinaas ang mga kamay niya na parang sumusuko siya. Hmp!Tinalikuran ko siya at ibinalik ulit ang tingin sa direksyon ni Baby Labs pero likod niya nalang ang nakita ko.
"Tignan mo ginawa mo Mary Jin! Diko tuloy nasilayan ng matagal ang perfect na mukha ng Baby Labs ko!" Pag mamaktol ko pero imbis na amuhin ako she just make face na para bang nadidiri siya sa akin. Ganyan parati ang expression ng mukha niya everytime tinatawag kong Baby Labs ang Baby Labs ko.
Ingetterang Bruha!
Susumbatan ko pa sana siya pero tumunog na ang bell hudyat na magsisismula na ang susunod na klase sa loob ng limang minuto, pagkatapos ng ikalawang bell.
Habang naglalakad patungo sa room na pag kaklasehan namin ay tinatanong ko siya kung ano ang gagawin o pwede kong gawin para mapansin ako ng Baby Labs ko pero ang bruha ay parang walang narinig only to find out na naka earphones pala ang loka-loka. Ang supportive niya talaga. Grabe.
***
"Mikee! May naisip ako" bigla bigla'y sabi ni Jin kaya mejo nabilaukan ako. Kasalukuyan kaming nagpapahinga at naghihintay sa susunod naming kalase.
Dahil kasalukuyan akong umiinom ng tubig ng tumiwalag siya (nagsasandalan kasi kami) ayun nabilaukan ako.
Sinamaan ko siya ng tingin pero binigyan niya lang ako ng finger heart. Abnormal!
"Wala akong pake sa iniisip mo" pagtataray ko. Buti nalang di nabasa uniform ko. Kung hindi lagot sakin tong bruhang to.
"Talaga? Kahit tungkol kay Jeri-?"
"Anong naisip mo?" Putol ko sa sasabihin niya na ikinatawa ng bruhilda. Masaya siya. Pag bigyan na.
"Pag si Jeric talaga ang usapan tiklop ka agad" mas lumakas pa ang tawa niya. Pinabayaan ko lang at ng matapos na siya, hinarap ko siya at tinignan ng puno ng boredom ang mata.
"Tapos kana?" I'm reffering to her laughing session at tumango naman siya.
"Good. So now what? Anong naisip mo about my Baby Labs" ngumiwi na naman siya ng marinig ang tawag ko kay Baby Labs ko pero sumagot din agad.
"I read it sa wattpad and even in the status of my facebook friend" panimula niya and i'm all ears "ginagawa to ng mga babae sa story kapag gustong mag papansin sa bidang lalaki eh"
"what if..."
"Isa pang putol Mary Jin matatamaan kana sakin" pag babanta ko. Pwede nama kasing mag kwento ng dire-diretso puputulin niya pa. Kaartehan.
"Hahaha. Kalma lang besue" biro niya pa "so eto nga, what if, gaya ng mga nabasa ko magkunwari ka ring may tagos?" she said while making her eye brow move up and down. And I was like eeehhh? After hearing her suggestion.
"Effective ba naman yan?"
"SUPER. as in S.U.P.E.R" confident niyang sabi.
Napaisip ako, itry ko kaya? Wala namang mawawala diba? At baka ito narin talaga yung chace na mapansin ako ni Baby Labs?😍
"Sige gawin natin yan. Ngayon na ba?" mejo excited kong tanong. I can't wait to witness and experience the moment.
"Sige, tamang tama may ketchup tayo ditong natira. Talikod ka" utos niya na sinunod ko agad pero kagad ding kinontra.
"Teka-teka!" Pigil ko. "Dapat ba dito talaga natin gawin to? I mean, wala naman si Baby Labs sa paligid. Baka masayang effort natin" but just like that, my Baby Labs Jeric appear at my sight like the destiny is giving a sign that we're really meant to be.
Wait a little more my Baby Labs.
"Dali lagyan mo na. Nakita ko si Jeric papunta sa direksyon natin" natatarantang utos ko kaya dali dali namang nilagya din ni Jin ang skirt ko ng ketchup.
Tamang-tama na malapit na si Jeric Baby Labs sa amin kaya tinulak na ako ng kaibigan ko papunta sa hallway, which is malapit lang. Kunyari kasi may inutos siya sakin pero diko alam na may tagos pala ako. Tapos makikita ni Baby Labs ko. Tapos lalapitan niya ako. As in malapit na malapit sabay bulong ng "wag kang mag panic, may tagos ka" tapos syempre magpapanic ako dahil sa sinabi niya then hahawakan niya ako sa balikat to calm me down tapos mag a-eye to eye kami. kyaaaaah! Imaging it makes my heart beat really fast. Paano pa kaya kung totoo na? Baka mahimatay ako. Nakakahiya.
"Fighting!" Jin mouted kaya pinakita ko din sakaniya ang sign ng fighting habang naglalakad. Pasimple kong sinulyapan si Baby Labs at mga 10 meters nalang siguro ang layo namin kaya mas binagalan ko pa ang lakad. Ghhaad! This is it pancit.
Reding ready na ako sa magaganap na moment. Handang handa na ako sa pagatatagpo namin ng Baby Labs ko ng bigalang may sumigaw mula sa likuran ko.
"Miss! May tagos ka!" Di naman masyadong malakas pero sa lapit ng distansiya naming tatlo tiyak narinig yun ng Baby Labs ko. And I was right. Narinig nga niya. He just look at me and change the direction he's heading to.
This is not what i've imagine.
Sheeet! Nakakahiya >_< .
***
I would like to take this opportunity to inform you that i'm a newbie when it comes to writing (online) so I am hoping for a kind consideration from you.
And do take note that I wrote this way back 2019 so expect some events din from 2019.
P.S: thank you so much for clicking this story of mine. You're very appreciated.☺
DATE STARTED: JULY 6,2020
DATE ENDED:___________thebiterlycan__________
BINABASA MO ANG
MY CRAZY FANGIRL
Teen FictionBeing a fan is not easy. Join Mikee on her journey of being a fangirl. Witness the struggles of being one, know the feeling of being torn in between fandoms and share the happiness as she reach her goals. Credits to Pinterest for the picture of my c...