Nilingon ko ang ponsyo pilatong sumira ng perfect moment na sana namin ng Baby Labs ko.
"Ketchup lang yan kuya" nakangiti kong sinabi yun pero ang totoo gusto ko na siyang singhalan. Like! Pwede naman wag na niyang punahin dahil wala naman siyang mapapala diba? At bakit kailangan pang ipagsigawan? Pwede namang lumapit siya at bulungan ako para naman mas sweet. Wait--what? Sweet? Yuck! Saan galing yun Mikee?
"Ah...okay" yun lang at nilagpasan niya na ako habang tinitignan ako na parang ako ang pinaka-weird na tao sa mundo. Tsk! Panira.
"BWAHAHAHA" self kalma lang.
"Besh! Sorry pero sheet lang! Nakakatawa talaga. Hahahaha ang epic. Hahaha" binigyan ko ang magaling kong bestfriend ng isang sarcastic na ngiti.
"Itigil mo nga yang kakabungisngis mo jan Mary Jin! Nakakairita na sa pandinig" naiinis kong saway pero parang wala siyang narinig. Nilakasan pa nga niya eh.
Kanina pa yan tawa ng tawa. Like may nakakatawa ba sa nangyari kanina? Napahiya na nga ako sa harap ng crush ko diba? Dapat kinocomfort ako neto eh pero ang nangyayari kabaliktaran. Tsaka kaniya kayang ideya yun!
"Isa pa Jin, di na ako natutuwa" pagbabanta ko "at ikaw may kasalanan kung bakit ako napahiya kanina sa harap ng crush ko"
"Teka. Wait- bakit ako?" reklamo niya agad. Finally tapos ng mag saya.
"At bakit hindi? Kanino ba nanggaling ang ideya yun ha?" sumbat ko.
"Sorry naman. Malay ko bang di gagana sayo. Eh sa mga nabasa ko okay naman. Nag katuluyan pa nga sila hanggang kasalan eh" pagdadahilan niya "at tsaka baka di lang talaga kayo para sa isa't-is--oops! Sareh😆✌" inirapan ko lang siya at bumalik ulit sa pag tingin sa kawalan.
Paano na? Ano ng mangyayari? Feeling ko dahil sa nangyari tingin niya sakin yagit na.Uwaah!!Paano kung dahil sa nangyari tuluyan na niya talaga akong di pansinin? Paano kung gaya ng sabi ng bff ko di talaga kami para sa isa't-isa?
"NO. Di pwedeng mangyari yun. Magiging kami period"
"Wow naman besh! Makasigaw wagas ah! Bahay mo?" diko namalayan na nasabi este naisigaw ko pala ang huli kong naisip. Nandito na ulit kami sa school ground at tapos narun ako mag bihis.Akala ko nga si Jin lang nakarinig eh. Kung sana diko nalang nakita yung lalaking napatingin sa direksyon namin pati narin ang kasama niya at iilan pang estudyanteng nasa malapit.
Dobleng kahihiyan na to! Grabe na. Once is enough. Twice is too much. Ayoko na. Uwi nako. Baka pag napahiya pa ako sa ikatlong beses matunaw nako.
"Besh halika na. Uwi na tayo" aya ko kay Jin at pinulot na ang mga nagkalat naming basura ng pagkain. Kahit nalilito ay ipinagsasalamat kong di na siya nag tanong o nag reklamo pa at wala na din kaming klase.
*
"Good morning beshy" bati ng bff ko. Matutuwa na sana ako kung di lang dahil sa sinusupil niyang ngiti or should i say ngisi?
Inirapan ko lang siya at nilampasan. Kaagad naman siyang humabol na panay ang reklamo. Kesya ano pa daw ang sense ng paghihintay para mag sabay kami kung iiwan ko lang din naman siya. Tsk. Wag siyang aarte arte baka masungalngal ko na'to pag naubos ang pasensya ko.
Ang tagal mag move-on. Last week pa yun di parin tapos tumawa or should i say di parin siya tapos pagtawanan ako?tsk!
"Pag ako mas nainis dahil dyan sa kakangisi mo Jin wag mo akong sisisihin kapag nasungalngal kita ha?" kalmado kong wika ng di siya tinitignan pero agad din niyang binura ang bakas ng kapilyohan sa mukha
"Ang seryoso mo naman beshy" nakanguso niyang sabi pero inirapan ko lang "ngiti ka nga. Lalo kang gumaganda eh" biro pa niya.
"Tumigil ka nga jan Jin"saway ko "mag review ka jan" sabay hinarap ko ang aking notebook na may notes at seryosong nag review.
Nakita ko naman ang kaibigan kong bumusangot bago hinarap ang notes niya habang suot parin ang busangot niyang mukha. Maya ko na yan lambingin. Mejo mahirap ang quiz ni Sir kasi di ako nakikinig nung nag lecture siya last Friday. Alam niyo na nangyari. First subject kasi namin may pa long quiz agad si Sir. Ang galing lang. Sana all diba? Masipag. Masipag mag review. Yung iba kasi masipag lang mag cheat at mangopya. Samantalang ang iba (gaya namin ni beshy) magkanda kuba na sa kakareview ng notes may maisagot lang sa pagsusulit ni maestra. Ayieee. Rhyming. Hahaha.
Patapos na kami sa pagrereview ng tumunog ang ikalawang bell hudyat na magsisimila na ang klase.
" Good morning Sir" bati naman ng makitang pumasok siya.
"Get 1/2 lengthwise" di na siya nag abala pang batiin kami pabalik. Pag pasok ni sir ay yun kaagad ang bungad niya kaya agad umingay ang klase. Kesyo ang aga-aga daw 1/2 agad. Di daw ba pwedeng next meeting nalang kasi di pa naka pagreview. Yung tataa? Si Sir pa mag aadjust?
"Guys quiet!" Saway ng class president namin na walang iba kundi si Ako. Oo ako. Ayoko ng idetalye kung bakit ako nasa posisyong ito. Basta isa lang masasabi ko. KASALANAN NG MAGALING KONG KAIBIGAN ITO.
Mukha lang daw kasi akong iresponsable pero responsable talaga ako. Di nga lang halata.
Agad namang tumahimik ang mga nagrereklamo pero may iba pa rin talagang bubulong bulong na di alam kung sadya bang nilalakasan para marinig ko o ano.
Nagsimula na ang long quiz ni Sir kaya tahimik na ang lahat. Mejo mahirap ang ibang tanong pero good thing nag review kami kanina kaya kahit papaano ay may naisagot kami. Ang iba na di talaga matandaan ay hinulaan lang namin. Kaya ang ending 26 out of 30 lang ang score ko samantalang 27 naman si Jin.
"Beshy" tawag ni Jin kaya agad ko siyang nilingon wearing my ano-na-naman look.
"Kita mo yon?" tanong niya sabay turo sa labas ng bintana kaya sinundan ko ng tingin na sana pala diko nalang ginawa.
Alam mo yung parang napuwing ka ng asin? Yun yung feeling. Masakit na nga ang alat pa.
"Besh, okay ka lang?" puno ng concern ang boses niya ng tinanong niya yun. Ng di ako sumagot at nilingon niya akong nakatingin parin sa labas.
"Ang saya niya tignan" wala sa sariling sabi ko "parang ang saya niya- ay mali! Masaya talaga siya"
Dahil feeling ko nasa isang korean drama ako. Tumakbo ako palabas ng walang sabi at tinungo ang C.R ng girls. Narinig ko pang tinawag ako ng best friend ko pero diko yun inalintana. Nagaptuloy lang ako sa pag takbo at ngayon ko sinisi ang school kung bakit ang layo ng C.R sa room ng grade 10. Pansin kong may ibang napapatingin sa dereksyon ko pero wala akong pake. Masakit ang mata ko pati narin puso ko kaya wag silang haharang harang o sumagabal sa daraanan ko kundi magkakaroon ng World War---"AY PUT--"
___________thebiterlycan__________
BINABASA MO ANG
MY CRAZY FANGIRL
Teen FictionBeing a fan is not easy. Join Mikee on her journey of being a fangirl. Witness the struggles of being one, know the feeling of being torn in between fandoms and share the happiness as she reach her goals. Credits to Pinterest for the picture of my c...