Chapter 11

2.3K 58 5
                                    

"Matagal pa ba?" Tanong ko kay Yuen ilang oras na yata kaming nagbya-byahe.

"Malayo pa."

"Kanina pa yang malayo na yan, mamaya sa mindanao pala tayo maghi-hiking." Masungit na sagot ko. Tinawanan nya lang ako at binuksan nya ang radyo. Bastos amp. Napairap na lang ako dahil ka-kanta kanta pa sya. Ayaw kasi sabihin kung saan maghi-hiking, para may element of suprise daw.

Hindi ko na sya pinansin at tumingin na lang sa labas. Ilang saglit lang ay nakaramdam ako nang antok at nakatulog.

Nagising ako ng hapon na at nasa kalsada parin kami.

"Nagugutom ka na ba? 1:30 na. San mo gusto kumain?" Tanong sakin ni yuen.

"Mag  jollibee or mcdo na lang tayo, kung san yung una nating madaanan." Ilang saglit lang ay nadaanan namin ang jollibee kaya nagpark muna kami doon. Nagorder ako ng One piece chicken, cheese flavored fries at coke float samantalang si yuen ay nagorder ng 2 piece burger steak with Garlic rice at Coke.

Nagdumating ang order ko ay agad ko nang nilagyan ng gravy yung chicken, hindi ko alam pero nagcre-crave talaga ako rito.

Kumain na kami at nang matapos ay nagpahinga saglit bago ulit bumyahe. Kinukulit ko sya kung saan ba talaga kami pupunta dahil ilang oras na, pero kahit anong kulit ko ay ayaw nya paring sabihin sakin.

"Suprise nga eh, Pano magiging suprise kung sasabihin ko?"

"Bat kasi ang layo? Ilang oras na tayo oh." Sagot ko sa kanya, Sumulyap lang sya sakin bago bumuntong hininga at umirap. Ilang saglit lang ay tumigil na ang sasakyan, sumilip ako sa bintana at nakitang mayroon nang mga bundok na makikita at mga rock formations. Bumaba na agad si yuen sa kotse kaya bumaba narin ako. Nakaparada kami banda sa bahay na nasa baba noong bundok.

Kinausap pa ni yuen yung babae at may binayaran pa yata sya bago kami pinayagan na umakyat.

Nang magumpisa na kaming magtrek ay hindi naman ako nahirapan dahil hindi masyadong malubak yung daanan pero noong umabot na kami ng 10 minutes sa pagtre-trek ay nahirapan na ako dahil may mga rock formations na.

Muntikan na akong madulas kaya hinawakan na ni Yuen ang kamay ko.

"Ito na nga isa sa mga pinakamadaling i-hike. Madadapa ka pa." Sabi nya sabay tawa. Iniripan ko lang sya at nagfocus na sa dadaanan. Ayokong madapa masakit din to.

"We are almost there." Sabi ni yuen sabay tingin sa wrist watch nya. Sa tingin ko nga ay mag 20 minutes na rin kaming naglalakad. Ang sabi nya kaninang nasa baba kami ay 25 minutes so malapit na nga kami.

Nang dumating na kami sa Osmena peak ay namangha ako. Kitang kita ang nga rock formations, Ang mga farms at higit sa lahat ay ang dagat. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko habang nakatingin parin sa view. Ang ganda! Worth it ang 25 minutes na pagod saka parang workout na din yon kaya okay lang.

Inabot sakin bigla ni yuen ang tubig at towel kaya kinuha ko naman at nag "thank you" sa kanya. Parang may yaya ako ah? Umupo ako sa may rock formation na nasa may bandang unahan dahil nga hapon na kami nakarating ay baka maabutan pa namin ang sunrise. Lumingon ako kay yuen na nasa likod ko at nakangiti habang nakatingin sa camera nya.

Nang mapansin nyang nakatingin ako ay agad nyang binaba ito.

"Ano yun?"

"Aabot ba tayo sa sunset dito?" Tanong ko. Tumingin sya sa wrist watch nya bago sumagot.

"Oo, Mga 5:23 daw ang sunset ngayong araw. 5 na rin naman kaya ilang minuto pa."

"Hmm." Sagot ko na lang habang tuma-tango.

"I don't know but I'm really bothered." Biglaang sabi ni yuen habang nakatingin parin sa view.

"About what?"

"Yung sa i like the view meme? Bakit walang leeg yung lalake?" Napakunot ang noo ko. I like the view meme?

"Hindi mo alam yun?!" Gulat na tanong nya. Grabe! Over reacting na.

"Yung "I like the view? You do?"

"Yep." Sagot ko. Hindi ko naman talaga alam kung ano yon.

"But you're my best view." Sabi ni yuen habang nakatingin sa akin. Naginit ang pisngi ko at nagiwas namg tingin. Akala ko ba meme yun?

"Ngi" Dugtong ni yuen sa sinabi nya kaya napatingin ako sa kanya at tumawa.

That Blazing Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon