Special Chapter

1.8K 31 2
                                    

Lia's POV

"Bat dito pa tayo dumaan?" Bulong sakin ni Kyla. Nandito kami ngayon sa Building ng mga Engineering, Mas malapit kung sa Kabilang building kami dadaan pero Free time na naman namin kaya wala nang problema kahit matagalan pa kami. Gusto ko rin kasi makita si Hiro. Iche-check ko lang pumasok. Ang alam ko kasi ay naospital daw sya nung nakaraan, Hindi naman sinabi kung bakit.

"Mainit doon, Dito may lilim." Palusot ko sa kanya. Umismid lang sya sakin.

"Wag ako. Gusto mo lang makita crush mo." Tinawanan ko lang sya at hindi na sinagot. May crush rin naman sya doon sa mga kaklase ni Hiro.

Kasunod na ang room nila Hiro kaya isiniksik ko ang mga takas na buhok ko at nilagay ito sa likod ng aking tenga. Handa na akong dumaan sa room nila at magtamang pacute lang ng may humarang sa daanan namin. Magagalit na sana ako kaso nakita ko si Kyle yung manliligaw ko. Ngumiti ako at bahagyang dumungaw sa likod nya pero hindi ko makita dahil sa sobrang tangkad nya.

"Hi, Lia!" Bati nya sakin. Ngumiti ako pabalik sa kanya.

"Hello, Kyle." Bati ko habang tumitingin pa rin sa likodan nya. Hindi pa naman sila nagsisilabasan, Alam ko ay free time din nila ngayon. Nagsimula na silang maglabasan, Nanlaki ang mata ko ng makita si Hiro. Napansin siguro ni Kyle na may tinitignan ako sa likod nya kaya hinaklit ko ang braso nya at pinaharap sya sakin baka ngumiti.

"Bakit? Wala na kayong klase?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti. Nakita ko sa peripheral vision ko na nandoon parin si Hiro habang may kausap na babae. Tumaas ang kilay ko. Bat nya kausap yon?

"Wala na, Free time din namin." Sagot nya sakin. Bahagya akong napanguso ng makitang hinaplos nung babae ang braso ni Hiro. Kailangan pang may pag haplos. Tumawa si hiro bago inabot na yung folder sa babae.

"Maharot." Bulong ko na narinig yata nila.

"Ha?" Tanong nya sakin. Napalakas ko ata. Naalala kong nasa harap ko parin pala si Kyle kaya ngumiti ulit ako sa kanya.

"Wala, ah! Naalala ko nga pala. Inutusan pa kami ni Kyla. Mauuna na kami." Sabi ko sa kanya bago hinila na si Kyla.

"Sayang rin yun si Kyle, teh. Civil Engineering, Basketball Varsity, Member ng Theater Club, May 6 pack abs, Marunong kumanta At Sumasayaw ng loveshot. Ayaw mo pa don?" Mahabang litanya ni Kyla na parang iniinganyo ako na sagutin si Kyle. Umirap lang ako sa kanya bago bahagyang tumawa.

"Kayo nga bagay,eh. Kyla At Kyle." Napahalakhak ako ng makita ang inis sa mukha nya. Ang pinakayaw nya talaga ang shini-ship sya sa kung sino. Kahit pogi pa yan o hindi no exception. Habang nagtatawanan kami ay nakita kong nakalagpas na pala kami sa room nila Hiro. Agad akong lumingon sa gawi kung saan ko nakita si Hiro kanina.

I stared back at his Jet black eyes. Willingly want to be lost in the darks of his eyes. Hs stared back at me slightly biting his lower lip while the girl infront of him keep on blabbering something. Bumaba ang tingin ko sa kamay ng babae na nasa braso parin ni Hiro. I stared again at him and caught him still staring at me. I glare at him before walking away.

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Kyla habang naglalakad na kami paikot sa mall. Kami lang munang dalawa ni kyla ang magkasama dahil nagcra-cram pa ng projects yung iba. Ewan ko ba sa mga iyon, Palagi ko namang pinapaalala sa gc kung kelan ipapasa ang kung anong project namin.

"Kahit saan na lang." Sagot ko sa kanya.

"Jollibee?" Umismid ako at umiling-iling.

"Wag don, Kasawa." Sabi ko sa kanya. Paulit-ulit na lang kasi kaming sa jollibee. Magiisang linggo na yata na puro kami Jollibee. Mura nga at masarap pero kasi baka mapurga na kami. Next week naman ulit.

"Mang inasal?" Umiling-iling ulit ako.

"Masyadong madaming tao Saka masyado masikip ang Mang Inasal." Sagot ko. bumuntong hininga lang sya bago nagisip pa ng ibang lugar na pwede naming pagkainan.

"Shakeys?"

"Mahal don."

"Sabi mo kahit saan tapos puro ayaw ka naman?!" Naiinis nya nang sabi nya sakin. Natawa na lang ako. Oo nga kanina pa pala ako tanggi ng tanggi.

"Shakeys na lang." Sabi ko sa kanya bago kunwaring hinaplos ang likod nya na parang pinapakalma sya. She just glared at me before walking faster leaving me behind. Natawa na lang ako pero agad din akong natigil ng makita na makakasalubong namin si Hiro kasama ang mga kapwa nya basketball players. Hinila ko si Kyla at tumalikod kami sa kanila. Baka tawagin ako ni Kyle at hindi nga ako nagkamali.

"Lia!" Tawag ni Kyle sakin. Dire-diretso lang ang lakad namin palayo sa kanila.

"Wait lang, dude. Tatawagin ko." Sabi nya. Nararamdaman ko na ang presensya nya sa likod namin.

"Lia" Tawag nya habang nasa likodan ko. Wala na akong magawa kung hindi humarap sa kanya at ngumiti.

"Hi kyle." Sabi ko. Ngumiti si kyle bago bumaling kay Kyla at ngumiti rin. Tumango lang naman si Kyla sa kanya.

"Gusto ka kasi makilala ng mga kasama ko, eh. Okay lang ba?" Tanong nya.

"Sure" Wala na naman akong magagawa dahil papalapit na sila samin.

"Ayan na ba yung nililigawan mo, Kyle?" Tanong nong isa sa kanila. Tinukso nila kaming dalawa. Nanatili lang akong nakangiti. Naramdaman ko ang paghawak ni Kyla sa braso indikasyon na Nahihiya na sya. Syempre, Mahigit Sampung lalaki ang nasa harapan namin ngayon. Bahagya rin kaming pinagtitinginan dahil mga may itsura naman sila lahat. Isa-isang pinakilala ni Kyle ang mga kasama nya. Ngumi-ngiti lang ako sa kanila at tinatanggap kapag naglalahad sila ng kamay ng umabot na sa banda ni Hiro ay naramdaman na ako ng pagkailang.

I'm here face to face with him, with our bodies just feets away. Nakatitig sya sakin kaya hindi ko maiwasang maglikot ang aking mga mata. This is the closes i have been with him after  noong magiging magkaklase kami which is years ago.

Inilahad nya ang kamay nya saakin. Naramdaman ko ang pamamawis ng kamay ko kayat patago ko itong pinunas sa palda ko. I stared at him closely. His hair slightly disheveled, His luscios red lips, His proud nose and his prominent jaw. Tinanggap ko ang kamy nya bago ngumiti.

"Akihiro Delacroix." I smiled at him. His eyes lowered to look at my lips as he bit his lower lip.

"Aliara Kaye Seranuez" Pagpapakilala ko.

"Nice meeting you." He huskily said. Naramdaman ko ang bahagya nyang paghigit sakin papalapit sa kanya. Parang hindi na ako makahinga. Our bodies are just inches away. My heart is beating so fast and i cant breath yet i managed to whisper.

"Nice meeting you too." Hindi nya ba ako maalala?



—————

Sabi nyo more school scene eh. HAHAHHAHA here you go!

May isa pang special chapter pero baka bukas ko na lang ipu-published.

That Blazing Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon