Chapter 12

2.1K 62 1
                                    

Natapos kami sa paghi-hike at nakita narin namin ang sunset. Hindi naman kami nahirapan sa pagbaba dahil nga nadaanan na namin ito kanina.

"Tubig?" Pagaalok ni yuen. Ngumiti ako sa kanya bago tinanggap ang tubig na binigay nya.
Pagkatapos ko uminom ay binigay ko din agad sa kanya.

Nang makababa kami ay nagaya si yuen na kumain muna bago pumunta sa Cambais falls.
Sumakay kami sa kotse at ilang saglit lang lang ay dumating narin kami sa restaurant na sinasabi nya.

Gawa sa bamboo ang restaurant. Mukha lamang syang bahay kubo pero noong pumasok kami ay hindi mo aakalaing ganoon ang itsura nya sa labas. Meron itong mga lamesang gawa sa kahoy, mga upuan na gawa sa kawayan at meron itong mga chandelier na gawa sa mga shells ang homey ng vibe ng restaurant at parang pilipinong pilipino.

Nang makaupo na kami ay si Yuen na ang nagorder, sa trip na ito ay wala pa akong nagagastos. Ako na lang ang magbabayad mamaya.

Nang dumating ang pagkain namin ay kumain narin kami matapos ay hiningi ko na ang bill. Nagcr lang si yuen para magbihis at maghugas nadin ng kamay.

"Mam bayad na po yung pagkain nyo." Magalang na sabi sakin nung staff, ngumiti lang ako at tumango kaya umalis narin sya. Pagbalik ni yuen ay agad kong pinalo ang braso nya.

"Hala bakit?" Gulat na gulat na tanong nya habang hinihimas yung braso nyang pinalo ko.

"Hindi mo ako pinagbabayad."

"Okay lang yan ako naman ang nagyaya saka ipangkain nyo na lang yan ng anak mo." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya at pinalo ko ulit sya. Anong anak?!

"Wala pa akong anak!" Sabi ko sa kanya at tinawanan nya lang ako. Umalis na kami sa restaurant at sumakay na sa kotse ni yuen.

"Malayo ba yon?"

"Hindi naman mga 15 minutes lang andoon na tayo. Mas maganda daw don kesa sa kawasan falls kasi mas onti ang tao." Sagot sakin ni yuen Tumango-tango ako.

Nang makarating kami ay agad akong hinila ni yuen at dinala sa may restroom. Masama ang tingin nya sa akin kaya pilit akong tumawa habang nakatingin sa kanya.

"Palit muna damit, bago tumalon."

Nagpalit na ako ng rushguard na dala ko at nagbikini bottom na lang. Paglabas ko ng restroom ay nakita ko si yuen na nagaantay. Wala syang suot na damit kaya nakikita ang kanyang abs. Binilang ko na naman ito sa isip katulad ng ginawa ko dati. 8. Nakasuot sya ng board shorts habang ang buhok nya ay magulo na.

Nang makita nya ako ay agad syang umayos ng tayo.

"Tara na." Sabi nya at naglahad ng kamay na tinanggap ko naman. Nagaya syang mag canyoneering kaya pumayag ako. I want to try things I haven't tried before. Enjoy life or something? When we tried canyoneering of course I'm scared at first, mas mataas kasi to.

He held my hand, i looked at him and he smiled.

"Sayang bayad, talon na natin to." Natawa ako dahil sa sinabi nya. Akala ko pa naman ay kung anong seryoso. Nang bumagsak kami sa tubig ay hinila nya ako papalapit sa kanya.

Nakatitig lang sya sa mga mata ko bago ito bumaba sa mga labi ko. He leaned forward and he kissed me.

Dumaan ang ilang araw at araw na ng pagalis ko. Hindi namin pinagusapan ang tungkol aa paghalik nya sa akin. I certainly think that he just got carried along. Nung byahe namin pauwi ay hindi kami nagkibuan pero nung makauwi kami dito ay okay na naman sya, parang walang nangyari. Sa tingin ko ay nacarried away lang talaga sya kaya nangyari iyon.

"Tapos ka na magimpake?" Tanong ni yuen bago sumilip sa pinto ko. Napangiwi sya nang makitang nasa kama ko parin yung mga damit ko. Yung ibang nasa maleta ko ay hindi ko na tinanggal kaya Isang maleta na lang ang iimpake.

Tinulungan ako ni yuen magimpake. Pupunta pa dito yung mga pinsan nila para raw ihatid ako. Sinabi kong wag na pero pinipilit nila kaya wala narin akong magagawa.

"Lia!" Sigaw ni Aeisha at Kathleen habang papasok sa condo ko at nagkukunwaring umiiyak.

"Wag ka nang umalis, sayang tong condo saka umiiyak na ako. Can you see my tears?" Sabi ni Aeisha sabay turo sa pisngi nya na wala namang luha. Ngumuso ako at nagkunwaring naawa.

"Aw." Sabi ko sa kanya at hinimas pa ang likod nya. Nagkunwari pa syang humihikbi at yumakap pa sakin. Hindi ko napigilang matawa dahil sa kanya.

"Tama na yan, Aeisha. Jusko naman maawa ka!" Sabi ni Kathleen.

"Maawa ka din samin. Ang tanda tanda mo na" Dagdag ni yuen. Kumalas sa pagkakayakap sa akin bago sumagot sa kuya nya.

"Excuse me no! I just turned 18!"

"Kaya nga! Matanda ka na" Asar pa ni yuen. Hindi sila natigil sa pagaasaran hanggang sa sabunutan na ni Aeisha si Yuen natawa na lang ako at tumingin sa orasan. Ilang oras na lang pala.

Nanood kami ng movie sa netflix na "The Rim of the world" Matapos yon ay nagayos na ako.

"Dinala na namin sa sasakyan yung maleta mo." Sabi ni yuen sa akin habang inaayos ko ang sapatos ko. Nang matapos kong itali ang sintas ko ay tumayo na ako at kinuha ang slingbag ko.

Hinatid nga nila ako papuntang airport gamit ang kotse ni yuen. Nang makarating kami sa airport ay bumaba na ako at tinulungan nila ako sa mga maleta ko.

Niyakap ako ni Aeisha, bahagya pa akong natawa pero yumakap pabalik. I think she got too attached to me.

"I will miss you ate. Balik ka dito."

"Oo nga bumalik ka dito. Sayang condo." Sabi naman ni kathleen bago tumawa. Sa totoo lang ay sayang talaga iyon. Wala pang isang buwan ay naglipat-lipat na ako nang lugar.

Nang bitawan ako ni Aeisha ay hinila naman ako ni Yuen at niyakap. Inaasar naman sya nila Aeisha at Kathleen na tinawanan ko na lang. Niyakap kong pabalik si yuen.

"I will miss you." Bulong ni yuen habang nakayakap parin sakin.

"I will miss you guys too." Sagot ko. I will miss them my friends, all of them.

That Blazing Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon