Chapter 19

2.1K 42 1
                                    

Nakauwi na kami at hindi nagsasalita si Kyla. Alam kong tutol sya sa desisyon ko na wag sabihin kay hiro na buntis ako pero wala naman syang magagawa. Tahimik lang sya habang nilalagay ang gatas sa ref.

Pumasok si yuen sa kusina at tinignan kaming dalawa ni kyla nang nagtataka. Lumapit sya sakin at bumulong.

"Nagaway kayo?"  Parang hindi naman away iyon pero galit si kyla o naiinis kaya baka nga.

"Medyo."

"Yari ka dyan. Ano bang pinagawayan nyo?"

"Si hiro." Nawala ang ngiting mapangasar sa mga labi ni Yuen. Kumunot ang noo nya at tumitig sakin na parang sinisugro kung tama ba ang pagkakarinig nya sa sinabi ko.

"I saw hiro and he asked me kung siya ang ama ng dinadala ko at sinabi kong hindi."

"Bakit naman? He deserves to know, Anak nya parin yan."

"That's what Kyla said, pero ayoko sabihin kasi kasal na sya. Baka nga buntis narin si mary at ayokong manira ng pamilya."

Kung hindi ko lang nalaman na ikakasal sya noon ay hindi ako aalis sa Maynila. I'm hurt but I'm thankful because i left Manila and i got to know Yuen, Kathleen And Aeisha. I got to saw My dad again and i would have a kid that i would love forever.

"Kailangan nyang malaman, lia. He's the father and do you want your child to live without knowing who his father is?"

"Ayoko pero ayoko ding tratuhin ang anak ko na anak sa labas." Isa iyon sa mga bagay na iniisip ko dahil kasal na si hiro ay pwedeng ituring nila ang anak ko na anak sa labas at tratuhin akong kabit.

"Nevermind, i can be the father of your child if you want to." Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi nya pero hindi man lang sya ngumiti o tumawa matapos nyang sabihin iyon. What the?

"Seryoso?" Nakataas na ang kilay na tanong ko sa kanya. Yuen is used to joking but i think this is not a good joke. Nagulat ako ng bigla syang tumawa. Knew it nagbibiro lang sya kasi kung totoo man yun ay tatanggihan ko sya. I don't want my child to grew up without a father but i dont want my child to grew up to know yuen as his father when he is not. Baka isipin nya pang niloko ko sya. Niloko namin sya.

"Pang tito lang ako o kaya ninong." Sabi parin ni yuen habang tumatawa. Tapos na sa paglalagay ng gatas si kyla, pumunta sya sa living room at umupo sa sofa. Nakatinginan kami ni yuen at agad sumunod sa living room. Umupo ako sa tabi ni kyla at hinawakan ang braso nya.

"I'm sorry, i know i need to tell yuen but i just-" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng mag salita si Kyla.

"I'm sorry too. Dapat hindi kita pangunahan dahil anak mo yan at ikaw ang dapat magdesisyon." Niyakap nya ako at niyakap ko sya pabalik.

"Oh bati agad?" Malokong sabi ni yuen, tinawanan lang namin sya ni kyla bago umakyat sa taas.

Nagbrow-browse kami sa netflix at naghahanap ng mabinge watch. Wala na naman kaming gagawin sa bahay kaya napagdesisyonan na lang naming manood.

"Narinig ko yung sinabi ni yuen kanina." Biglang sabi ni Kyla. Kumunot ang noo ko. Anong sinabi? Madaldal yun kaya masyadong madaming sinasabi yun eh.

"Sinabi na?" Tanong ko. Tumingin sya sakin ng seryoso.

"About him being the father of your child."

"Nagbibiro lang sya non." Sagot ko. Totoo naman na nagbibiro lang sya he even laughed it off napansin nya siguro hindi magandang joke iyon.

"Hindi. You still don't know that he likes you?" Si yuen may gusto sakin? Akala ko kay kyla sya may gusto? The way he looks at kyla parang may iba eh. Ewan ko ba, Napapansin ko lang na parang may gusto sya kay kyla.

"Yuen likes me? Imposible Ang alam ko sayo sya may gusto?" Sagot ko habang natatawa na.

"No, sayo sya may gusto. Hindi yun magtatangkang gustuhin ako baka masuntok pa sya ni jared." Sabi ni Kyla habang nakangiti. Kumunot ang noo ko. Jared? As in Dr Jared?

"Wait jared? Yung doctor ko?"

"Yep." Sabi nya bago tumawa. Nakapili na kami ng papanoodin at isa itong kdrama about sa app na uma-alarm kapag nasa malapit ang taong nagmamahal sayo. We watched 3 episodes before deciding to bake chocolate chip cookies.


Weeks passed at papunta na kaming ospital. 3 days na lang at due date ko na. Nagcra-cramps narin yung tyan ko kaya napag-desisyunan namin na doon na muna ako sa ospital para hindi mahirapan na tumakbo papunta rito mula sa condo kapag manganganak na ako. Kanila yuen naman tong ospital kaya okay lang.

"Nadala na ba lahat?" Tanong ni kyla habang chini-check ang bag na naglalaman ng mga gamit ko.

"Oo, Nilagay ko na dyan yung mga sinabi mo." Sagot ni yuen habang nakatitig parin sa pagdrive. Nakaupo si Kyla sa shotgun seat habang ako naman ay nasa likod. Hindi kasi ako pwede sa harap dahil nga buntis ako.

Nabigla ako ng makaramdam ako ng korotsa tyan ko. Hinimas ko ito at huminga akong malaim. Napansin siguro ni Kyla na sumakit ang tyan ko kaya lumingon sya sakin.

"Okay ka lang lia?" Tanong nya. Sasagot na sana ako ng lalong sumakit ang tyan ko kaya napasigaw na ako.

"Shit bilisan mo yuen!" Sigaw ni Kyla kay yuen. Binilisan naman ni Yuen ang pagdrive at parang natataranta na.

"Bilisan mo manganganak na si lia!" Sigaw ulit ni Kyla nang mapahiyaw ulit ako sa sakit.

"Oo! Wait!" Sigaw ni yuen. Pagdating namin sa harap ng ospital ay sumigaw na si yuen sa mga staff na kumuha ng stretcher agad akong binuhat papunta roon. Hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. Tanging ang sakit lang mula sa tyan ko ang nararamdaman ko.

Pinasok na ako sa ER. Pinahubad sakin ang mga damit ko at kahit sobrang sakit na ng tyan ko ay pinilit ko parin hubarin iyon pinasuot sakin ang isang bistida na kulay blue bago ako inihiga. Hindi ko na maalala ang nangyari ang naririnig ko na lang ay iyak ng aking anak.

That Blazing Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon