"Lia!" Sigaw ni Yuen. Lumapit sya sakin habang hawak-hawak ang isang kape mula sa starbucks.
"Uy" Tanging nasabi ko. Inilibot ko ulit ang paningin. Nasaan ba yun si Kyla? Sabi nya nasa starbucks sya? Tinignan ko ang counter ang mga bench pero hindi ko sya nakita. Nagulat na lang ako ng nasa harap ko na si Yuen na nakangiti.
"Nami-miss ka na daw ni Aeisha kaya pumunta kami dito tapos naalala namin na hindi namin alam kung pano ka contact-in" Tumawa sya.
"Oo nga. Hindi ko kasi naibigay ang number ko o kahit address man lang." Naalala ko ngang wala man lang silang ibang nalaman sakin maliban sa pangalan ko. Kahit contact number, social media accounts ay hindi nila alam. Sabagay, One week lang naman ako doon.
"Ate lia!" Sigaw ni Aeisha nang makita kami ni yuen. May hawak din syang starbucks coffee hababg tumatakbo papalapit samin. Natawa na lang ako dahil sa pagtakbo nya ay muntikan nya nang matapunan yung taong nabangga nya. Nang tuluyan na syang makalapit ay niyakap nya ako.
"Ate namiss kita! Pinilit ko talaga sila kuya na puntahan ka dito kasi kahit skype hindi namin alam eh." Natawa ako dahil paano na lang kung hindi nila ako nakita dito sa airport? Hahanapin nila ako sa buong singapore? Mamaya hindi pa nila alam ang full name ko. Mahihirapan sila. Tinanggal na ni Aeisha ang pagkakayakap sakin. Lumingon-lingon ako para hanapin si kathleen at pati narin si Kyla.
"Nasan si Kathleen? Sinama nyo ba?" Tanong ko. Baka sila lang ang pumunta?
"Oo, nandyan lang yun" Sagot ni yuen at nagkibit balikat.
"Kuya! Iniwan ko pala kay ate kathleen lahat ng gamit natin!" Biglang sigaw ni Aeisha. Kawawa naman si kathleen pero hindi ko rin maiwasang matawa. Naiisip ko pa lang na sya lang magisa habang may mga maleta at bag. Ewan ko ba natatawa na lang ako.
"Tara puntahan na natin." Sabay hila sakin ni yuen. Pipigilan ko na sana kasi hahanapin ko pa si Kyla, Mamaya ay nagwawala na yun dahil kanina pa sya nandito. Pumunta pa naman sya rito para sakin tapos hindi ko sya susundo?
"Wait lang!" Pigil ko pero hindi ako pinansin ni Yuen at diretso lang kaming naglakad papuntang bench. Nakita namin si Kathleen na nakatayo habang nasa likod ang Limang maleta at dalawang body bag. Masyado silang madaming dala, ilang araw ba sila dito?
Noong papalapit na kami ay napansin ko rin ang isang pamilyar na pigura. Nanlaki ang mata ko at tinanggal ang pagkakahawak sakin ni Yuen.
"Lia! Dito si Kathleen!" Tawag sakin ni yuen pero hindi ko na sya pinansin at nagtuloy-tuloy papalapit kay Kyla. Nakitang kong namumula na si Kyla dahil sa inis, kitang kita kasi agad ang pamumula dahil nga maputi sya. Noong makita ako ni kyla na papalapit sa kanya ay tinaasan nya ako ng kilay. Oh shit!
"Gaga kq! Kanina pa ako nagaantay dito te! Sabi ko Malapit sa may starbucks sa may bench. Binaba mo kasi agad." Reklamo nya. Kinuha ko ang isang body bag nya dahil baka nabibigatan na sya pero hinablot nya ulit ito mula sa akin at binuhat.
"Bawal, mabigat. Buntis ka diba?" Pagpapaalala nya na parang hindi ko alam na buntis ako. Of course i know pero hindi pa kasi ako nagpapacheck-up kaya hindi ko pa alam ang mga bawal.
"May schedule ka na ba?" Tanong sakin ni kyla. Yun na nga eh. Kahit schedule ay wala pa ako. Maliban sa pregnancy test na ginawa ko ay wala na.
"Wala pa nga eh, Kasi hindi pa alam ni daddy baka pag chineck nya ang card history ko ay magulat sya." Ayokong biglain si daddy dahil baka kung anong mangyari. Naghahanap pa ako ng tyempo kung kelan ko sasabihin.
"Just say than you have an irregular menstruation kaya ka magpapacheck." Nagkibit balikat na lang ako hindi sumagot. Papalapit na kami kanila yuen kaya hinawaka ko ang braso ni Kyla. Ipapakilala ko sya. Sayang din ang pagpunta nila yuen dito kung tatakasan ko lang sila.
Saka wala naman akong dahilan para takasan sila, i mean pake ba nila kung buntis ako? Wala namang masama dahil im already 22. Hindi pa nga lang graduate pero I'm already in the right age.
Nang makalapit kami ay ngumiti si Aeisha at Yuen kay kyla pero si Kathleen ay nanatiling nakataas ang kilay. Hala?
"Kyla, Si Yuen, Aeisha At Kathleen. Nakilala ko sa Cebu." Pagpapakilala ko sa kanila. Nagpakilala silang lahat at umalis na kami. Nakapagbook na sila Yuen ng hotel, buti na lang na malapit itosa condo na tinutuluyan ko. Si Kyla naman ay sa condo ko na muna.
Kinuha ni yuen ang number ko pati address bago sila umalis. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni kyla habang papunta sa condo.
"Ayun bang lalake ang sinasabi mo kaya hindi mo sigurado kung si Hiro ba ang ama ng baby?" Tanong ni Kyla habang nakatingin lang sa bintana. Naalala ko na sinabi ko nga sa kanya iyon.
"O-oo sya nga." Pagsisinungaling ko. Hindi na muling nagsalita si Kyla sa loob ng byahe. Naninibago ako dahil palagi syang madaldal siguro ay may iniisip lang sya.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Condo ko. Nagpatulong pa kami sa bell boy para maiakyat ang gamit ni Kyla.
"Ako na ang magsche-schedule sa iyo. May nahanap ka na bang ospital o clinic?" Tanong ni kyla habang nasa elevator kami.
"Wala pa." Sagot ko. Bumukas na ang elevator kaya nauna na akong lumabas. Nakita kong Lalong namula yung mukha ni kyla kaya agad kong tinype ang passcode ko bago binuksan ang condo ko. Baka bigla na lang sya sumabog sa inis dito sa labas. Kaya agad na kaming pumasok. Pinasok na din ng bellboy ang mga gamit ni kyla. Nagpasalamat ako at nagbigay ng tip. Inantay ni kyla na masarado ko ang pinto bago sya nagsalita.
"Lia! Buntis ka! Why are taking this so lightly?! Buntis ka! Hindi mo alam kung sino ama! Hindi ka pa nakakagraduate! Hindi pa alam ng daddy mo. Andaming problema, oo pero you should check your baby first if he's healthy or what-"
Hindi natapos ni Kyla ang sinasabi nya ng mapansin nyang may nakaupo sa sala ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang si daddy iyon. Lumingon sya sakin kita sa mata ang disappointment."Buntis ka, lia?" Tanong nya. Sabi ko ay hahanap ako ng tyempo eh!
BINABASA MO ANG
That Blazing Night (COMPLETED)
RomanceAliara Kaye Seranuez, A girl who has a long Hidden Desire with Akihiro Delacroix. That Blazing night happened and She thought that things would be forgotten if she will leave but as she tries to forget, Memories of that night keeps on coming back t...