Hindi ako makapaniwalang buntis ako nanatili lang akong nandoon sa loob ng cr habang hawak-hawak ang pregnancy test na ginamit ko. Anong gagawin ko? Magagalit si daddy. Hindi pa ako tapos magaaral, ikakasal na si hiro.
Gamit ang isang kamay ay hinila ko ang buhok ko. Bakit hindi ko naisip na pwedeng mangyari ito? Hindi sya gumamit ng proteksyon at lalong hindi ako uminom ng pills kaya may posibilidad talagang may mabuo.
"Lia" Narinig kong tawag sakin sa labas, Agad akong naghanap na mapagtataguan ko neto. Shit!
Hindi ko pwedeng ilagay sa basurahan rito kasi agad itong makikita. Nataranta na ako at nagpaikot-ikot na sa loob ng cr. Tinaas ko ang salamin ko kung saan nakalagay ang mga skincare at iba pa. Nilagay ko ito doon bago dali-daling lumabas.
Nakita ko si daddy na nakaupo na sa may sala. Nakakunot ang noo na lumingon sa akin.
"Bakit ang tagal mo lumabas?Kanina pa kita tinatawag." Masungit na sabi ni papa. Papa really is moody.
"I'm Peeing." Nasabi ko na lang tumaas ang kilay nya pero hindi na nagtanong ulit. Pumunta sya sa kusina at tinignan ang ref ko.
"Kumain ka na?"
"Opo. Bago ako umuwi." Pagsisinungaling ko.
"Okay. Naipasa mo na ba yung financial report?"
"Hindi pa po. Nandoon pa sa lamesa ko."
"Uuwi na ako, Matulog ka na." Sabi ni daddy bago tuluyang lumabas. Inilock ko naman ang pinto bago pumasok ulit sa cr.
Hindi ko pwedeng iwan to dito. Madali lang tong makita pero ipapaalam ko rin naman kay daddy na buntis ako. Hindi lang ngayon pero magagalit si daddy.Napapadyak ako bago lumbas ng cr. Nalilito na ako! Hindi ko alam ang gagawin ko! Binuksan ko ang cellphone ko at tumawag kay kyla. Ilang ring lang ay sinagot nya na.
"Hello te?! Ikaw ba yan, lia? After a month wow." Sarcastic na bungad sakin ni kyla. Napabuntong hininga na lang ako. Kahit kailan talaga.
"May emergency kaya ako tumwag, Kailangan ko tulong mo." Sagot ko. Narinig ko naman ang tawa nya sa kabilang linya. Hay nako talaga!
"So kilala mo lang ako kapag kailangan mo ako?" Kunwari pang nagdrama sya.
"Hindi naman sa ganon." Hindi na naitago ang pagkalito at pagkainis sa boses ko. Hindi ko na alam talaga ang gagawin ko. Tungkol dito naman ang course nya kaya may maitutulong sya sakin.
"Joke lang. Ano ka ba? Ano ba yang emergency mo?" Sabi nya at sumeryoso na.
"Nasa singapore ako at Bun-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang sya sumigaw.
"Singapore?! Akala ko ba sa Cebu ka lang?!"
"Pumunta naman akong cebu pero basta madaming nangyari." Hindi ko maikwento lahat sa kanya dahil mahal din ang bayad para sa international call. Pwede siguro kaming mag skype o kung ano.
"Okay, So Anong emergency sa Singapore?" Tanong nya.
"Buntis ka?! Gaga! Sinong nakabuntis sayo fictional character?! Wag mo akong pinagloloko lia!" Sigaw ni kyla. Nilayo ko bahagya ang cellphone sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng boses nya.
"Totoo kyla." Sagot ko. Tumigil na sya sa pagsigaw kaya nilapit ko ulit ang cellphone ko sa tenga. Napabuntong hininga si kyla.
"Okay. Sinong ama? Kasama mo ba? Paninindigan ba?" Sunod sunod na tanong nya. Bakas ang pagaalaa sa boses.
"Hindi ko kilala." Pagsisinungaling ko sa kanya. Sana lang ay hindi nya maalala yung kay hiro.
"Hindi ba si hiro?" Tanong nya sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang tumulo ang luha ko. Dahil ba sa pagkakarinig ng pangalan nya? Hindi ko napigilang mapahikbi kaya agad na nag hysterical si Kyla.
"Gagong yun! Marunong gumawa pero pag nakabuo iiwan?! Asan si hiro?" Tanong nya sa kung sino mang kausap ni kyla. Rinig ko ang pagtunong ng heels na suot nya.
Nanlaki ang mata ko nang malaman kung anong gagawin nya shit! Ayokong ipaalam dahil ikakasal na sya!"Kyla! Kyla wait! Kyla!" Paulit-ulit na tawag ko sakanya. Huminto ang pagtunog ng heels nya ibig sabihin na huminto sya sa paglalakad.
"Ano?!" Sigaw nya. Halatang naiinis sya dahil akala nya hindi paninindigan ni Hiro.
"Huwag mong sabihin. H-hindi ko sigurado kung sya ang ama." Pagsisinungaling ko dahil kung sinabi kong si Hiro ang ama nito ay sigurado akong ipagsisigawan ni kyla ito kay hiro para ipaalam sa kanya. Alam nyang mahihirapan ako rito dahil magisa lang ako.
"Pero kahit na lia! Paano kung sya talaga ang ama diba? Saka paano ka hindi nakakasigurado eh sya lang-" Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at nagsalita na ako.
"Hindi kyla. May iba. Saka ikakasal na sya. Hayaan na natin sya please." Napabuntong hininga si kyla bago nagsalitang muli.
"Kahit hindi mo sigurado ay kailangan mo parin ipaalam sa kanya lia. Kahit hindi nya tanggapin. Kahit pa ikasal sya sa ibang babae. Kung anak nya yan, anak nya. Ano bang balak mo sa bata? Are you going to keep it or not?"
"I'm keeping it. Kahit magalit pa si daddy." Desidido kong sabi. Kahit anong mangyari ay anak ko ito at buhay rin ito. Hinimas ko ang tyan ko.
"Sasamahan kita dyan."
"What do you mean?" Kunot ang noo kong tanong. Sasamahan sa?
"Sasamahan kita dyan sa singapore. Tungkol sa pakiusap mo kanina Hindi ko maipapangakong hindi ko kay hiro." Bago nya ibinaba ang tawag. Sana hindi sabihin ni kyla. Matapos ang tawag ay naglinis na ako nang katawan at nahiga sa kama.
"Kaya ko ba itong magisa? Kaya ko bang palakihin sya? Hindi pa ako graduate at baka itakwil din ako ni papa. Kaya ko ba syang palakihin?" Tanong ko sa sarili ko. Ang kaninong determinasyon ko kanina habang kausap si kyla ay biglang nawala. Naisip ko ang lahat ng mga pwedeng mangyari kapag nalaman ito ni papa. Sa sobrang pagiisip ay hindi ko na namalayang nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Agad kong isinagot ito.
"Hello?! Kanina pa kita tinatawagan! Sunduin mo ako sa airport" Napagtanto kong si Kyla yun kaya agad akong napabangon. Shit! Tinotoo nya nga ang sinabi nyang sasama sya.
Nagbihis lang ako ng isang plain white shirt, Blue high waist ripped jeans at white sneakers. Itinali ko na lang sa ponytail ang basa kong buhok na hindi ko na nasuklay ng maayos.
Tumunog ulit ang cellphone ko habang nagdri-drive ako. Hinayaan ko na lang na tumawag ng tumawag si kyla. Ayokong mabangga. Nang nagred light na ay sinagot ko ang tawag nya at niloud speaker ito.
"Antagal! Kanina pa ako dito!" Bungad nya. Hay nako. Hindi na ako sumagot at nagparking na lang sa airport. Kinuha ko na ang cellphone ko bago lumabas ng kotse.
"Asan ka banda?"
"Dito lang sa may starbs." Sagot nya. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Kyla pero iba ang nakita ko.
"Lia!" Sigaw ni yuen.
BINABASA MO ANG
That Blazing Night (COMPLETED)
RomanceAliara Kaye Seranuez, A girl who has a long Hidden Desire with Akihiro Delacroix. That Blazing night happened and She thought that things would be forgotten if she will leave but as she tries to forget, Memories of that night keeps on coming back t...