Chapter 5

2.9K 97 6
                                    


Palapag na ang eroplano namin Habang Tulog na tulog pa si Yuen. Paano kasi kanina pa sya Daldal nang Daldal, Kwento nang kwento. Dinaig pa ako. Sister yata talaga ito. Akala mo kasi Hindi sya napapagod Sa Kakasalita, 1 hour lang naman at nandito na kami sa Cebu Pero Sa 1 hour na yon, Saglit Lang sya tumigil Ka-kasalita.


Si Hiro hindi sya madaldal, Tahimik sya pero pag Dating Sa Babae Magaling Mambola. Kilala ko na sya Junior High pa lang kami.


FLASHBACK


"May transferee daw oh! Lia gwapo daw! hindi ko pa nakita pero Madami nang nagsabi kaya baka nga totoo! Sa wakas may dahilan na ako para pumasok." Sabi sakin ni Krissa kaklase ko sya At Grade 8 pa lang kami pero si Krissa ay may pagkamature o baka Nagmamadali at gusto nya na agad Mahanap ang forever nya. Ang bata bata pa lang namin.


"Baka" Bored na sagot ko. isasama nya nanaman ako sa kalokohan nya, noong nakaraan sabi nya mag mamall kami tapos hindi naman. boy hunting ang nangyari eh.


"Che! Bala ka Lia! Pag ikaw nag ka-crush Don Babatukan kita! Ako nauna doon." Sigaw nya at nagwalkout yan dyan. Dyan sya magaling Magwalk-out.


Naglakad nako papuntang canteen, break na namin ngayon. Hawak hawak ko ang mga Libro ko at ang bag ko naman ay nasa likod ko. Hinahanap ko si Krissa dahil nauna syang lumabas ng room.


Naglalakad ako habang hinahanap padin si krissa nang may naapakan ako na parang madulas kaya Na-out of balance Ako pero may Gwapong lalaki ang tumakbo at nahawakan agad ang kamay ko kaya hindi ako nahulog.


Umayos agad ako nang tayo, binitawan nya naman agad ang kamay ko kaya kinuha ko na ang mga libro Kong nahulog.


"Sa susunod kasi Magingat ka" Malamig nyang sabi sakin saka umalis. O-kay? Anong Problema non?Pero kahit seryoso sya at parang galit Ang gwapo parin nya? Bat ngayon ko lang siya nakita dito? Nanatili akong Nakaestatwa Inalala ko yung Boses at sinabi nya.


"Sa susunod Kasi Magingat ka"


Omegash!Ang gwapo pati nang Boses nya ang husky tapos may pagkamalalim tapos pak na pak ang Face Ni kuya. Nahawa na talaga Ako kay Cristian na kakambal ni Krissa Sa mga words Ko.


Black na black ang Kanyang Buhok tapos nakataas to. Maputi rin sya tapos may pagkachinito, Yung Ilong ang Tangos tapos yung Labi nya Mamula-mula parang naka lipstick.


Ang gwapo nya talaga! Pinulot ko na yung mga natitira Kong libro at tumayo Magre-recess pa nga pala ako. Muntik ko nang makalimutan. naglakad ako papunta sa canteen nang Biglang Tumunog ang Bell.


Nag bell na. Inis na napapalo na ako sa noo ko. hindi pa ako nagrerecess! Diet na naman ako? Tinakbo ko na papunta sa Classroom, noong nakarating ako ay tinignan ko agad kung may teacher na. buti na lang at wala pang teacher.


"Dai, Bat di ka sumunod sa canteen?" Tanong ni krissa umiling na lang ako. Tumunganga pa kasi ako alam ko naman na 15 minutes break lang!


Pumasok na yung teacher na agad naman naming binati.


"Okay class, You have a new classmate" Sabi ni Sir sa amin.


"Sana chics pre, Para may chic naman dito Sa Section C. walang Chicks eh." Bulong nung Isang kaklase kong lalake.


Tumango si Sir banda sa pintuan at tumango pumasok ang isang lalake. Nung humarap sya nagulat ako dahil sya yung lalake Kanina sa canteen.


"Introduce yourself" Masungit na sabi ni Sir. Ngumiti sya at tumingin sa akin at kumindat nagtilian naman agad ang mga kaklase kong Babae. Makasigaw! Kayo Kinindatan? Kayo?


"Akihiro Delacroix, Pleased to meet you" Sabi nya nang na katingin pa rin sakin. Tumingin si Sir na parang naghahanap nang upuan walang nang ibang available Kundi yung katabi ni Sheila na nasa likod ko hindi pa sinasabi ni sir ay Umupo na sya sa tabi ni sheila at Nginitian niya si Shiela.


"I'm Hiro. I Can Be Your Hero, I'll Save You From Heartbreak just Love me And You'll be Saved." Sabi nya nang nakangiti habang nilalahad nya ang kamay nya. Tinanggap naman ito ni sheila at Nag Ngitian Sila. Napakunot ang noo ko. Okay. Assuming Ako. Akala ko ako yung kinandatan takte!napailing na lang ako sa sarili.



That Blazing Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon