Lumipas ang ilang buwan at 1 buwan na lang ay manganganak na ako. Sa pagbubuntis ko ay hindi ako iniwan ni Kyla at Yuen. Noong nalaman ni yuen na buntis ako sa ospital ay hindi na sya nagtanong ng kahit ano na ipinagpasalamat ko.
"Kumain ka na." Sabi ni Kyla sabay lapag ng vegetable salad sa harap ko. Napatingin ako sa pagkain ng may pagkadisgusto. Ilang araw na akong pinupurga ni Kyla sa gulay.
"Just eat, it's for the baby." Hindi na ako nakasagot at bumuntong hininga na lang bago tuluyan ng kumain. Pumasok si Yuen na nakatingin sa kinakain ko. Ngumuso ako para magpaawa. Sa ilang buwan ay naging close narin sila yuen, Aeisha At Kathleen kay Kyla. Kinuha nila yung katabing condo kaya magkapitbahay na kami.
Nalaman din namin na kanila yuen pala iyong ospital na iyon at Pinsan ni yuen Si Dr. Jared. Kaya lalong naging close sila dahil doon din sa ospital nila ng OJT si Kyla.
"Pwede namang hindi na vegetable salad ang kainin ni lia, She's been eating that for a month now." Sabi ni Yuen kay Kyla. Nanlaki ang mata ko. Shit! Dapat pala hindi na, mamaya magaway sila.
"It's good for the baby, One month na lang and she will give birth the baby has to be healthy." Sagot ni Kyla. Pinagkrus nya na ang mga braso nya na ginagawa nya kapag nagdedebate. Yumuko na lang ako at kinain na yung vegetable salad.
"Oo nga, Maganda nga ito para sa baby pero the baby needs another vitamins. He needs meat, proteins."
Gusto kong makiawat at sabihing okay na, kinakain ko na pero baka ako mapagbuntonan kaya hindi na ako nagsalita.
"Sino ba ang nagaaral ng o obgynecology sating dalawa? Hindi bat ako? I know what's good for the baby."
Tumalikod na si Kyla at humarap sakin. Tinanggal nya na ang pagkakakrus nang mga braso nya kaya okay na siguro sya?
"Let's shop for some milk mamaya. You need to walk for awhile para hindi ka masyadong mahirapang magdeliver." Tumango lang ako at tinapos na ang pagkain ko. Bago umakyat sa kwarto at nagayos nang sarili. I walked passed the mirror and i saw myself.
I rubbed my tummy. Malaki na sya kaya hindi na kasya ang mga damit ko dati. Bumili kami ng mga maternity dress at iba pa. Nang matapos mag ayos ay bumaba na ako at nakita ko si Kyla na nakaupo sa sala. Nang makita nya ako ay tumayo na sya at inalalayan ako pababa ng hagdan.
Sumakay kami sa sasakyan at si Kyla at nagdrive papunta roon.
"Ang bibilhin lang natin ay Milk at Kape. Kung may gusto ay sabihin mo lang para mabili natin." Sabi ni kyla habang papasok kami. Noong unang limang buwan ko ay hindi naman ako naging mapili sa pagkain at wala pang cravings pero noong umabot na si baby sa 7 months grabe. Ang dami ko nang gustong kainin umabot pa sa punto na tinago ni kyla ang mga pagkain na hindi ko dapat kainin.
Nasa milk section na kami ng bigla akong magcrave sa Almonds. Medyo malayo ito pero pinuntuhan ko na. Abala parin sa pagkuha at pagpili ng gatas si Kyla dahil out of stock na yung dating brand na binibili namin.
"Almonds." Sabi ko habang lumilingon sa mga aisle kung saan iyon. Nakadating na ako sa may snacks section. Alam ko ay nandito talaga yun.
"Almond, Almonds" Banggit ko habang iniisa-isa pa ang mga nakadisplay.
"You're looking for these?" Sabi ng isang pamilyar na boses. I turned my head and i saw the father of my child smiling at me.

BINABASA MO ANG
That Blazing Night (COMPLETED)
RomantikAliara Kaye Seranuez, A girl who has a long Hidden Desire with Akihiro Delacroix. That Blazing night happened and She thought that things would be forgotten if she will leave but as she tries to forget, Memories of that night keeps on coming back t...