Continuation 3.2 ( Mapaglaro)

81 4 0
                                    

( set up: 2nd floor ng bahay sa my terrace)

Kakauwi lang ni pam galing sa trabaho, masaya ang naging unang araw nya dahil mababait ang mga katrabaho nya.. kaya naman kinuha nya ang gitara at umupo sa terrace ng bahay, nagsimulang maggitara si pam,kasabay nito ay kinanta nya ang 'friend of mine' na version ni juris na paboritong nyang kantain sa kanyang nobyo. Habang kinakanta nya ito, si rey naman ay nakadungaw sa kanya habang nakahiga sa duyan.

Magkasing taas lang kasi ang bahay nila at pareho ding my terrace kya kitang kita ni rey ang dalaga.

Kunwaring naglalaro ng ml si rey pero ang totoo patagong sinusulyapan niya ang dalaga. Narinig ni rey na maganda din pala ang boses ng dalaga na parang anghel na kumakanta at napabilib din sya kasi marunong din pala maggitara si pam, napangiti ang binata nang makita nyang kumakantang nakangiti at parang inspired ang dalaga.

Habang naggigitara, Napalingon ang dalaga sa tapat ng bahay nila, nabigla sya kasi nahuli nyang nakatitig sakanya ang binata at nakangiti pa.

Biglang napahinto ang dalaga at pumasok na sa loob.

Nang makita ni rey na tumayo at papasok na sa loob si pam,bigla itong napasigaw sabay sabing
' Oy!! tapusin mo naman yung kanta!! , ang ganda ehh!, npakasuplada talaga nito!

Lumingon pabalik ang dalaga at inirapan lang nito si rey sabay isinara ang pinto.

Ang hindi alam ni rey nasa likod nya pala ang kanyang ate na si Rovie Ann ,ang ina ni guen..

Rovie : Hoy bunso! Sinong kausap mo jan? Ayos kalang ba?? Sigaw ka ng sigaw jan ha..

Nanlaki ang mata ni rey ng marinig ang boses ng kanyang ate,di nya alam kong ano ang isasagot nya.
Kaya nagkunwari nalang sya na ml ang rason kong bakit sya nag sisisigaw.

Rovie: hoy rey ! wag mo nga akong niloloko, akala mo diko alam, kanina pa ako dito pinagmamasdan ka panay ang sulyap mo dun sa kapitbahay natin... type mo ba sya? Maganda sya infairness at masarap pa mag bake.

Alam mo rey, balita ko teacher daw yan sa isang training center dito satin sa rizal, mataas raw ang posisyon nyan kasi sa tesda bicol yan galing. Tinuturuan nya daw ang mga guro dun,ineensayo nya kasi magbubukas dw ng training courses ang institute na pinagtatrabahuhan nya, at isa din sya sa nagbibigay ng scholar sa mga tao na gustong mag aral at makapagtrabaho sa abroad. Try mo ulit kaya pumasok bunso, diba gustong gusto mo din mag abroad, Balik kana ulit sa pag aaral...

Rey: Ang dami mong alam ate, Ayoko nga, bat pa mag aaral, pare pareho lang naman yan.

Rovie: Nako,bahala ka,para sayo din yan. O sya bababa na ako at maghahanda na ng hapunan natin.

Nahinto si rey sa pag aaral di dahil sa hikapos sila kundi,nawalan sya ng gana kasi, yung klasmate nya naging jowa nya,minahal nya ng sobra sobra kaso niloko lang sya at pinagpalit sya dun sa kaklse nyang itinuring nya ding kapatid. Kung baga na awkward na si rey pumasok kasi di nya maako ako na pinagpalit sya, kaya minabuti nyang huminto nlang kesa makita palagi ang dalawa.

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon