continuation 4.4 (Mapaglaro)

49 4 4
                                    

Inihatid na ni paul si pam sa bahay ng kanyang pinsan na si klet, doon ay nagkita si klet at paul. Malapit si paul kay klet dahil ang nkatatandang kapatid ni paul na si april ay bestfriend at kaklse ni klet nung college..

Pinagbuksan ng pinto ng kotse ni paul si pam para ito'y bumaba at pumasok sa loob ng bahay, kung saan nandun si klet nakaabang sa kanila at agad na bumati kay paul..

Klet: Oh, ikaw pala yan paul? Long time no see! Bineso beso ni klet si paul.. Pinaupo sa sala at binigyan ng makakain.

kinumusta ni klet si paul at ganoon nadin ang ate nyang si april dahil wala na sila komunikasyon simula nung grumaduate sila sa kolehiyo.

Paul: okay naman ngayon tita klet si ate april, sa katunayan may asawa na sya. Isang arabo at doon sila nkatira sa dubai. Mayroon na rin silang anak na lalaki si eli. Tatlong taong gulang na, baka next year magbakasyon sila dito sa pinas.

Tita , Naparito pala po ako dahil may gusto sana akong sabihin sainyo, nais kona kasing sunduin si pam at kami ay uuwi na ng bicol bukas.

Di rin po ako magtatagal dito sainyo kasi kelangan ko din magpahinga. Inihatid kolang talaga sya at para mkapagpaalam din sainyo. Sa hotel pala ako ngayon tumuloy kasama ng driver ko. Galing kasi akong airport. Pinadala ko ang sasakyan ko sa driver ko dahil yun na din ang sasakyan namin pauwi bukas ng gabi.

Basta po tita sunduin ko po bukas dito si pam mga mga alas 8 nang gabi. Salamat po tita sa pag alaga nyo kay pam. Hayaan nyo po at hindi na ko aalis ng pinas para palagi ko nakikita at nkakasama ang nobya ko..

Klet: nako ambilis naman,dipa nga nakaka isang buwan dito si pam aalis na agad,pero ang sweet mo naman paul, talagang gusto mo sya palagi nakikita,o sige basta mag iingat kayo sa byahe pauwi ng bicol.. tugon ni klet

Inihatid na palabas ng gate ni pam si paul, tila bagsak at malungkot ang dalaga kasi wala na syang magagawa kundi ang umuwi kasama si paul .kinausap nadin ni paul ang Head director ng Rizal Institute patungkol sa sitwasyon ni pam.

Bago sumakay si paul ng kotse hinawakan nya ang kamay ni pam at sinabing 'love please,dont be mad at me, I am just doing this for us.

Alam mo naman na ayokong nawawala ka sa paningin ko, I just want to make sure that you are safe kasi by the next year itutuloy kona din yung wedding engagement ko sayo.

Sound so weird pero sasabihin kona sayo, kasi para saan pa naging boypren moko.diko na kelangan pa magpropose kasi alam kong ako din naman ang makakatuluyan mo..hinalikan ni paul si pam sa noo at niyakap ng mahigpit.

Paul: Aren't you happy? Wag kana malungkot papakasalan naman kita eh. Basta bukas Sunduin kita dito sharp 8:00 pm. Sige, I have to go. Bye.

Pam: Nanatiling tahimik ang dalaga hanggang sa ito'y makaalis na. Tila hindi sya masaya sa sinabi ng nobyo, walang excitement na makikita sa mukha ng dalaga.

Habang sa kabilang dako, Nanonood pala si rey sa dalawa,Oo nakita ni rey lahat ng nangyari pati yung paghalik sa noo ni pam at pagyakap ng lalaki na may dalang kotse.

Nakaramdam ng lungkot ang binata dahil sa nakita nya, naisip nya na kaya pala walang interes sakanya si pam ay dahil ito'y may nobyo na,pero napaisip din sya bakit ganon nalang kalungkot ang mukha ng dalaga, ano kaya ang nagyari sa dalawa? nag away kaya sila? At ano pa kaya ang mga mangyayari?

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon