continuation 13.5 (Mapaglaro)

20 0 0
                                    

(Set up: sa kwarto ni rey)

Habang busy si pamela sa pag asikaso sa kanilang bahay, heto naman si rey nakahiga sa kanyang kama, maghapon naghihintay ng text at call ni pamela ngunit wala itong natanggap ni isa man lang.

Rey: Kamusta na kaya si pam'? Mag iisang linggo na rin ang nakaraan simula noong umalis siya, parang hindi ko kayang hindi siya nakakausap at nakikita...
Sana'y okay lang siya dahil miss na miss kona siya ng sobra.. Please pam, tumawag kanaman o kaya'y magtext.. nakakapraning ang mag isip at maghintay.. haaay'!!

Mga ilang minuto ay hindi natiis ni rey na maghintay kaya  tumawag na ito kay pam.. at agad naman itong sinagot ni pamela..

Pam: Oh, napatawag ka'??  sorry ha ang dami ko kasing gawain na tinapos, kamusta kana?

Rey: heto, Miss na miss na kita ng sobra!, Nakakapraning ang maghintay ng text at tawag mo kaya ako na ang tumawag sayo.. alam ko naman na busy ka, kaso hindi ko  kayang hindi ka makausap o marinig man lang ang boses mo, kelan ka ba babalik dito?

Pam: Nako rey, di kopa masabi kasi kakalabas lang namin ng hospital at babalik pa kami for check up. Nag mamaintenance na kasi si mama.

Rey: Edi, matatagalan ka pa pala, nako', Nakakalungkot naman... Haay'..( malungkot na tinig nito)..

Kung kaya ko lang pumunta diyan, siguro sumama na ako saiyo kaso..... Hindi naman pwede kasi nga ay may trabaho at negosyo tayo dito...

Pam: Ano ka ba, babalik din ako diyan, wag kang mag alala.. saka alam ko na kayang kaya mo yan!  Andyan  naman si mona at gelay para alalayan ka. Yun nga lang walang nag aasikaso saiyo sa mga gig mo..

Rey: Yun nga, namimiss kona ang pag asikaso mo sakin tuwing may gig. Di naman kita ma istorbo kasi alam ko na busy ka masyado, wala akong mapagkwentuhan ng mga nagyayari saakin sa araw araw, Sana'y maging maging okay na si Tita para makabalik kana dito..

Pam: Oo naman, soon isusurprise nalang kita..wag kana malungkot, alam mo kapag bumalik ako dyan promise ko saiyo hindi na ako mawawala sa tabi mo..

Rey: Hehehe, talaga? Hihintayin ko yan'! Oh Sige na baka may gagawin kapa kinumusta lang kita kasi di ako mapakali kaka isip kung ano nang balita sayo at kay tita..  mag iingat ka palagi ha, i love you!

Pam: Sige, thank you sa pagtawag, i love you too, mag iingat kadin palagi!, Bye!..

Biglang nakaramdam ng guilty si pam, kasi alam niyang bukod sa kanyang ina ay mayroon pa siyang isang bagay na kailangan ayusin..

Pam: Hay',.. kung alam mo lang rey, gustong gusto kona din makasama ka, kaso hindi pa pwede kailangan ko munang ayusin ang samin ni paul.. Pag naging okay na ang lahat ay  ipinapangako kong babalik ako agad at hindi nako aalis sa tabi mo rey.. hinihiling ko na sana'y matanggap na ni paul na wala na kami at sanay maging okay nadin siya.. (tugon nya sa kanyang sarili na seryoso sa kanyang mga sinasabi..)

Habang sa kwarto naman ay nagising na sumisigaw sa sakit ng dibdib ang kanyang Ina..

Mama: nak! Pam, tulungan mo ko, ang sakit ng dibdib ko!! Aray'!!! Hindi ko na kaya ang sakit'!!!

Dali daling tumungo si pamela sa kwarto para tignan ang kanyang inang sumisigaw sa sakit ng dibdib..

Pam: Ma'!! ?? Anong nangyayari sayo!? Agad niya itong inakay.

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon