Chapter 6 (Mapaglaro)

54 2 0
                                    

(set up: market)

Sinama ni klet si pam para mamalengke, bumili sila ng mga lulutuin para sa pananghalian. Pakatapos nun ay naglakad lang sila pauwi dahil malapit lang naman ang market sa bahay nila, Habang sila'y naglalakad pauwi tinanong ni klet si pam..

Klet: Pam, kamusta kana?

Pam: okay naman ate, baka bukas pumunta ako sa institute para  iinform sila na kung pwede ko ulit ituloy yung trabaho ko sakanila. Kahit mag extend ako na walang bayad, okay lang. Ang importante matapos ko yung MOA na pinirmahan ko sa kanila.

Klet: sige, puntahan mo talaga at sayang naman nun, nasimulan mona edi  pagpatuloy mona. oh pakatapos pala nyan? Ano ng balak mo?  uuwi kana ba ng bikol?

Pam: Hindi ko alam kong uuwi na ba ako, o mag sstay pa ng konting panahon dito sayo.  pero isa lang ang sigurado ako, mag reresign na ako sa work ko. Pag papahingahin ko muna yung sarili ko, toxic na kasi ehh, its been 6 years nakong straight nag wowork since pakagraduate ko ng college. Siguro need ko rin mag unwind and try something new. Basta ang gusto ko magrelaks, bigyan naman ng time yung sarili ko na mging kalmado at masaya..

Klet: ay maganda yan pamela! Alam mo speaking of unwind, kinausap ako kahapon ni rey, pinagpaalam ka nya saakin kong pwede ka daw isama sa gig mamayang gabi para makilala mo ang banda nya at syempre mga kaibigan nya, nako pam itry mo, masaya silang kasama at mababait ang mga kabanda ni rey at ang popogi pa!

Para naman makapag relaks ka, wag ka mag alala mabait yun si rey, sadyang makulit lang talaga. Sayang nga at huminto yun sa pag aaral, mabait naman yun at masipag mag aral, kaso mukhang nasaktan ata ng pag ibig kaya nawalan ng gana. Kaya siguro itinuon ang sarili sa pagbabanda pero okay naman ang resulta, magaling silang tumugtog.

Pam:  Ang babaw naman ng rason para huminto sa pag aaral. Nakakapanghinayang ang ganon, Sana mas pinili nya parin ang pag aral o di kaya pagsabayin nya ang pagbabanda  at pag aaral.

Klet: O kaya nga sumama kana sakanya mamaya,  at isabi mo yan sakanya baka matauhan si rey.

Pam: ay ewan ko ate, pag isipan ko muna.

Klet: anong pag iisipan?hello pamela!! 25 taong gulang kana no! Mag isip isip ka nga!  Sige ka, kelan mopa to gagawin pag wala na sa kalendaryo edad mo?saka kala ko ba gusto mo mag unwind?oh eto na ohh, binibigyan kana ng pagkakataon! Wag mona sayangin..

Sige na, kasi boto naman ako kay rey ehh, alam mo,  masid ko si rey may gusto yan sayo, Kasi namasdan ko yan minsan yung bang sa tuwing palabas ka ng bahay para pumunta ng trabaho, palaging nakaabang sayo, may pa goodmorning pang nalalaman ang bata.. Hahaha! Natutuwa ako nun sobra,patago lang akong tumatawa pero kinikilig ako sa ginagawa ni rey. 

Alam mo pamela kung wala kalang paul, baka nireto na kita kay rey kaso meron ka nun eh.. pero ngayon..baka pwede na..

Pam: hoy ate! Itigil mo nga yan! Bata pa yun si rey para saakin.. halika na,bilisan na natin ang paglakad kasi matatagalan tayo mag luto..

Klet: hay nako pamela, di naman nag kakalayo edad nyo ni rey, di nga aabot ng limang taon ang agwat nyo, parang tatlo ba o apat na taon lang? Ehh, yung iba nga jan sugar daddy na pero okay pa din..hahahahaha! (Hagakhak na tawa nito)

Pam: ate anuba???? Di nakakatuwa! Bilisan na nga natin.

Klet: Oo na sige na titigil na, heto naman di mabiro biro..  sige na uwi na nga tayo.

At tumungo na pauwi ang dalawa at agad nagluto para sa pananghalian.



MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon