continuation 4.1 (Mapaglaro)

59 4 0
                                    

( set up: office)

Hindi parin mapakali si pam, nababahala sya dahil anomang oras ay baka tumawag si paul sa kanya, at dahil dun hindi si pam maka concentrate sa trabaho...

Hindi kinalaunan may tumatawag na nga sa cellphone niya na nkalapag sa kanyang mesa, nakaramdam sya ng kaba,tila ayaw nyang tignan kong sino ang tumatawag, kung maari lang sana na hindi nya sagutin gagawin nya,pero hindi maaari dahil baka importante ito. Nang makita nya  ito'y isang unknown number, Hinayaan nya lang itong mag ring dahil iniisip nya kung may binigyan ba sya ng contact nya..  huminto ang pag ring, mga ilang segundo tumawag nanaman ang unknown number, kaya sinagot niya na ito..

Pam: hello, may i know who's this please?

Juvy:  Maam si juvy po ito, staff po ni sir paul, nkitawag lang po ako dito sa katrabaho ko. May sasabihin lang po ako sainyo saglit, dahil concern po ako sainyo.

kanina lamang po kasi ay galing dito si Fr.Fidel para sana kausapin kayo dahil di nyo raw sineseen email nya sayo.nakausap nya po kanina ang assistant director natin, tapos ayon po hindi kopo alam maam kong anong pinag usapan nila.

Kaya po tinawagan kita kasi baka po kapag nalaman ni Fr.Fidel na wala ka dito for sure tatawag yun kay sir paul. At alam naman po nating hindi imposible mangyari yun, alam mo naman po na hindi tayo pwede magsinungaling kay Fr. Fidel..

Pam: salamat juvy sa impormasyon, sige balik kana sa trabaho mo, ako na bahala dyan.

Mas lalong kinabahan si pam dahil alam nya na hindi magsisinungaling ang assistant director nila kay Fr.Fidel.

Napatanong sya sa sarili nya, eto na ba yun? Wala na, wala na akong choice, ay ewan bahala na nga! Buking kong buking. Kaso anong mangyayari sakin neto pag nagka alamnan na ? Naku! Pamela di ka kasi nag iisip ng tama!

( Set up: sa bahay)

Nkaupo sa sala ang magpipinsan habang nanunuod ng tv seryoso sila at tahimik ng biglang my mag pop out na  message sa kanyang cellphone galing kay paul. Binasa nya ito.

Paul: 'Im going to call you later. May tinatapos lang akong meeting. Wag ka muna matutulog. We need to talk.'

Pam: paktay eto na ata yun! tugon nya sa sarili..

Klet: ang alin pam?

Pam: wala po ate, nevermind.

Nagpatuloy sila sa panonood pero ang dalaga parang tila di na ata mapakali, kasi ramdam nyang may alam na si paul.

Mga bandang alas nuebe ng gabi tumawag si paul kay pam.

Paul: hello, are you still up?

Pam: yes love, im here ano pong pag uusapan natin?

Paul: Sa tingin ko mukhang dapat ako ang nagtatanong nyan sayo, may kailangan kabang sabihin saakin na hindi ko alam?

Pam:  I....m so..sorry love, hindi ko gustong magsinungaling sayo promise... (Nauutal na tono nito..)

Paul: And that's it! You did it anyway!
Anong bang pumasok sa isip mo at naisipan mong gawin yan without my knowledge? Baka nakakalimutan mong I am still your boss!! You betrayed me! Ang sabi ko sayo ayusin mo yung mga dapat mong ayusin sa opisina hindi yung aalis ka na walang approval ko.nag iisip kaba pam?

Pam: love im sorry, but can you please let me explain..

Paul: explain for what? Na hindi mo sinadya na pumunta kajan?na napilitan kalang? As far as i know ginusto mo yan. And ano?kapag nagkamali ka?sino nanaman ang mag sosolusyon ng problema mo?ako?di ka nag iisip! Para kang bata! diba sabi ko sayo never approved any recommendations without my consent! Im so dissapointed with you! Ano nalang iisipin saatin ni Fr. Fidel? Kaya pala hindi mo na seseen mga emails kasi busy ka sa sarili mong gobyerno! Umuwi kana!  ASAP!  By monday I want you to go back in the office! I want you to go on with Fr. Fidel's proposal. And that's an order! And as for your information also,  sana wag tayo umabot sa puntong  kelangan kong  umuwi jan sa pinas makumbinsi lang kitang bumalik sa opisina. Pack your things as soon as possible!

Biglang binabaan ng telepono ni paul si pam, makikita mo sa tono nito na ito'y galit at dissapointed kay pam.

Tanging luha na dumadaloy sa mga mata ang naging sagot ni pam sa nangyari, luha dahil itoy nasaktan sa masasakit na salitang narinig..

Nakita ni klet na umiiyak si pam, kaya nilapitan nya ito at tinanong..

Klet: Okay kalang ba pam? Sabay akbay nito sa dalaga..

Pam: Opo ate klet, na puwing lang ako, ang sakit pala sa mata. (Biro ng dalaga para hindi mahalata)

Klet: Ay oo masakit talaga yan, lalo na kung tanging ikaw lang at walang ibang nakakaintindi at nakakaaalam ng nadarama mo..

Ang swerte ni paul sayo,
Sadyang mahal na mahal mo sya, kasi  pati pang sarili mong kasiyahan at desisyon sa buhay sakanya naka depende, ganon ba talaga dapat pam kapag nagmamahal? Lahat ba dapat ibibigay at ipapaubaya?

Tila nabigla si pam sa narinig nya kay klet, di nya mawari na nagmamasid  pla ito sa mga ngyayari sakanya..

Pam: Sa sitwasyon ko, siguro oo ate, wala eh nasanay na akong ganyan. Simula nung naging kami ganito na palagi sitwasyon ng buhay ko,

Minsan naiisip kona mas okay nadin siguro ang ganito kaysa mag away kami dahil sa simpleng bagay na hindi magkaintindihan, minsan na kasi akong nagkamali at ayoko nang ma ulit pa , kasi pakiramdam ko wala akong ngagawang tama sa buhay.

Klet: hay nako! mali yan diwa mo, normal lang naman na magkamali tayo kasi tao lang naman tayo, ang importante alam natin sa buhay kong ano ang dapat sa hindi. Alalahanin mo pam, lahat tayo ay may karapatan maging malaya kong ano man ang gustuhin natin sa buhay basta wala tayong inaapakan na tao. Doon ka sa magpapasaya saiyo, wag ka matakot, sige lang,  bata kapa, marami kapang dapat malaman at matutuhan sa buhay. Basta ako, doon ako kung saan ka masaya, kaya itigil mona yan iyak mo, di yan nakakaganda, O sige na matulog kana at bukas ay maaga kapa sa trabaho.

Pinunasan ni klet ang mga luha nito sa mata at inakay na sa kwarto para matulog.

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon