continuation 7.2 (Mapaglaro)

32 2 0
                                    

( araw/set up: lunes; sa labas ng bahay)

Eto na yun, araw ng pagbabalik, masayang araw para kay pamela dahil alam nyang babalik na uli sya sa trabaho..

Saktong pagbukas ng gate ni pamela nakita nya si rey, nakaabang sa gate may dalang isang malaking puting namukadkad na rosas..

Rey: Good Morning Pam! sabay ngiti sa dalaga at binigay ang rosas..

Pam: Good Morning din sayo rey! Sabay ngiti at sumilip ang dimple sa mukha nito dahil sa bulaklak na binigay ng binata..

Rey: hala, may dimple ka pala?

Pam: oh bakit? Ngayon kalang nakakita nyan?

Rey: Hindi, ngayon lang kasi kita nakitang ngumiti ng ganyan..

Pam: kasi paborito ko tong bulaklak, kaya nakangiti ako..salamat ha..

Rey: dapat pala araw araw kitang bibigyan ng bulaklak para palagi kang masaya..

Pam: Nako! Wag sayang ng pera, di naman ito nakakain.

Rey: Mas nakakapanghinayang kong diko makikita yung ganyang ngiti.

Pam: ano bayan, ka aga aga ang lakas mona namang mambola!

Rey: Totoo yon!. At hindi ko yun babawiin..

Pam: Ewan ko sayo, alis na nga ako ayokong malate. Salamat uli sa bulaklak.

Rey: ayaw moba ihatid?

Pam: ay wag na, kaya pa naman ng oras ko at mas gusto ko mag commute para mas makakabisado ko ang daanan.

Rey: Sige ingat ka..

Pam: Salamat!

Nakakapanibago, dati rati'y panay suplada tong si pamela kay rey, pero ngayon tila nahuhuli na ni rey paunti unti ang kiliti ni pamela..

Habang naglalakad si pamela patungo sa kanto para sumakay ng jeep, tila di nya maitago ang ngiti sa mukha nya , bakit ganito ang nararamdaman nya? Dahil ba sa pagbabalik sa trabaho?o dahil sa bulaklak na ibinigay ni rey?

Pero isa lang nasa isip nya, ang pagpapasalamat dahil, nagagawa na nya paunti unti ang gusto nya.

( Set up: University of Rizalista )

Alas 9 ng umaga, tumungo si rey sa dating paaralan para mag inquire ng subjects.

Dun ay nkita nya ang schedule ng enrolment at kumuha sya ng mga requirements na kakailanganin.

Rey: Eto na yun, kaya koto! Kakayanin koto.. ( tugon nya sa sarili)

Sabay nyang finill-upan ang Pre registration form. Pakatapos nito ay sinubmit nya, babalik sya pkatapos ng ikatlong araw para sa payment. Ganon kasi ang system sa kanila.kailangan mona i verify lahat ng documents at subject to assure na walang problema.

Bago lumabas ng University si rey, tumungo muna sya sa chapel. Dito ay mataimtim sya nagdasal at nagpasalamat dahil unti unti na syang nagiging okay sa mga nangyari sa buhay nya..

Pakatapos nya ay umuwi na sya sa bahay nila na kung saan ay naghihintay ang kanyang Mama na si Dolly at tinanong sya kung saan sya galing. Nagmano muna sya sabay inilapag ang gamit sa sofa at nagpahinga saglit.

Mama: Nak saan ka galing?

Rey: Sa dating paaralan kopo ma...

Mama: Bakit? Mag eenrol kana ulit?

Rey: Opo ma, balak kona po mag aral ngayon at makapagtapos.

Mama: Talaga nak! MAGANDANG BALITA YAN! Sabay yakap ng mahigpit sa kanyang anak..

Salamat sa dios at dininig nya na ang aking panalangin,

Anak ayaw kong tanungin to sayo ha pero, sino ba nag udyok sayo at bigla ka atang ginanahan bumalik sa pag aral?

Rey: si pamela po ma, yung kapit bahay natin..

Mama: sabi ko na ngaba! Nako kailangan ko magpasalamat sa kanya, hulog ng langit sya!

Rey: Nako Ma, wag na po! Nakakahiya..

Mama: Bakit naman?alam mo gustong gusto ko din sya makausap at makilala, diko lang talaga ma tymingan dahil marami akong gawain dito sa bahay, minsan nak, yayain modin sya dito saatin, ang sarap nung cupcake na ginawa nila ni guen. Diko malimutan yung lasa. Tanungin mo din kong anuba ang paborito nyang pagkain at mailuto ko pag niyaya mo sya dito sa atin.

Rey: Sinigang po Ma, yan po ang paborito nya sabi ni ate klet.

Mama: hmm..Mukhang parang may nararamdaman akong kakaiba sayo.. gusto mo ba sya nak?

Rey: kaibigan kolang po sya Ma..

Mama: Nanay moko, di moko matataguan ng sekreto..alam ko ang mga galaw mong yan..

Rey: Opo ma, gusto ko sya, pero ayoko monang sabihin kasi nagsisimula palang kami maging close. Baka iwasan nyako pag ngyari yun..

Mama: oo tama yan nak, wag padalos dalos. Hayaan mong ang panahon at tadhana ang syang gumawa ng paraan para magkalapit kayo.darating din kayo jan kung para talaga kayo sa isat isa.

Rey: Gusto mo sya para saakin Ma?

Mama: Ay oo, botong boto ako sakanya, lalo pa ngayon na sya ang naghihimok sayo mag aral. Napakaganda nya kaya at alam ko na mabuti syang pinalaki ng mga magulang nya..

Halika na nga at kumain na tayo ng tanghalian..

Tila nakikisabay na nga ang tadhana ki rey, napakasaya ng mga nangyayari sa kanya, Unti unti ng napapalitan ng saya at kilig ang lungkot at poot na naramdaman nya dati.


MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon