Chapter 3 (Mapaglaro)

97 5 0
                                    

( set up: sa kwarto)

"Habang  seryosong nanood ng netflix si pam sa kanyang cellphone biglang nag alarm ang 3:00 pm prayer nya.."

Pam: haaaay nako, Ang bilis ng oras! Saglit nga lang at maligo muna ako.

Bumangon sa pag kakahiga sa kama ang dalaga at mabilisang itong nagsuklay. Lumabas ito ng bahay at tumungo sa tindahan nila guen para bumili ng shampoo at conditioner.

Pam: tao po!..Pabili po ng shampoo at conditioner... Habang sumisilip sa bintana ng tindahan.

Saktong si guen at rey ang bantay sa tindahan. Si rey ay naglalaro ng ml sa kanyang cellphone habang si guen naman ay nanonood ng cocomelon sa kanyang tablet. Nakita ni guen si pam sa bintana at sabay itong napasigaw..

Guen: Tita!! Sigaw ng bata na parang sabik na sabik sa dalaga.

Napalingon si rey bigla dahil sa sigaw ni guen,  sabay sabing 'Sinong Tita?'

Guen:  Si Tita pam po! ayun oh, nasa bintana. 'Tita meron kapa pong cupcake? ' tanong  agad ng bata..

Pam: Hello aling maliit! Nako ubos na,pero hayaan mo sa susunod gagawa ulit tayo..

Rey: ahh, ikaw pala ang tita pam na pinag uusapan nila kagabi dahil sa cupcake.

Habang hawak ang shampoo at conditioner, Sabay nyang binuksan ang screen ng bintana at dito nakita nya ang buong mukha ng dalaga. 

Biglang natulala si rey pakakita kay pam, tinitigan nya ang mga mata nito na nag aagaw ang kulay brown na eyeballs, ang mahahabang pilik mata,  ang pisngi nitong pink na mala pomelo ang kulay, ang labi na sakto lang ang pakanipis na parang isang santa, Ang buhok nitong straight na kulay itim na lampas balikat ang haba, napaka amo ng mukha ng dalaga, walang make up pa yan, kaya talagang natulala ng ilang segundo  ang binata na para bang na freeze at naka nganga..

Iniabot ni pam ang bayad at kinukuha na ang shampoo at conditioner pero ayaw padin ibigay ni rey kasi nga tulala ang binata sa dalaga.

Pam:  Kuya?? May balak kaba ibigay yung shampoo at conditioner??? Heto na ang bayad oh.

Rey: Ay oo nga pala! eto na.. Sorry may naisip lang ako..

Sabay iniabot at umalis na ang dalaga,parang namula si rey sa ginawa nya dahil tinawanan sya ni guen kasi nga natulala ang binata..

Guen:  oyyy si tito rey, gusto din ng cupcake! hahaha!! (Malakas na tawa ng bata)

Rey: ewan ko sayo guen, ano bang gusto mo?  manonood kalang jan o kukunin ko yang tablet mo?

Guen: manonood po, 'wika ng bata at pinigilan na ang kakatawa.'

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon