Chapter 14 (Mapaglaro)

42 0 0
                                    

At dumating na nga ang isa sa mga kinakatakutan ni pamela, ang unti unting panghihina ng katawan ng kanyang ina, at wala siyang magawa kundi ang tignan at pakinggan lamang ang sakit na nararamdaman nito sa katawan...

Sinabayan pa ito nang kasong kinakaharap  niya kay paul, na kung saan ay may iniabot nanamang sulat para sa nalalapit na hearing.. dahil dito ay hirap at gulong gulo na din si pamela kakaisip kung ano ba ang dapat unahin at isipin sa mga nangyayari.

Nakita siya na kanyang ama na umiiyak sa kaniyang kwarto, agad itong pumasok at kinausap ang anak.

Papa: Nak, ? bat umiiyak ka?ayos kalang ba?

Pam: Ah, opo pa, wala po ito ayos lang ako..

Papa: alam mo,  noong bata kapalang kapag umiiyak ka isang hele kolang sayo  ay titigil at napapatahan na kita, kaso ngayon ay malaki kana, di ko na magagawa yon dahil sobrang laki at bigat mo na..

Biglang napangiti si pamela sa  sinabi ng kanyang ama..

Papa: O diba', atleast napatawa na kita.. ano bang nangyari at kamusta narin pala kayo ni paul?naayos niyo na ba?

Pam: yung nga po Pa, ang hirap paki usapan ni paul. Siguro kelangan ko na lang din siyang harapin sa kasong isinampa niya saakin, pero paano ko gagawin to'? Ayokong pabayaan si mama kahit saglit lang na minuto,  dahil mas kailangan ni mama ang atensyon natin lalo pa't konting panahon nalang ang natitira sa kanya rito..

Tila nabigla ang kanyang ama sa sinabi ni pamela..

Papa: Ha'? Anong sabi mo'??? Tama ba yung narinig ko? Konting panahon nalang ang natitira sa mama mo? Bakit'??? Anong ibig sabihin mo nak?? May di ba ako alam??

Tila nabigla rin si pamela sa kanyang sinabi, napaisip ito dahil hindi niya inaasahan ang pagkadulas niya sa mga nasabing ito..

Papa: Nak, ano bang nangyayari? Akala ko ba ay normal lang ang nararamdamn ng Mama mo'? ? ( Pag aalalang tanong nito..)

Pam: Pa, patawad po.. ayoko na sanang sabihin ito sayo at kay Mama dahil alam kong masasaktan kayo..

Pero siguro kailangan mo din malaman ito dahil Ama ka namin at asawa ka niya...

Pa,  sorry  po, hindi ko gustong itago ito... pero may taning na ang buhay ni Mama, limang buwan nalang ang natitirang panahon para makasama natin siya.. base yan sa resulta at sa sinabi ng doktor dahil malala na ang kanyang goiter, umabot na kasi ito sa kanyang puso kaya ganyan nalang kadalang sumakit ang dibdib at biglaang pagbagsak ng katawan niya...

Hindi ito alam ni Mama, natatakot akong sabihin sakanya dahil baka lalo siya ma stress, mas gugustuhin kong huwag niya nalang malaman, kaysa unti unti nyang isipin sa buhay niya na wala na siyang pag asa pa mabuhay ng matagal..

Patawarin mopo ako pa, kahit ako man ay nahihirapan tanggapin..

Mahigpit na niyakap ng kanyang Ama si pamela, naiyak din iyo sa mga narinig kay pamela..

Papa: Hindi ko alam kong anong sasabihin ko, wag ka mag alala, hindi ako galit sayo.. wala tayong magagawa kung iyan na talaga ang nakatadhana para sa kanya,  ang dapat nating gawin ay sulitin na ang mga panahon na ito habang andyan pa ang Mama mo, ganito talaga ang buhay natin sa mundong ibabaw, sadyang hiram lang kaya dapat nating pakaingatan at mahalin..

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon