continuation 14.1 ( Mapaglaro)

22 1 0
                                    

Sadyang mapaglaro ang panahon ngayon kay pamela, kaliwa't kanan ang mga problema nitong iniisip...

Dumating na ang araw ng hearing, pero mas ninais nitong hindi sumipot sa dahilang hindi ito handa at wala itong pambayad sa hahawak ng kaso niya... At mas inaalala niya ngayon ang kalagayan ng kanyang ina, na unti unting lumulubha ang kalagayan dahil sa sakit nito..

Naisipan niyang tawagan ang kanyang ate klet para ito'y makausap at kamustahin narin.

Klet: Oh '? Pamela!? Napatawag ka, kamusta kana dyan??  Siya' nga pala , maiba muna ako ng usapan ha, plano na kasi ng kuya ryan mo na sabay nalang daw kami umalis pa ibang bansa dahil okay nadin ang mga papeles ko... Kelan kaba babalik dito sa rizal para naman maihabilin ko saiyo ang bahay at pati natin itong dalawa mong pinsan?

Pam: ha'? Bat ang bilis naman??,
Alam mo ate, kung ako lang ang tatanungin, gustong gusto kona bumalik dyan, kaso hindi pa pwede..

At hindi ko din alam kung kelan magiging okay ang mga nangyayari saakin dito..

Klet: Bakit'?? Anong nangyari sayo?? Kamusta na si Tita? Okay na ba siya?

biglang naiyak ng tahimik pamela, dahil wala itong mapagbuhusan ng kanyang nararamdaman.. habang humahagulhul ay pinilit nitong magsalita at aminin ang lahat kay klet..

Pam: " Ate, may sasabihin ako saiyo.. pero sana wag mong ipagsasabi kahit kanino, lalong lalo na kay rey dahil ayokong mag alala siya saakin..

May taning na ang buhay ni Mama, limang buwan nalang ang itatagal niya dito sa mundo sabi ng doktor, kaya nais kong sulitin ang mga pagkakataon na natitira, takot akong sabihin ito kay mama, kaya hindi ko sakanya sinabi na may taning na siya dahil ayokong malungkot siya lalo..mas gusto kong lubusin na makasama siya dahil ito nalang ang pagkakataon namin para sa kanya..

Klet: Ha'?! Bakit'!?? Anong nangyari kay tita at nagkaganyan siya??

Pam: Hindi ko din alam,kahit ako naguguluhan at natatakot..hindi rin ako makapaniwala,umaasa at nagdarasal padin ako na sana ay may milagrong mangyari...

At Ate...  may isa pa akong problema, kaya ako agad umuwi dito dahil may kinakaharap akong kaso..

Klet: Kaso'?? Kanino?? At bakit'?? Alam ba to ni rey'??

Pam: hindi ito alam ni rey,  At hindi niya ito pwedeng malaman...

Si paul kasi, sinampahan niya ako ng kasong estafa, na hindi ko alam kong bakit...

Ang alam ko ay maayos naman akong nakipaghiwalay sakanya, pero siya itong hindi matanggap.

Ang hirap, sobrang hirap.. Hindi ko lubos maisip kong ano bang pumasok sa isip niya at bakit nagawa niya yun saakin. Hindi kona alam kong anong mangyayari saakin dito, sana ay magbago pa ang isip niya.

kaya nakikiusap ako saiyo ate na kung maaari ay wag na wag mong sasabihin ito kay rey dahil alam kong mag aalala yon, ayoko siyang madamay dito kaya lahat ginagawa ko para masolusyunan ang problemang ito.

At kung sakali man magtanong  saiyo si rey ay palagi mong ipapaalala sa kanya kung gaano ko siya kamahal,  Para sa gayong paraan ay maging panatag ang isip niya. Ikaw na ang bahala muna mag isip ng mga dahilan, pero wag mong aaminin sa kanya ang totoo kong kalagayan dahil ayoko siyang maapektuhan..

Klet: Nako pamela'! ano ba yang nangyayari sayo, kawawa kanaman hayaan mo at hinding hindi ito malalaman ni rey, ipagdarasal ko ang milagrong paggaling ni tita at ang kaayusan ninyo ni paul.. sana ay maayos mo yan, maging malakas ka pam, ikaw lang ang lakas ng pamilya  mo.

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon