continuation 7.4 ( Mapaglaro)

45 4 1
                                    

Inabangan ulit ni rey ang dalaga paglabas sa gate. Tila parang daily routine na ni rey ang pag aabang, dala ulit nito ang rosas na puti, pero sa ngayon dalawa na ito..

Rey: Good Morning! Flowers for you..

Pam: Nako rey, ano bayan wag mo gawing habit yan baka masanay ako sa susunod di ko na tatanggapin yan.

Rey: Ay wala namang ganyanan, masama ba na bigyan kita ng rosas araw araw? Kung yan yung paraan para makita ko yung maganda mong mga ngiti!..(sabay paamo ng mata nyang mapungay)

Pam: Ang korny mo talaga kahit kelan! Sabay tawa nito na tila wala ng mga mata..

Rey: O diba? Masaya yung ganyan kita makikitang palaging nakangiti.

Pam: Bat mo ba to ginagawa? saka di mona man kelangan gawin to,kung ngiti lang yung gusto mo edi ngingitian nalang kita araw araw. Yung lang pala eh! Sabay bungisngis nito kay rey..

Rey: "Ang ganda mo talaga... " (habang pinagmamasadan nito ang pagtawa ni pam..)

Pam: oh bakit nanaman ganyan ang titig mo?

Rey: wala ahh gusto kolang sabihin na galing ako kahapon sa dati kong university nung college ako, kumuha nako ng subjects at nag fill up nadin ako ng pre reg. Bukas babalik ako for verification.

Pam: ay talaga? Good to hear! Oh anong oras ba tayo pupunta sa school mo?

Rey: Sasamahan mo ako?

Pam: Oo naman diba sinabi ko yun sayo.

Rey: Paano? diba may trabaho ka?

Pam: Hawak ko naman oras ko dun, carry ko yan, sa Umaga talaga ako busy kasi hands on yung pagturo ko,  sa hapon naman checking of outputs and paperworks. Saka mga teacher din yung tinuturuan ko,di naman sila mga student na kelangan pang bantayan, sa katunayan  mas matanda pa nga sila sakin eh.

Rey: Sige ba ayos yan sunduin kita sa work mo mga ala 1 ng hapon.

Pam: okay no problem.

Rey: Pam, pano kung sabay nadin kaya tayo mag lunch? Treat ko.

Pam: talaga?

Rey: Oo.

Pam: Sige ba.

Rey: Pam..

Pam: Oh bakit?

Rey: ah wala, ahmm..gusto ko sana..pwede bang..ano nga.. ahh kasi..

Pam: Ano ba kasi yon rey?

Rey: pwede ba makahingi ng contact number mo? Para ma contact kita kapag susunduin na kita.

Pam: Sus yun lang pala. Oo naman , akin na fone mo save ko number ko.

At iniabot ni rey ang fone nya kay pam para isave ang number.

O ayan, nilagay kona, Pamela Ganda nilagay ko kasi alam kong maganda ako.hahaha!

Hindi biro lang Pamela Felerlaine nilagay ko. By the way Globe pala yan. Magpakilala ka ha , di kasi ako nag eentertain ng calls/text pag di ko kilala.

Rey: Sure! Thanks pam.. ingat ka! Gusto mo hatid na kita sa kanto para makasakay ka agad? Alam ko kasi ayaw mo ihatid kita ng motor.

Pam: nako,baka may ginagawa ka.wag na.

Rey: Hindi,  I insist, pagbigyan mona nako.. please?

Pam: okay, sige halika na.

At inihatid ni rey sa kanto si pamela para makasakay ito ng jeep at tuluyan makaalis, sabay nag wave ng babye si pam kay rey at ganun din si rey pero sinabayan nya ito ng flying kiss at kindat! ( nako, eto na yung nakakakilig! Hahaha!) 

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon