continuation 10.1( Mapaglaro)

49 2 0
                                    

Pakatapos nila kumain ay may isa pa silang pupuntahan..at yun ay ang resort na gustong gusto ni pam puntahan dahil hindi ito naka experience mag summer vacation.

Pam: Uuwi na ba tayo?

Rey: Hindi pa, maaga pa para umuwi..

Pam: ehh saan tayo pupunta?

Rey: Sa San Juan Batangas naman..

Pam: Ano naman dadayuhin natin dun?

Rey: Beach Resort, di ba gusto mo yon kasi hindi ka nakapag summer outing,

Pam: wow! Gusto ko yan!!

Rey: di naman halata..tignan mo suot mo, ready kana lumangoy.

Pam: alam mo nakakainis ka! Kanina mopa pinag didiskitahan itong suot kong summer dress,eto yung sinuot ko kasi alam ko mainit dine sa batangas !!

Rey: di nga,pwera biro..bagay sayo, lalo akong naiinlove at dahan dahan akong naaakit! ..ayieee!! Hahahaha!!

Pam: Sampalin kaya kita ng makuha mo!

Rey: Okay lang masampal moko nang ilang beses basta sampal ng halik yan payag ako jan..hahahaha!

Pam: ano ba rey..tama na nga para kang baliw, maiba ako anong oras pala tayo uuwi?

Rey: hmm..tignan ko depende, saka wag ka mag alala, ako bahala sayo..

Pam: sige, sabi mo ehh..

Mahigit magdadalawang oras ang byahe nila bago maabot ang bayan ng san juan batangas..

Doon ay tumuloy sila sa isang resort, sa Casa Dolores..

Pam: heto na yun rey!!! DAGAT NA DAGAT NA AKO!! Oh my GOD!!!

Rey: hehehe, sige na takbo na sa dagat! Alas 3 ng hapon na oh, tamang 1 oras kalang magswimming tapos uwi na tayo..

Pam: huh? Isang oras lang? Para naman akong bata nyan..

Rey: ehh mag bbyahe pa tayo pauwi..

Pam: ehh ang layo ng byahe natin tapos isang oras lang.. nakaka iyak..

Rey: hahahaha, joke lang eto naman paniwalang paniwala, sayang ng byahe natin, sulitin natin ang araw na ito, bukas na tayo uuwi..dito na tayo mag oovernight..

Pam: talaga??

Rey: Oo nga ako bahala sayo, di ka hahanapin ni ate klet, alam nya na kasama moko, at alam nya rin na tayo na..

Pam: wow ha! Nauna kapa magkwento sakanya, wala na ako aaminin, inamin mona..

Rey: ang bagal mo kasi ehh, kaya inunahan na kita..

Pam: teka, di ako prepared, damit lang ang dala ko wala akong tuwalya, wala tayong foods.

Rey: wag mona isipin yun, may rooms naman dito, at may mga resto sa loob, order nalang tayo mamaya, sa ngayon kunin mona yung bag mo para maipasok na natin sa room at mag swimming na tayo,at hintayin natin lumubog ang araw...

Pam: ay wow!!! Gusto ko yan!! Sige eto na kukunin ko na mga gamit ko..

Rey: Sige tulungan na kita,ako na magbibitbit..

Pakatapos nila maipasok sa rooms ang gamit ay tumungo na sila sa dagat para hintayin ang paglubog ng sunset..

Naupo sila sa buhangin, habang nkatingin sa paglubog ng araw, habang nakapikit ito pinapakiramdaman ang paligid..

Pam: ang ganda naman ng panahon sobrang kalmado, ang amoy ng simoy ng hangin ang tunog ng alon ng dagat ang gandang pakiramdaman.. parang isang paraiso lang.

Tinignan ito ni rey habang nakapikit,

Rey: Imulat mona mga mga mata mo dahil mas maganda kapa jan..

Pam: Alam ko, kaya nga nagustuhan mo ako..

Rey: edi wow! Payakap nga! ( Sabay lumapit at mahigpit na niyakap si pam)

Pam: weh? Payakap yakap sabay halik din naman..

Rey: syempre, kasali nayan jan.. package deal na kung baga..

Pam: hahaha! Siraulo! Gawin ba naman akong package deal talaga!? Hahahaha! Fragile ba??

Rey: Oo,sobra,kelangan ingatan at alagaan para maging maayos..

Pam: ay talaga! Grabing tama mo yan rey! Di kana man lasing no?

Rey: Kelangan talaga maging lasing para malaman na may tama?

Pam: ay ewan! itigil mona nga yang kapilosopohan mo.. tignan mo yung araw ohh, bumababa na pa unti unti.

Rey: oo nga ,ang ganda, sandali pwede bang magtanong?

Pam: oo naman, anuyon?

Rey: pano ba sabihin sa bicol ang mahal kita?

Pam: hmm... Maraming paraan yun para sabihin, pwedeng Padangat taka, Padaba taka at Namomotan taka,

Rey: Halaa, bat ang dami?

Pam: Ehh, ganon talaga, alam mo ba ,sa bicol madami kaming dialekto kahit din ako minsan nahihirapan intindihan ang mga salita kasi msyadong malalim yung iba.. halimbawa nalang ha, kapag bumili ka sa tindahan ng itlog, dun samin ang tawag namin ay "sugok" , tapos kapag pumunta ka sa karatig lugar na almost 30 minutes- 1hr ang byahe ang tawag na nila ay "bonay" kaya nakakaloka minsan kasi marami kaming mga salita, modern spanish kasi samin tapos may halong konting bisaya kasi nsa southern part na kami.

Rey: ehh ,pero pano ba sabihin kong mahal na mo sya?

Pam: Padangaton takang maray..

Rey: Padangaton takang maray pamela...

Biglang napangiti ang dalaga sa sinabi ni rey..

Pam:  tama na nga yan,cocota kana! kinikilig nako ng sobra.. halika na nga at swimming na tayo, di na mainit ang panahon..

Rey: sige ba, basta hubadin monayang duster mo.

Pam: duster talaga? Terno kaya to dito, hindi to duster loko ka talaga. Saglit at tanggalin ko.. Naka ready talaga ang two piece ko no.

Rey: witwiw!! sexy!! Hahaha!!

Pam: Hoy!! Wag ganyan! Bawal yan! Tingin lang wag na magsalita!!

Rey: sabi mo ehh, halika at bubuhatin kita!

Pam: oy wag! Mabigat ako!

Rey: walang mabigat sakin, itatapon lang din naman kita sa dagat eh! Sabay binuhat si pamela..

Pam: ay ang sama mo! Ibaba moko!

Rey: Bahala ka sumigaw jan, itatapon lang din naman kita sa dagat!

Pam: oy wag! Masakit yun !

Rey: bahala ka dadalhin kita sa malalim!

Pam: Di ako marunong lumangoy!

(Masayang naligo ang dalawa sa dagat , enjoy na enjoy sila lalo na si rey, pagtripan ba naman si pamela sa malalim na dagat, at higit sa lahat syempre ikaw ba naman kasama mo ang nag iisang mahal mo, di ka ba mag eenjoy nyan ng bongga! )

NP: Rosas_Primo Maestro.

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon