Chapter 7 ( Mapaglaro)

48 1 0
                                    

(set up: kwarto)

Mag aalas diyes na ng umaga pero tulog na tulog parin si pamela, pumasok sa loob si klet para ito'y gisingin..

Nakadampi ang kamay nito sa puwet ni pam at niyuyugyug ng dahan dahan,pero di parin nagigising ang dalaga,kaya ginawa ni klet ay kiniliti nito ang mga paa ni pamela , kaya doon ay biglang nagising ang dalaga.

Klet: Gising na pam, mag tatanghali na pupunta ka pa sa rizal institute diba, bangon na dyan at kumain kana sa ibaba, pero bago yun, kwentuhan mo muna ako, sabay upo ay tinabihan si pamela..

Inunat ni pamela ang katawan nya sabay minulat ang mga mata..

Pamel:haaaaaay!!!! Tanghali na pala.. anong oras na ba ate?

Klet:  alas diyes na ng umaga, kaya gumising kana, kamusta pala kayo kagabi ni rey?kwento kanaman! Dali!..

Pam: mamaya na, kain mona akong almusal..

Klet: wag kana muna mag almusal hintayin monalang ang tanghalian, sanay kanaman jan! Sige na kwentuhan mona man ako, may nangyari ba?

Pam: Anong ngyari?

Klet: abay malay ko sayo ikaw ang kasama hindi ako, kaya nga tinatanong kita.. Masaya ba ?

Pam: ah, yung sa gig.. Oo sobrang saya, tama ka nga sikat nga sila dito saatin,maraming nakisaya at kumanta pati nga ako nkijam ng di sa oras.

Klet: oh kita mo, sabi ko sayo masayang kasama yan si rey! Hanggang gig lang kayo?pakatapos nun umuwi na kayo?

Pam: hindi pa kami umuwi, may pinuntahan pa kaming lugar, di ko alam kong saan yun, madilim kasi ang daanan..at medyo may kalayuan.

Klet: halaa! May nangyari sainyo?

Pam: nangyaring ano?hoy ate! Maghunos dili ka nga! Walang nangyari samin noh!, may pinuntahan lang kaming isang hardin.

Sabi nya sakin secret garden daw yun,  Na tanging  sya at ako lang ang nakaka alam. Ang ganda, sobrang ganda, napaka romantic ng place ,tahimik, malamig ang simoy, at maganda ang tanawin sa ibaba, kita mo ang panoramic view ng rizal. 

Klet: Talaga? May paganyan pa si rey na nalalaman ha, di ko yan alam lugar nayan.

Pam: Naman, kasi nga sya lang ang nakakaalam.. pero napaka sentimental daw ng lugar nayon sa kanya, kasi doon dw sya sinagot at doon rin sya iniwan ng taong mahal nya.

Klet: Anubayan ,sa dinami daming lugar na pupuntahan doon nya pa napili kong saan sya nasaktan ng sobra.

Pam: Yun din nga naisip ko, pero sabi nya okay na daw sya kasi sabi nya sa sarili nya babalik lang sya don kapag moved on na sya at tanggap nya na kahit kelan di babalik yung minahal nya dati.

Klet: O tapos? Wala na syang ibang sinabi??

Pam: wala, nag open up kami sa isa't isa about sa mga past namin. Sobrang sakit din pala yung pinagdaanan nya kaya kahit sino mawawalan talaga ng gana.

Klet: haay, kawawang rey, di ko din lubos maisip na magkakaganyan sya, wala sa imahe nya ang lokohin ng babae..ang mabait, pogi at matulungin..pag ibig nga naman.

Pam: Oo nga ehh, diko din nga inexpect yun na mag oopen sya ng ganun, saka nakakapagtaka lang dahil isa daw ako sa mga dahilan kung bakit okay na sya. Praning siguro yun.

Klet: eheeem.. Mukhang may naamoy akong kakaiba.. hmm... Hahahaha! Pamela di kaya gusto ka talaga ni rey?diba sabi mo yung lugar nayon ay para sa mga magkasintahan di kaya nagpaparamdam na sayo si rey paunti unti?

Pam: hay nako ate, ang bilis nya naman ma inlove kong ganyan,di nya pa nga ako kilalang lubos,mahal na agad?

Klet: yan ang alam mo..

Pam: bakit? Anong meron?

Klet: wala, nakwento kolang naman sakanya buhay mo simula nung mga bata pa tayo hanggang sa pag dalaga mo.

Pam: So ayon, ikaw pala kasi ang pasimuno, kaya pala abang ng abang sakin kasi kinuwento mona buhay ko sakanya.

Klet: hoy, konti lang naman,at yung mga positive naman sinabi ko,diko sinabi sakanya na malakas ka kumain, ututin ka, naglalaway at malakas ka humilik pag tulog..

Pam: Ay sira ka talaga ate!! Sabay hampas ng unan kay klet..

Klet: joke lang! Halika ka na bumangon ka na at maligo, amoy panis na laway kana ehh..

Pam: Ay grabi sya! Di naman yan totoo.

Klet: Oo na sige na biro lang..

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon